TCOA 32

1K 112 6
                                    

"Easton gawin mo na, ilabas mo ang espada" halos maestatwa akong nakatingin kay Ginoong Hacob at sa huli ay wala din akong nagawa kung hindi ang sundin ang sinasabi nito

Para akong sunod sunuran sa bigla nitong utos sa akin at ewan ko kung bakit nilabas ko din agad ang espada ko na ngayon ay nasa kamay ko na ng hindi man lang nag-iisip. Napatingin ako sa espada na hawak ko at para bang inuudyok ako nitong itarak sa nagwawalang si Satomi na nasa harapan ko. Ito ba ang sagot? Ito ba ang dapat kong gawin? Dapat ko bang sundin na lang si Ginoong Hacob? Pero ayokong mabahidan ng kasalanan ang mga kamay ko.

Ayaw kong gamitin ang espadang ito para patayin ang isang inosenteng babae na wala namang kamalay malay sa nangyari. Para akong natuod mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko maigalaw ang kamay ko at unti unti ding nawawala ang mga tinig na nasa paligid ko.

Ang boses ni Ginoong Hacob na humihingi ng tulong, ang boses ni Tandang Shue na pinapakalma naman si Ginoong Hacob at ang pagsusumamo sa boses ni Sachi. Lahat biglang humina at ang tanging nakikita ko lamang ay ang hawak kong espada at ang nagwawalang si Satomi.

Gusto kong magsalita pero hindi ko din magawa, gusto kong gumalaw pero ayaw gumalaw ng katawan ko at mas lalong gusto ko ng matapos ang kahibangang ito. Pero paano?

"Patayin mo siya"

"Itarak mo ang espada"

"Pagdanak ng dugo"

"Patayin mo siya"

Gusto kong umiling sa mga boses na naririnig ko, gusto kong sabihin na ayaw ko. Ito ba ang kapalit sa kagamitan ng espadang ito? Kung ganun ay ayoko.

Nakita ko ang desinyong bungo sa hawakan ng espada at umiilaw ng kulay lila ang mga mata nito. Sa pangalawang pagkakataon ay muli ko na namang nakita ang pagliwanag nito.

"Ano ang problema?"

"Bakit hindi mo ako gamitin para itarak sa babaeng nasa harapan mo?"

"Gamitin mo ako"

Halos mabingi ako pero gayunpaman naglakas loob ako upang igalaw ang mga kamay ko hanggang sa unti unti ko ng ring naririnig ang ilan sa mga boses sa paligid hanggang sa unti unti ko na ring naigagalaw ang mga daliri ko, ang mga binti at kahit ang braso ko ay ganun din hanggang sa tuloyan ko ng naigalaw ang katawan ko.

"Ayoko!!" Sigaw ko

Napapikit ako hanggang sa muli akong mapamulat. Naririnig ko na ng tuloyan ang mga nasa paligid ko. Ang pamimilit sa akin ni Ginoong Hacob habang umiiyak at ang ilan sa mga sinasabi ni Tandang Shue at Sachi na hindi ko ganun maintindihan.

"Magaling!" Muli kong narinig ang boses na ito na unti unting humihina sa pandinig ko

"Ngayon...daplisan mo ang kamay ng dalaga, gamitin mo ako" muli akong napatingin sa hawak kong espada na pahina ng pahina ang boses na naririnig ko hanggang sa lumabas ang kulay lila na liwanag sa mga mata ng bungo at pumalibot ito sa talim ng espada hanggang sa bumalik ang liwanag paikot at pumasok sa bibig ng bungo na nasa hawakan

Nakikita ko na ngayon ng tuloyan sina Ginoong Hacob, Sachi at tandang Shue pero hindi ako nag-aksaya ng oras para tumingin sa mga ito. Kinuha ko ang kamay ni Satomi at dinaplisan ang palad nito. Ang nakadikit na dugo sa espada ay bigla na lang umusok at ilang saglit pa ay biglang nagwala si Satomi at umusok din ang katawan nito at bigla na lang nanghina at nahiga.

Lumabas sa katawan nito ang itim na usok na normal na makikita kapag napatay mo ang isang halimaw pero nakakagulat lang na muli itong nag-anyo at nagkaroon ng pigura, lumilipad ito sa hangin at napalinga linga hanggang sa mabilis itong tumungo kay Ginoong Hacob.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon