TCOA 10

1.7K 126 4
                                    

"Teka bakit tayo nandito? Diba sabi mo bibili tayo ng Ärm?" Sunod sunod kong tanong kay Ruby

"Bibili nga tayo" ani nito sabay ngiti

Mas lalo lang tuloy ako naguluhan, medyo malayo layo na kami sa downtown at wala na rin akong nakikita pang mga traders at adventurers na nagbebenta ng mga items gaya ng mga Ärms sa paligid. Sa totoo lang ay hindi ko na rin naman talaga kailangan pa ng Ärm dahil nga may Ärm na ako pero sabi ni Ruby ay mas mainam daw pag marami akong Ärm na pagpipilian pero tama nga naman siya dahil nga ang Ärm na binigay sa akin ni Ginang Helga ay hindi daw mabisa pag sa tao gagamitin, gagana lamang daw ang pagsabog na epekto nito pag sa mga halimaw gagamitin. Iyon ang bilin ni Ginang Helga sa akin kanina bago ako umalis.

"San ba talaga tayo bibili?" Tanong ko habang nakasunod pa rin sa kaniya at ilang saglit lang ay tumigil ito

"Andito na tayo" napalinga linga kaagad ako, puro kabahayan lamang ang nakikita ko

"Pumasok na tayo" nakita kong pumasok si Ruby sa isang makipot at madilim na eskinita kaya sumunod naman kaagad ako, hindi pa rin mawala wala ang pagtataka sa akin. Iniisip ko pa rin kasi kung saan talaga kami pupunta hanggang sa tumigil kami sa pinakadulong parte ng eskinita. Wala akong nakikitang pamilihan gaya ng sinasabi sa akin ni Ruby, dead end na.

"Halika na" paanyaya nito pero napakunot ang noo ko

Nakatingin lamang ako sa kaniya ng magsimula uli itong maglakad patungo sa pader at nagulat na lamang ako ng bigla itong lumusot doon ng dahan dahan hanggang sa tuloyan na ngang nilamon ang pigura nito, para akong naestatwa sa nakita ko.

"Ano pang tinatayo mo diyan? Halika na" napabalik ito sa wisyo ng muli na naman itong lumusot at halos ang ulo lamang nito at kamay ang nakikita ko

Unti unti akong naglakad patungo kay Ruby at saglit na napahinto ng nasa harapan ko na ang mataas na pader. Nilagay ko ang mga kamay ko doin at nakakamangha lang na lumusot lamang ito, kakaiba sa pakiramdam. Ilang saglit pa ay napag pasiyahan ko ng pumasok, napapikit pa ako nun hanggang sa tuloyan akong nakapasok kung hindi pa ako nakarinig ng mahinang tawa ni Ruby ay hindi ko pa maimulat ang mga mata ko. Para tuloy akong tanga.

Gaya ng dati ay hindi pa rin talaga nagkakamali ang mundong ito na gulatin at pamanghain ako, halos lahat ng mga bagay dito ay bago sa akin kaya hindi ko tuloy mapigilang mapamangha sa mga nakikita pero sa kabila nun ay may agam agam akong nararamdaman.

"Ito ang lugar na sinasabi ko sa iyo" ani Ruby

"N-asa Black Market ba tayo?" hindi ko mapigilang itanong

"Hindi ba't illegal ito?" Segunda ko pa

"Magiging Illegal lang ito kapag sinabi mo sa kinauukulan" sabi pa nito

"Halika na at siguradong marami kang magugustohan pero bago iyon ay isuot mo muna ito" ani pa nito kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sundin na lamang ito para rin naman daw ito sa seguridad namin lalo na yung identity namin

Gaya sa Downtown ay marami din akong nakikitang mga Ärms at mga kakaibang bagay na ngayon ko lang nakita pero ang pagkakaiba lamang ay mukhang goons ang mga nagbebenta  salugar  naito. Nasabi sa akin ni Ruby na ang iba sa mga binibenta dito ay may kamahalan pero sulit naman daw dahil dekalidad ang mga binibenta dito. Sila pa daw mismo ang mga nakakita ng mga Ärms na naririto sa mga Dungeons kaya naman masasabi mong kakaiba at hindi lang basta basta ang mga Ärms na binebenta dito yun nga lang iniisip ko pa din na baka galing ang iba sa mga ito sa nakaw pero dahil nga mapilit si Ruby at dahil naririto na rin naman kami ay wala na akong magagawa pa kung hindi ang pumili na lang at maglibot libot hanggang sa napunta ako sa estante ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na maskara at balot na balot ang katawan nito ng damit. Gaya namin ay baka nakasuot din ito ng balabal at maskara para matago ang pagkakakilanlan nito.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon