TCOA 33

1K 96 6
                                    

Natapos ang selebrasyon kagabi ng masaya lalo pa't first time ko lang maexperience nun, mas masaya pa ito kesa sa pista namin dun sa probinsiya lalo pa't lahat ay magkakakilala at walang hinanakit sa iba.  Pagkatapos tuloy ng selebrayon kagabi ay natulog ang lahat ng payapa at may ngiti sa labi at kabilang na ako dun pano ba't masaya naman talaga ako sa kadahilanang nailigtas na nga si Satomi sa peligro.

Pangalawang araw ko na sa kanilang tribu at nadatnan kong may kinakausap si Sachi ng lumabas ako ng bahay may kasama itong lalaki na mas bata ng ilang taon kay Sachi. Sa tingin ko'y nasa labing anim na taong gulang pa lang ito. Masayang nag-uusap ang dalawa at hindi ako napansin habang papalapit sa kanila.

Nakita lang ako ni Sachi ng tuloyan na akong makalapit sa kanila. Napatingin silang dalawa sa akin at kaagad na nakangiti. Dun ko lang tuloyang nakita ang kasama ni Sachi, natatandaan ko ito kagabi at isa nga ito sa mga nakasama ko sa salo salo sa mesa nina Tandang Shue, Ginoong Hacob at iba pa nilang pamilya gaya ni Sachi maging ang ina nito, dalawang kapatid na sina Hikaro at Tsubaki, ang kaibigan na si Kaizer at syempre hindi din mawawala si Satomi.

"Bakit hindi natin isama si Easton Sachi?" Napatingin ako ng may pagtataka sa kanilang dalawa

"Isasama ko naman talaga si Easton naunahan mo lang ako" ani Sachi at napatawa ng mahina

"Mabuti naman kung ganun" si Kaizer

"May hindi ata ako alam?" Tanong ko

"Pupunta kami sa syudad ng Arcadia at baka gusto mong sumama" naapangiti kaagad ako

Isipin na lang natin na isa itong prebilihiyo lalo pa't nasa ibang bansa ako, sinong mag-aakala na mapupunta ako sa bansang ito lalo na sa Arcadia? Siguradong pag sinabi ko ito kina Matias ay siguradong magugulat ang mga ito. Speaking of them, matagal tagal ko din silang hindi makikita at paniguradong galit ang mga yun sa akin dahil ni hindi ko man lang nagawang makapagpaalam sa kanila ng pormal at mas lalong hindi ko din nabanggit sa kanila ang parusa na pinataw sa akin ng Hari, medyo nanghinayang tuloy ako sa parteng iyon pero kahit papano alam ko namang maiintindihan nila ako at sisiguradohin ko na magpapaliwanag at hihingi ako ng tawad dahil sa ginawa kong hindi pagpapaalam sa kanila sa nangyari sa akin.

.............

Ilang araw na ang nakakaraan nung umalis ang binatang si Easton at hindi na lamang ang mag-amang si Felix at Ruby ang nakakaalam sa totoong nangyari sa binatang si Easton. Sa katunayan ay nung umalis ang binata ay naisipan ng magkaibigan na bisitihan si Easton sa kaniyang bahay dahil ni minsan ay hindi pa ang mga ito nakakapunta sa bahay ng binata pero bigo ang mga ito at nalaman ang nangyari kay Easton ng ikuwento ito ni Felix.

Nakaramdam sila ng galit at inis dahil hindi man lang sinabi sa kanila ng binata na aalis ito pero gayunpaman naiintindihan nila ito, mukhang ayaw lang ng binata na mag-alala ang mga ito kaya hindi niya iyon sinabi sa kanila.

Pagkatapos pumunta ng magkaibigan sa bahay ni Easton ay umalis na kaagad ang mga ito pagkatapos magmeryenda na inihanda pa ni Felix. Naisipan nilang lumabas na lang sa tarangkahan at nagbakasakaling makita nila ang kaibigang si Easton pero bigo ang mga ito, hindi tuloy nila mapigilang mag-alala lalo sa kaibigan dahil sa hirap na dinaranas nito ngayon. Iniisip pa lang nila ito ay sila na ang nahihirapan lalo pa't alam naman nilang hindi lang naman basta Chinua lang ang makikita sa gubat ng Wistman dahil kapag kumagat na ang dilim ay lumalabas ang ilan pang malalakas na mga halimaw.

"Sa tingin niyo narito pa rin ba si Easton?"

"Ilang oras na tayong naglilibot pero hindi pa rin natin siya nakikita" segunda pa ni Matias

"Oo nga saang lupalop naman ata yun nagsususuot?" Wika naman ni Amon

Ang kasama naman nilang dalawang dalaga na si Felicia at Hera ay tahimik lamang at nagkasya na lang sa pakikinig sa dalawang kasama ngunit ng ipinagpatuloy pa nila ang paglalakad ay tumigil sila mula sa paglalakad ang dalawang dalagita dahil parang may narinig ang mga ito kaya tumigil naman tuloy ang dalawang kasama nila na naglalakad sa likuran nila na nagbabangayan ng mapansing tumigil ang dalawang dalaga aa paglalakad.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon