TCOA 48

1.2K 98 14
                                    

"Lahat ng lalabas at papasok ay siguradohin niyong isa isa niyong tingnan, hindi natin alam kung ano ang balak ng mga taga kontinente ng Gaspar kung ano ang motibo nila sa pagpunta sa bansa natin"

"Naiintindahan mo ba?" Tanong pa ng Pinuno ng hukbong militar ng kaharian ng Agartha na si Heneral Alvarro

Napatango naman ang dalawang nagbabantay na kawal sa malawak na tarangkahan, bukod sa kanila ay nasabihan na rin ang isa pang tarangkahan bandang norte. Nang natapos ng sabihan ni Alvarro ang lahat ay mabilis kaagad itong naglakad. Sa pagkakataong ito ay responsibledad niya ang bagay na ito, ang protektahan at panatilihing ligtas ang lahat na kahit na sino mang gusto gumawa ng masama sa kanilang kaharian.

Nagtataka man ang mga dumadaan sa bawat tarangkahan dahil sa mahigpit na pagtutok sa kanila ay walang magagawa si Alvarro dahil ito lang ang tangi niyang magagawa upang maging ligtas ang kanilang kaharian.

Samantala muling nagpulong ang mga konseho ngunit sa pagkakataong ito ay pinapunta nila lahat ng mga pinuno ng bawat Familia ng kaharian. Aabot hanggang walo ang Familia ng kanilang kaharian at lahat ng ito ay magagaling kung pagbabasehan sa bawat ano mang larangan. Napuno ng pagtataka ang lahat nung una gayunpaman ng sabihin na ni Ginoong Horacio at Ginoong Enrico ang dahilan kung bakit sila pinapunta ay dun lang nila naintindihan ang lahat.

Hindi lang basta basta ang bagay na ito, alam nilang kapag may ganitong namataang taga kontinenta ng Gaspar alam nilang kumikilos na naman ang mga ito. Sa ganitong pagkakataon ay kailangan nilang mas maging handa dahil hindi nila alam kung ano na naman ang balak ng mga taga Gaspar at ayaw na nilang maulit pang muli ang nangyaring pagsalakay noon.

Nilason kasi nila dati ang mga utak ng mamamayan ng kanilang kaharian para mag-aklas at magrebelde sa kanila kaya naman nagkaroon ng madugong labanan na nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ang puno't dulo ng nangyari noon pero alam nila na may kinalaman ang mga taga Gaspar kaya naman ayaw na ayaw na nilang maulit pa uli iyon.

Tuloyan ng umalis ang lahat ng bawat mga pinuno ng mga Familia at ang natitira na lamang ay si Horacio at Enrico at wala ninuman ang bumasag sa katahimikan gayunpaman mas minabuti ni Horacio na lapitan ito at kausapin

"Ginoong Enrico"

"Alam kong galit ka sa akin pero sana ay magtrabaho tayo ng propesiyonal at kalimutan na lang ang alitang nangyari ngayong may kinakaharap na problema ang ating kaharian" nakatalikod lang si Enrico gayunpaman kahit hindi man ito nakaharap ay rinig na rinig niya ang sinabi ng nauna

"Hindi mo na kailangang sabihin pa iyan Ginoong Enrico atsaka tanggap ko na" aniya at saka ito naglakad at lumabas ng silid

Napabuntong hininga lang naman si Horacio habang nakatingin sa lumalayong pigura ni Enrico. Kailanman ay hindi na talaga sila magkasundo. Noon pa man ay alam niyang mainit ang mata ni Enrico sa kaniya gayunpaman hindi siya nagkulang pakitungohan ito ng naaayun dahil bilang pinuno ng konseho ay kailangan niyang maging huwaran at pakitungohan ang myembro pa ng konseho bilang siya nga ang pinuno ngunit alam niya sa sarili na nagkulang nga ito kaya gayun na lang ang dahilan ni Enrico na patalsikin pero gaya nga ng sinasabi niya ay naiintindihan naman niya ito pero ngayon, sa pagkakataong ito kinakailangan siya ng kaharian kaya naisip niyang kinakailangan niyang gampanan ng maayos ang kaniyang trabaho.

..........

"Siguro ka na ba sa lugar na ito Masagi?" hindi ko mapigilang maitanong

"Tingnan mo ang pagkakatulad sa imahe sa libro hindi ba't magkatulad? Sigurado akong ito na iyon" tugon naman ni Masagi

Gaya ng sinabi niya ay tiningnan ko ang imahe na pinapakita sa libro at kinompara iyon sa lugar kung nasaan na kami ngayon at mukhang tama nga naman si Masagi gayunpaman parang nasa isang normal na parte lang naman kami ng gubat at ang tanging palatandaan lang namin ay ang kakaibang puno na nasa harapan namin ngayon.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon