TCOA 2

3.4K 205 38
                                    


Wala akong marinig kong hindi ang nakakabinging katahimikan lamang. I slowly opened my eyes and I found my self sitting on a chair. Tiningnan ko ang suot ko at iyon parin ang suot suot ko bago ako mawalan ng malay kanina. My eyes widened as I remembered what happened earlier.




Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko nakita si Kylie. Nangunot ang noo ko sa lugar kung nasaan ako ngayon. Dim light ang paligid at halos wala akong maaninag na para bang nasa gitna ako ng kawalan.





Sa harap ko kung saan ako nakaupo ay may nakita akong malaking upuan, maganda ito at ibang klase ang desinyo at masiyadong detalyado na sa tingin ko ay gawa pa sa isang mamahaling kagamitan.




Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilapitan iyon. Umupo ako at nilasap ang lambot nun, cream ang kulay at maroon naman sa nakakabit na foam.





Mula sa pagkakaupo ay muli akong napatayo at muling naglibot libot at gaya ng dati ay nilibot ko din ang buong paligid, wala akong makita kahit na ano.




"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko pero natawa din naman agad ako




Patay na ba ako? Pero sa pagkakaalam ko hindi naman ganito kadilim sa langit. O baka naman na-kidnap ako? Pero hindi din eh dahil hindi nakatali itong mga kamay ko. Teka pano naman ako makikidnapped eh naaksidente nga ako? Napatawa na lang tuloy ako sa naisip.




"You're in the afterlife" Naningkit ang mga mata ko sa narinig





Mula sa aking likuran ay narinig ako ang malakas na paghuni ng takong. Napalingon ako at sakto namang dumaan siya mula sa gilid ko. Bagsak at wavy na buhok, Magandang hubog ng katawan at ng humarap ito nakita ko ang magandang ilong nito at kulay rosas na bibig. Isang tao lang ang una kong naalala mula sa kaniya.






Si Kylie.






Bumalik ako sa wisyo.






"What do you mean?" Kunot noo kong tanong






Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko saka niya pinag-krus ang kaniyang mga braso gayun din ang kaniyang legs. Nakita ko tuloy kung gaano iyon kaputi pero nabaling din naman uli ang tingin ko sa kaniya.




"You just died earlier" It's like the world stops from revolving the moment I heard her say that




Iba pa rin talaga pag ibang tao ang nagsabi pero teka? Kung patay na ako sino naman siya? Ibig sabihin ba nito multo din siya? Gino-goodtime ata ako mg isang to eh.






Napatawa ako ng mahina habang nakatingin ako sa kaniya, siya nama'y patuloy paring naghahalukipkip habang seryosong nakatingin sa akin. Natigilan ako ng wala akong makuhang reaksiyon mula sa kaniya, tumingin ako sa kaniya ng seryoso.





"Seryoso ka?" Tanong ko and she just nodded






"Gusto mo bang ikuwento ko pa sayo ang nangyari bago ka namatay?" Sabi niya at hindi naman agag ako nakasagot. Hirap akong i-process lahat ng mga sinasabi niya sa akin ngayon.




"You just saved Kylie fro–




"Wait, what happend to Kylie?" Napatanong kaagad ako bigla.





I remembered pushing Kylie bago pa man tumama sa amin ang rumagasang sasakyan. Lahat ng nangyari bumalik sa alaala ko lahat at hindi ko mapigilan ang sariling mapaluha.



The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon