TCOA 22

1.2K 94 2
                                    


Nakahinga ako ng maluwag, literal na sobrang lalim ng paghinga ko. Pakiramdam ko nabunotan ako ng tinik sa dibdib, akala ko ay mamamatay na ako. Napatingin uli ako sa lalaki na nasa harapan ko at dahan dahang tumayo kahit na hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa buong katawan ko, ikaw ba naman ang kuryentehen? Siguradong pag nakuryente ako ng ganun kalakas na boltahe sa mundong pinagmulan ko siguradong patay agad ako.

"Ayos lang ako" napatango naman ito at agad na binalik ang tingin kay Hector na ngayon ay makikitaan ng sobrang pagkainis

"Sino ka? Wag kang makialam dito" singhal nito at natawa ng bahagya si Cyrus

"Hindi naman ata patas itong ginagawa mo? Sinasamantala mo ang pagiging mahina niya" ani Cyrus

"Wala akong pakialam, kailangan niyang pagbayarin ang ginawa niyang kasalanan" napatiim bagang ako, ako pa talaga ang mali? Nagbibiro ata ang isang ito o baka naman hindi lang talaga nito alam ang tama at mali

"Gusto mo talagang gumawa ng gulo?" Ani Cyrus

"Siguraduhin mong may maganda kang dahilan sa mga ginawa mong panggugulo ngayon, bakit hindi ako ang labanan mo? Laban sa pagitan ng dalawang Elite Adventurer?" Dagdag pa nito

"Nagpapatawa ka ba? Matanong nga kita, sino ka ba sa inaakala mo? Bakit ka nakikialam. Sa tono ng pananalita mo parang minamaliit mo ako kung yan ang gusto mo sige pagbibigyan kita" aniya


Tahimik lang ako habang nagpapalit palit ng tingin sa dalawa, kung malakas lang ako edi sana kaya ko ding makipagsabayan sa kanila pero wala pa akong maipapatunayan ngayon. Marami pang araw para magpalakas kaya kung makaligtas man ako ngayon ay sisiguraduhin ko na magpapalakas pa ako lalo pero bago iyon ay hindi ko muna palalampasin ang laban sa pagitan ng dalawang Elite Adventurer. Hindi ko alam kung sino ang nakakatimbang sa kanila sa lakas pero malalaman ko din iyon mayamaya at pagkakataon ko na rin ito para makasaksi ng totoong laban sa pagitan ng dalawang malakas na adventurer.

Umatras ako ng ilang pulgada mula sa kanila at ilang saglit lang ay nagkiskisan at banggan na agad ang kani kanilang mga espada. Halos bumaon ang kanilang paa sa oras magbanggaan silang dalawa at sinabayan pa iyon ng sobrang lakas na hangin saka muling nagbanggaan ang kani kanilang mga espada. Sobrang sakit sa tenga, nakakabingi sa lakas ang pagbanggaan ng mga espada nila. Hindi lang ako nanunuod sa nagyayaring paglalaban nila, may mga namamangha at may natatakot din na baka madamay sila sa gulo. Normal lang naman na matakot pero ang mamangha? Sino ba naman ang hindi? Napakagandang laban nito para gawing reference pero hindi naman ata makakatulong dahil sa sobrang bilis ng galaw nilang dalawa ay halos hindi ko makita ang bawat galaw at atake nila pero kahit na ganun nakakamangha pa rin silang panoorin. Ito na ba ang lakas ng mga Elite Adventurer? Sobrang nakakamangha. Sa lakas nilang dalawa, kaya na nilang wasakin ang buong syudad na ito.

Nagpakawala ng kuryente si Hector pero walang kahirap hirap na naiwasan iyon ni Cyrus at kahit nga may hawak itong sobrang laking espada ay hindi nito alintana ang bigat nito. Sumugod si Cyrus at sinabayan naman ito ni Hector at muling nagbanggaan ang kanilang mga espada. May gahibla pang kuryente na kumakalat sa buong katawan niya, alam ko na ang kasunod kaya naman mabilis akong sumigaw para paalahanan si Cyrus pero nahuli ako ng nakuryente agad ito sa oras na magbanggaan uli ang kanilang mga espada. Napatiim bagang ako.

Nagawang makatalon ni Cyrus paatras para makalayo pero napaluhod pa rin ito. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Hector at sinamantala ang pagkakataon, nagpakawala agad siya ng ilang bola ng kuryente pero nagawang nakaiwas ni Cyrus kahit na nakuryente ito kani-kanina lang. Nakakamangha, ako nga kanina ay halos hindi ako makagalaw pero ito nagawa pa rin nitong makagalaw. Sumugod si Cyrus at hinampas ng sobrang lakas ang malaking espada nito sa lupa at halos mabiyak ang lupa sa lakas nun, napaatras ng ilang pulgada si Hector kaya naman sumugod uli si Cyrus at mabilis na winasiwas ang malaking espada nito papunta kay Hector pero nagawa iyong sanggain ni Cyrus pero sa sobrang lakas nun ay napatalsik siya pero nagawa niya pa ring makatayo ng maayos sa kabila nun. Bakit nagagawa pa rin nilang dumepinsa ng maayos kahit makatanggap man sila ng malakas na atake? Tumalon sila paatras mula sa isa't isa saka sila nagtinginang dalawa at napangisi.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon