"Kakaiba ang librong iyan hindi ba?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si Ginoong Piyu
"Ang librong iyan ay tinatawag na Arcanum" aniya
Hindi ko mapigilang magtaka kaya naman naitanong ko kaagad siya tungkol sa libro pero ngumiti lang ito sa akin.
"Mahiwaga ang librong iyan" mas lalo pang napakunot ang noo ko sa sinabi nito
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Nakangiti lang ito gaya ng dati kaya hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka nababaliw na ito
"Halika samahan mo akong magtsaa" tinanggap ko ang paanyaya nito
Umalis kami mula sa mga estante ng libro at dumeritso sa maliit na pabilog na mesa na gawa sa kahoy, may dalawa itong upuan na sakto sa amin at bukod dun nakahanda na din ang tsaa na nakalapag sa mesa. Iginaya niya akong maupo kaya naman naupo kaagad ako at inilapag sa mesa ang kulay asul na maliit na libro at ilang saglit pa ay ito na rin ang naglagay ng tsaa sa tasa ko.
Maingat nitong iniangat ang tsarera at isinalin ang laman nito sa dalawang tasa. Wala lang akong imik na namamasid.
Nasa kalagitnaang gulang na si Ginoong Piyu sa tantiya ko, may ilang hibla na din ito ng puting buhok at syempre nakasuot din ito ng salamin at hindi mawawala ang ngiti nito sa labi.
"Ngayon lang nagdala ng ibang tao dito si Masagi, sabihin mo galing ka sa ibang kaharian hindi ba?" Natigilan ako sa sinabi nito kaya naman napatingin ito sa akin at napangiti
"Naku pasensiya ka na sa pagiging mausisa ko" pagpapaumanhin nito pero gaya nito ay nginitian ko lang din ito
"Ayos lang po, naiintindihan ko"
"Ang totoo po niyan galing po ako sa bansa ng Amirtha"
"Amirtha? Kung ganun isa kang manlalakbay, masaya akong bumisita ka sa aking tindahan" aniya
"Ang totoo po niyan kahapon lang po talaga kami nagkakilala ni Masagi at dinala po niya ako dito dahil nabanggit niyang nagbibenta kayo ng mga skill scroll" nagpatango tango ito sa sinabi ko matapos nitong uminom ng tsaa
"Kung gusto mong humanap ng skill dalhin mo ang librong iyan pero ipangako mong ibabalik mo ito pagkatapos mong gamitin" eto na naman nagtaka na naman ako sa sinabi nito tungkol sa libro kaya napatingin ako sa libro na inilapag ko sa mesa kanina
"Pasensia na po pero hindi ko po kayo maintindihan" ngumiti lang ito at uminom ng tsaa
"Nakalathala sa librong iyan ang mga skill at ang kinaroroonan nito, hangga't hindi pa nawawala sa pagkalathala ang skill na nariyan ibig sabihin lang nun wala pang may nagmamay-ari nito" aniya at nagulat ako sa sinabi nito
"Bakit hindi mo buklatin angvlibrong iyan para malaman mo?" Wika nito at muli ay uminom ito tsaa
Inilapag ko ang hawak na tasa at mabilis na inabot ang kulay asul na libro, ng buksan ko ito ay halos mapauwang kaagad ang bibig ko sa mga nakikita. Bawat pahina ay nakalathala ang iba't ibang uri ng skill at nakakapagtaka lang na ang iba ay pabigla bigla na lang nawawala sa mga pahina at nagiging blanko.
"Ibig sabihin lang niyan may nagmamay-ari na ng skill na iyan" aniya
"Mayroong dalawang uri ng skill sa mundo. Ang mga treasure skills na pwedeng gamitin ng ilang tao at ang mga permanenteng skills na iisang tao lang ang pwedeng gumamit" napatango tango ako sa sinabi nito lalo pa't ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon
Napainom ako ng tsaa para maibsan ang pagkagulat at pagkamangha ko at muli ay napatingin na naman ako sa libro. Nakalathala dun ang iba't ibang uri ng skills at gaya ng sinabi niya kapag nawawala daw sa pagkalathala ang skill sa librong ito ay ibig sabihin lang nun may tao ng nakakuha ng ganuong skill.
![](https://img.wattpad.com/cover/141796106-288-k667795.jpg)
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasíaChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...