TCOA 29

984 92 8
                                    

"Pano na yan Kuya? Matagal kitang hindi makakasama dito sa bahay" inaayos ko ang mga damit na dadalhin ko sa titirhan kong boarding house sa kwarto ko ng pumasok ang bunsong kapatid kong si Ashley at kasunod naman nito ang isa ko pang kapatid na si Bruno

"Andito pa naman si Kuya Bruno mo atsaka wag kang mag-alala uuwi pa naman ako dito tuwing linggo" pero bumusangot lang ito hindi ko tuloy mapigilang matawa

"Bakit Ashley ayaw mo ba akong kasama sa bahay?" Kunwareng nagtatampong tanong no Bruno

"Syempre gusto Kuya Bruno pero gusto ko kase kompleto tayo" tugon naman ni Ashley, lumapit ako at lumuhod para mapantayan ang taas niya

"Wag ka ng malungkot, promise ko sayo uuwi ako"

"Babalik ako—

Unti unting nawala ang memoryang iyon hanggang sa mapabangon ako mula sa pagkakahiga. Malamlam ang paligid mabuti na lang at nagbibigay ng kaunting liwanag ang mga halaman at bato na nasa paligid. Nasa loob pa rin ako ng kweba at mukhang nahimatay ako kanina dahil sa sobrang pagod. Buong araw din akong tumatakbo at naglalakad at bukod pa dun mula umaga pa ako nakikipaglaban sa mga nakakasagupa kong mga halimaw. Muli kong naalala ang napanaginipan ko pero sa huli ay iwinaksi ko din iyon at bumalik sa wisyo.

Nagakad ako patungo sa pinaka bukana ng gubat at ng mapatingin ako sa labas ay madilim pa rin ang kalangitan hanggang ngayon. Muli akong bumalik sa loob ng gubat pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako bumalik sa pinakadulong bahagi, malapit lang ako sa bukana at gumawa ng apoy gamit ang mga sanga ng kahoy na kinuha ko mula sa labas. Nilabas ko ang ilang baon kong tinapay na binigay kanina sa akin ni Felix na siya pa mismo ang nagbake at kinain iyon.

Ito pa lang ang meron ako ngayon, bukas na bukas ay mangangaso ako para naman may makain ako bukod sa ilang tinapay na binigay ni Felix sa akin. Sa huli ay bumalik din ako sa pinakaloob ng kweba at nagpahinga baka kasi pag dun ako natulog malapit sa bukana ay baka may umatake sa aking halimaw, humiga na ako sa malamig na lupa hanggang sa muli na naman akong nakatulog.

Nagising ako sa naramdamang ginaw, kahit walang pumapasok na hangin sa loob ng kweba ay sobrang ginaw pa din sa loob ng kweba. Nagmadali kaagad akong lumabas sa kweba at nagsimulang maghanap ng makakain. Hindi pa lumapabas ang haring araw at kumakalam na ang sikmura ko. Pinagpatuloy ko pa ang paglalakad hanggang sa marinig ko ang paglagaslas ng tubig mula dito sa kinatatayuan ko. Medyo mahina pa ito pero alam ko na malapit lang ito mula sa kintatayuan ko.

Sinundan ko ang pinanggalingan nun hanggang sa makarating ako sa isang ilog, sinundan ko ng tingin ang ilog hanggang sa nakita ko ang talon na hindi naman ganun kataasan pero napakaganda pa ring pagmasdan. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa tuwa.

Hinubad ko ang ilan sa mga saplot ko at tanging ang pang-ibaba ko lang ang tinira ko. Niloblob ko ang paa ko sa tubig at naramdaman ko agad ang preskong binibigay nito. Napakasarap sa pakiramdam.

Lumangoy kaagad ako sa ilalim ng ilog at halos mamangha ako sa dami ng isda na nakikita ko. Samu't sari at iba iba din ang laki. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa saya. Ito na ang magsisilbing pantawid gutom ko kaso ngayon pa lang iniisip ko na kung paano ko sila huhulihin. Muli akong napaahon at sa huli naisip ding gamitin ang skill kong Hypersensitivity para mas bumilis ang galaw ko sa ilalim ng tubig at naging epektibo naman ito.

Talagang magugulat kayo sa laki ng mga isda na nahuli ko. Ito ang mas madaling hulihin dahil sa laki nito at pabor nga iyon sa akin dahil mukhang mabubusog ata ako. Pumunta naman ako sa mababaw na bahagi ng ilog at dun inabangan ang mga isda na patalon talon.

Ginamit ko ang espada ko at mas napadali ang paghuli ko dahil napapadali ang paghuli ko dahil tinutusok ko ang mga isda gamit ang espada ko. Umahon din ako pagkatapos at gumawa ng apoy para ihawin ang isda na nahuli ko.

Napahawak na lang tuloy ako sa tiyan ko ng halos mabusog ako sa dami ng nakain kong isda kaya naman naisipan ko munang magpahinga saglit bago bumalik sa pakikipagsapalaran dito sa gubat pero hindi din iyon nagtagal dahil may halimaw na bigla  nalang sumulpot at bigla akong inatake.

Hindi ko na nagawa pang makapagbihis dahil bigla na lang itong umatake. Napatalon agad ako dahil balak ata ako nitong sunggaban. Isa itong uri ng toro pero mas maliit ito yun nga lang nakakatakot ang nakausli nitong sungay na kumikinang pa kapag natatamaan ng sikat ng araw at ang haba ng sungay nito.

Ang lakas lang maka apendiks ng pagtalon ko. Napatiim bagang tuloy ako sa inis. Bakit ba kapag namamahinga ako dun pa may umaatake sa aking mga halimaw. Ang lakas lang maka pang-inis.

Nilabas ko ang disintegration dagger at muli na namang umiwas ng muli  nanaman itong tumakbo patungo sa akin pero sa pagkakataong ito ay mabilis din naman agad akong gumalaw at mabilis siyang tinarak sa likuran. Dumaing ito ng malakas ng dahil sa ginawa ko at muli na namang tumakbo patungo sa akin pero gaya ng dati ay mabilis ko lamang siyang naiwasan at dumeritso ito sa isang puno kaya naman medyo nahilo, ginawa ko iyong pagkakataon at hindi na nag-aksaya pa ng oras at mabilis uli siyang tinarak sa katawan ng ilang beses hanggang sa tuloyan itong naghina at bumagsak sa lupa at ilang saglit pa'y sumabog ito at naging usok na nawala na lang sa hangin.

Napaupo agad ako sa malaking bato at napabuntong hininga, marami pa akong sasanayin sa sarili at maaaring may mas malakas pa na mga halimaw ang makakasagupa ko kaya naman kailangan ko pang magpalakas pa lalo at para mangyari iyon kailangan ko pang makipagsalaparan dito sa gubat at makipaglaban pa sa mga halimaw  nanaririto para maging malakas pa lalo at bukod pa dun para mas maging maalam pa sa larangan ng pakikipaglaban ng may sandata at kahit pisikal na labanan.

Hindi basta basta tataas na lang ang ranggo kung mga normal at mahihinang mga halimaw lang ang kakalabanin ko at baka abutin pa talaga ako ng ilang taon bago makaapak sa layunin kong semi-pro rank adventurer kaya naman naisipan kong maghanap ng dungeon at magbabakasakaling makatagpo uli ako ng malalakas na mga halimaw na makakatulong sa akin oara mapataas pa lalo ang antas ng lakas at ranggo ko.

Alam ko namang hindi iyon madali pero magagawa ko iyon kung sisipagan ko pa lalo at hindi ako aatras. Oo delikado ang plano kong gawin pero kung ito lang ang paraan para lumakas pa ako lalo gagawin ko iyon kahit na mahirap at delikado. May babalikan pa ako sa syudad at ang iba sa mga ito ay hindi pa ako nakapag paalam at bukod pa dun ipapakita ko din sa hari na kaya ko, na magagawa ko na dapat ay hindi ako basta bastang maliitin lang.

Pinuntan ko ang talon, umakyat ako sa gilid nito at ninamnam ang paglagaslas ng tubig, hindi pa rin ako nakakabihis hanggang ngayon dahil naisipan kong mamalagi muna saglit sa tubig. Umakyat pa ako hanggang sa nakita ko na may nakatagong daanan sa likod ng lumalagaslas na tubig. Pumasok ako dun at halos mapangiti ako. Sinasabi ko na nga ba.

Pamikyar ang pakiramdam na ito, kung suswertehin ka nga naman. Napangiti na lang ako sa kawalan.


(A/N: Sorry sa bitin na update, babawi na lang ako sa susunod kong update! ~maraming salamat)

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon