(A/N: Expect po some errors edit ko na lang sa susunod, sana po magustohan ninyo!)
Hindi ko naman plinano na magtagal dito sa mansiyon ni Ginoong Horacio pero wala naman akong magagawa at isa pa ay okay lang naman iyon sa akin lalo pa't mismong si Ginoong Horacio naman ang nag-aya sa akin. Pumasok kami sa mansiyon at gaya ng inaasahan ay napakaganda ng loob at kahit nga inaasahan ko na iyon ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa nakikita dahil bukod nga sa napakalawak ng loob ng mansiyon ay napaganda din ng mga materyales, furnitures, mga mwebles at ibang desinyo na makikita sa loob ng mansiyon.
Hindi mawawala ang mga paintings na nakahilera gayundin ang mga figurines, mga magagandang kurtina at carpet at syempre naroon din ang napakagandang chandelier sa kisame ng malawak na sala na bumungad agad sa amin papasok. Napaka aliwalas ng loob at nakakasilaw sa ganda.
Naroon din ang kulay peach sofa set at may estante din ng libro akong nakita. Sinalubong agad kami ng dalawang maid na gaya kanina ay naka uniporme din. Sa hallway ay hindi mawawala ang kulay tsokolateng carpet, napakalinis din ng paligid na para bang hindi ito hinahayaang maalikabokan ng kahit konti.
Dumeritso kami sa isang malawak na silid at bago yun ay nag-utos si Ginoong Horacio na pagdalhan kami ng makakain, ipinagdadasal ko lang na sana sa pagkakataong ito ay wala ng tsaa.
Hindi sila nagkamaling pamanghain ako sa mansiyon. Lahat lahat ay perpekto, sa desinyo pa lang at sa ganda ng buong mansiyon. Wala akong masabing kahit na anong pamintasan. Sa malawak na silid ay bumungad agad sa amin ang mahabang mesa at nakalapag dun ang nakasalansang mga libro at papel.
Hindi din mawawala sa kwarto ang ilang cabinet kung saan makikita ang ilang mga libro. May maliit ding mesa sa kwarto gayundin ng Sofa. Mukhang ang kwartong ito ang kaniyang opisina.
Inilapag niya ang hawak na dalawang libro na bigay ni Ginoong Piyu sa kaniyang mesa at iginaya niya akong maupo ng pumwesto ito sa upuan ng kaniyang mesa.
"Marahil ay nagtataka ka kung bakit kita inayang pumunta dito" aniya
"Pasensiya ka na ulit sa nangyari kanina, alam mo na politika" aniya at yumawa ng bahagya
"Wag mo ng isipin yun Ginoong Horacio, naiintindihan ko po" tugon ko naman
"Inaamin ko naman na tama ang sinabi niya at kung ano man ang mangyari sa mga susunod na araw ay tatanggapin ko na lang, kasalanan ko din naman" aniya at natawa ito ng bahagya
"Pasensiya po sa sasabihin ko pero sa tingin ko kung ano man po ang nangyari sigurado po akong wala po kayong kasalanan"
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasiChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...