Kalahating oras na din ata akong naglibot libot pagkatapos akong kausapin ni Melisa at Sol related sa mga mangyayari sa akin at sa system ng Cleric Class. Isang araw lang daw kada linggo ako kung magsanay kasama ang taong magtuturo sa akin. Kilala ito ni Sol at Melisa dahil nakasama na rin daw nila ito noon. May kaniya kaniyang tagapagturo daw ang bawat trainee. Malaki laki din ang binayad ko para sa registration at sa iba pa pero sa tingin ko hindi na rin masama."Easton" napalingon kaagad ako ng marinig ko ang boses ni Felicia kasama nito si Amon
"Tapos na kayo?" Tanong ko
"Oo" sagot naman ni Felicia na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala wala ang ngiti nito sa labi
"Si Matias?" Napansin ko kasi na hindi nila kasama si Matias
"Narito ako" napatingin kaagad kami sa pinanggalingan ng boses na iyon at base sa boses na narinig masasabi naming galing ito kay Matias
"Mabuti naman at narito ka na" ani Felicia
"Pasensiya na kayo naaliw kasi akong makipag-usap kay Hera at Damian" napakunot ang noo ko
Hera at Damian? Pamilyar ang mga pangalan na ito sa akin. Para bang narinig ko na ito dati.
"nandito din pala sila?" Tanong ni Felicia
"Oo, sinamahan ni Damian si Hera sa pagpili nito ng class" sagot naman ni Matias
"Kamusta naman ang pagpili niya?" Tanong naman ni Amon
"Ayos naman, pinili niya ang Swordsman Class" kwento ni Matias
"Paniguradong pinilit siya ni Damian" napailing naman si Matias sa sinabi ni Felicia
"Siya mismo ang pumili nun" ani Matias
Napatawa naman ng pagak si Amon na nasa tabi ko, napatingin ako sa kaniya at nakangiti ito habang inaayos ang suot nitong salamin na nakatingin naman kay Matias.
"Kahit kailan talaga, gustong gusto nitong pahirapan ang sarili" napapailing na sabi ni Amon
"Sinabi mo pa eh noon pa man gusto na nitong lumakas" sabat naman ni Felicia
"Pano ba naman at isang Familia Head ang ama nila Hera at Damian, siguradong sinusunod lang nila ang yapak nito" sabi naman ni Matias
"O andiyan pala sila" napatingin ako sa tinitingnan ni Amon
Malayo pa lang ay nakita ko kaagad ang dalawang pigura ng isang lalaki at babae na palapit sa akin. Nagulat ako at kasabay nun ay ang paglakbay ng alaala kung saan nung minsan kaming nagkita at nag-usap, napaiwas ako ng tingin ng tuloyan ng makalapit ang mga ito sa amin.
"Kamusta?" Bungad na tanong kaagad ni Matias
"Tapos na kayo?" Tanong naman ni Felicia at agad na nilapitan si Hera napatango naman kaagad si Hera at ng mapatingin sa akin ay kaagad na nagtama ang mga mata namin
"Siya nga pala, siya nga pala si Easton"
"Alam namin" sagot kaagad ni Damian at gaya ng una naming pagkikita ay nakangisi ito sa akin
"Kung ganun hindi ko na pala kailangang ipakilala siya sa inyo" pagkasabi nun ni Felicia kay Hera at Damian ay napabaling ito ng tingin sa akin
"Easton, sila si Hera at Dam-
"Alam ko" pagsabat ko
Napabuntong hininga si Felicia at sina Amon at Matias ay napangiti naman ng mahina.
![](https://img.wattpad.com/cover/141796106-288-k667795.jpg)
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasíaChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...