TCOA 7

1.9K 135 7
                                    

Pag ba namatay ako sa mundong ito wala na? Tapos na? Mukhang ganun na nga. Pag hiniling ko pang buhayin akong muli ay pagiging makasarili na ang tawag doon. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan ng kalangitan, kuntento na rin naman ako sa kung anong meron ako.








Pangatlong araw ko sa mundong ito. Madami na rin akong nalaman tungkol sa hiwaga ng mundong ito, isa na nga doon ang pageexist ng magic at mga kakaiba't nakakamanghang bagay na tanging dito ko lamang unang nakita.









Hindi ko pa ganun ka alam ang history at iba pang mga misteryo ng mundong ito kaya naman kailangan ko pang magtanong at mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mundong ito.








Nakakamangha talaga ang mundong ito. Bawat tao ay mga kaakibat na galing sa pakikipaglaban gayun din sa paggamit ng mahika, naiingit tuloy ako pero darating din ako diyan. Hindi naman ako nagmamadali.







Isa sa mga bagay na ikinamangha ko dito ay ang mga Accessories na tinatawag na Ärm. Hindi lang ito basta basta palamuti lang sa katawan dahil bukod nga sa pwede iyong gamiting palamuti sa katawan ay nagbabago din ang anyo nito, nagiging isang uri ng sandata ito. Depende iyon dahil iba't ibang uri ng Ärm ang naririto sa mundong ito. May mga espada, palakol, sibat, pana at iba pang uri ng mga sandata na maaaring gamitin sa pakikipaglaban. May mga ärms na maaring gamitin sa pakikipaglaban at ang iba naman ay mga simpleng hagay lamang na maaaring gamitin sa mga ibang mga bagay. Nalaman ko din na may rarities din ang mga Ärms.








Rarities. Level

Common (1-15)
Uncommon (16-29)
Rare (30-44)
Very Rare (45-59)
Epic (60-75)
Legendary (76-91)
Supreme (92-100)








Bukod dun ay narinig ko din sa kwento ni Ruby ang tungkol sa maalamat na uri ng mga Ärms na kung tawagin ay Ancient Ärms at mga Guardian Ärms. Walang eksaktong lokasyon kung saan makikita ang mga Ancient Ärms at Guardian Ärms pero pinaniniwalaan pa rin ng mga tao dito na naririto lamang iyon sa mundo at nakatago lamang sa iba't ibang bahagi ng mundo. Sinaunang mga Ärms daw ito na ginawa ng mga kanuno-nunoan ng mga sinaunang angkan ng mga sorcerers kaya bukod sa sinauna pang mga Ärms iyon ay nagtataglay din iyon ng napakalakas na kapangyarihan. Ang Guardian Ärms naman ay mga Ärms na may sariling buhay at anyo, may mga Guardian Ärms na mukha lamang tao at mayroon din kakaibang uri na mga nilalang. Mas lalo tuloy ako namangha at syempre nangarap na rin.







Hindi ko alam na isa din palang Ärm ang dagger ko na binigay pa sa akin ng matanda noong nakipaglaban ako sa malaking halimaw noong nakaraan malapit sa kapitolyo. Wala pa naman kasi akong masiyadong alam kaya naman wala akong ideya. Pinakita sa akin kahapon ni Felix kung paano gamitin ang Ärm. Kailangan mo lamang daw lapatan ng enerhiya upang matrigger at mabuksan at magbago ang anyo ng Ärm sa pagiging sandata.








Naalala ko pa kung paano umilaw ang singsing na suot nito na sa isang iglap lang ay naging isang palakol. Halos mapauwang ang bibig ko sa pagkamangha. Halos manindig ang balahibo ko hindi sa takot kundi sa naramdamang sobrang kasiyahan at pagkamangha. Sino ba naman kasi ang hindi mamamangha, hindi ito peke totoong magic ito.







Nasa loob ako ngayon ng kwarto ko at nakatingin sa singsing ko na nakasuot sa aking palasingsingan. Gaya ng ginawa at sinabi sa akin ni Felix ay nilapatan ko ng enerhiya ang palasingsingan ko at sa isang iglap lang ay umilaw iyon at nag anyong dagger na talaga namang anyo nito.








The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon