Nang makaparada ang sasakyan ni Ken sa tapat ng bahay ko ay mabilis kong inalis ang seatbelt sa katawan ko.Nang maalis ko 'yon at lalabas na sana ng magsalita siya.
"Wait here,"
Wala na akong nagawa kung hindi ang maghintay. Lumabas na siya ng sasakyan, sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa buksan niya ang pinto sa gilid ko.
Gentleman naman pala.
Ngumiti ako sa kaniya at agad na lumabas. Agad akong pumunta sa gate at tinanggal ang pagkaka-kandado 'non.
Nang tuluyan ng bumukas ang gate ay agad kaming pumasok sa loob, binuksan ko na rin ang pinto at in-on ang ilaw.
"Pasok ka," pero agad rin akong naalarma dahil sa ilang sinampay na nakalatag sa isang maliit na sofa.
Mabilis akong tumakbo doon at inakyat iyon sa kwarto ko, narinig ko pa siyang tumawa sa baba kaya napahawak ako sa dibdib ko.
Naman Heyna anong ginagawa mo ?
Muli akong bumaba at nakita kong bukas na ang tv at nakalagay ang coat niya sa isang upuan.
Nakarinig ako ng kalansing ng kung ano sa kusina kaya napapunta ako doon at nakita ko siyang may kinakalikot sa maliit kong fridge.
"Rare lang para sa'kin na may makita akong lalaking nagluluto ?" Tumaas ang kilay ko ng lingunin niya ako.
May hawak siyang isang buong manok na galing sa loob ng fridge at sinarado 'yon bago siya humarap sa'kin.
Pero ng makita ko ang kabuuan niya ay doon na ako medyo nakaramdam ng paghanga dahil sa badboy look niya.
Maluwag na neck tie na hanggang ngayon at nakasabit pa rin sa leeg niya, dalawang bukas na butones sa leeg niya at nakataas hanggang siko ang sleeve ng polo na suot niya.
Plus his handsome face, oh c'mon Ken.
"Yeah ? I used to cook for my own, wala akong katulong kahit na ganito ako." Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.
Buti hindi niya napansin ang pagkakatitig ko sa kaniya.
Sh*t Heyna! Ano nanaman 'to!
Saka ko siya pinanood sa ginagawa niya, hmm.. may alam nga talaga siya sa pagluluto.
He's a husband material.
"Hey, what are you thinking ? Parang ngayon ka lang talaga nakakita ng lalaking marunong magluto."
Agad niyang hinugasan ang ilang gamit na ginamit niya sa pag hiwa ng karne at ilan pang sangkap sa niluto niya.
"Pwede ka ng mag asawa niyan," agad siyang napalingon sa'kin dahil sa sinabi ko.
Parang wrong timing ang ginawa ko dahil agad siyang nakalapit sa'kin, sh*t!
"Well, it's your decision not mine."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Huh ?" And he smirk at mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa'kin.
"It's your decision, if you want me to be your husband.."
Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari, dahil parang tinakasan ako ng kululuwa sa sinabi ni Ken sa'kin.
What the fudge! Omg! His husky voice! That's it!
Kalma! Kalma puso! Kalma!
"Ano ? Nakapag desisyon ka na ba ?" Narinig kong tanong niya habang hinihintay niya yatang maluto ang masterpiece niya.
Nakatanga lang ako sa mukha niya, the fudge ano bang nangyayari sa'kin ?
"A-anong d-desisyon ?"
Nakita kong napangiti siya, ano ba yan! Wag kang ngumiti-ngiti sa harap ko.
"Nevermind, ihanda mo na 'yong lamesa sa sala mo para makakain na tayo habang nagmomovie marathon." Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya.
Pero bago pa man ako makalayo ay hinapit niya ako bigla at bumulong nang..
"Wife.."
Heart please.. gusto ko pang mabuhay.. wag kang bibigay..
••
BINABASA MO ANG
SCENTIST (VIXX FF) | ✓
Mystery / Thriller"Whirlwind of Clear Scents" [VIXX FANFICTION] [UNEDITED]