Nagkaroon ng pagpupulong ang mga konseho ng bawat departamento ang kaharian ng Agartha sa Kapitolyo kung saan dinadaos ang mga pagpupulong na sa pagkakataong ito ay walang partisipasyon ng Hari o bawat pinuno ng mga Familia.
Si Enrico na pangalawang pinakamataas na posisyon sa konseho ang talagang nagsuhestiyon na magkaroon ng pagpupulong, hindi naman nagtaka ang lima pang myembro ng konseho kung ano ang obhetibo ng mangyayaring pagpupulong dahil unang una sa lahat alam nilang tungkol ito sa kaharian at pangalawa partikular ay ang pagpapatalsik kay Ginoong Horacio ngunit sa pagpasok ni Enrico sa kapitolyo partikular sa silid kung saan sila nagpupulong ay nagulat ito pano ba't lahat ng myembro ng konseho ay naroon at ibig sabihin lang nun naroon din si Ginoong Horacio.
"Masiyado ka naman atang natagalan Ginoong Enrico?" Naisambit ni Horacio pero napangisi lang ang huli at naupo sa pwesto nito sa mahabang mesa
"Hindi ko inaasahan na narito ka Ginoong Horacio" tugon naman nito
"Syempre ako pa rin ang pinuno ng Kapitolyo" sagot naman ng nauna
"Sa katunayan ay narito ako dahil may importante akong iaanunsiyo" napatingin ang lahat ng mga myembro
"Iaanunsiyo?" Ito ang kalimitang maririnig sa lahat dahil nagtataka ang mga ito gayunpaman may isang bagay silang naiisip na maari nitong sabihin sa kanila
"Ano namang iaanunsiyo mo Ginoong Horacio? Wag mong sabihing aalis ka na sa posisyon mo?" Pero napangiti lang ang nauna sa sinabi ng huli
"Iyan ba talaga ang gusto mo Ginoong Enrico? Ang patalsikin ako sa posisyon ko?" At napatawa ang huli
"Bakit naman hindi?" Napatingin ang iba pa kay Enrico sa pagkagulat sa pagiging deritso nito
"Ang kailangan ng kaharian ang may malasakit at walang kapabayaan at sa kapabayaan mo pa lang dapat ka ng patalsikin" ani Enrico
"Kailan ka pa natutong maging ganiyan Ginoong Enrico? Hindi iyan ang pagkakakilala namin sa iyo!" biglang sumabat si Carpio at mababakas sa itsura nito ang galit sa narinig mula kay Enrico
"Kayo? Hindi niyo ba nakikita? Gumising nga kayo sa katotohanan!" Singhal naman ng huli
"Ikaw? Bakit hindi ka rin marunong makukuntento Enrico?" Sagot naman ni Carpio
"Bakit? Mipapangako mo bang magseserbisyo ka ng totoo kung ikaw ang magiging pinuno ng Kapitolyo?"
"Hindi mo na kailangang itanong pa iyan Ginoong Carpio, alam kong kwalipikado ako" aniya at napangisi naman si Horacio
"Sawa na akong maging anino na lang"
Ngayon nalaman na ni Horacio kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit gustong gusto siyang patalsikin ni Enrico sa kaniyang posisyon.
"Sa pinapakita mong ugali mas pinapakita mo lang sa amin na hindi ka bagay sa posisyon"
"Ikaw ang dapat na umalis sa posis...."
napatigili si Enrico ng marinig na bumukas ang malaking pintuan ng silid kung nasaan sila at bumungad sa kanila ang napaka-importanteng tao na kilala nila ~Ang HariNanlaki ang mata ng lahat sa biglang pagdating ng Hari bukod kay Horacio dahil una sa lahat alam nitong darating ang Hari.
..........
Nagpatuloy pa ang pakikipaglaban namin sa mga Ortus dito sa gubat Hoga at bukod pa dun may ilang halimaw din kaming nakalaban dito sa gubat
"Sa tingin mo? may malalakas na skill o Ärm ba tayo na makukuha dito sa gubat Masagi?" Napalingon sa akin si Masagi habang naglalakad kami
"Hindi iyon imposible Easton, matagal ng panahon na hindi pinupuntahan itong gubat at kahit nga na namatay na ang halimaw na namamahay dati sa gubat ay kaunti lang din ngayon ang makikitang tao na pumupunta dito sa gubat dahil nga sa mga Ortus" aniya at napatango tango lang ako
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...