TCOA 21

1.3K 79 6
                                    


Hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil marami akong iniisip at talagang bumabagabag iyon sa akin pero hindi iyon naging dahilan para malimutan ko ang nangyari kahapon lalo pa at pagkagising ay iyon na agad ang naisip ko. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam agad ako kay Felix. Dumeritso agad ako sa Tavern umaasang makita ko doon si Cyrus, siya yung dating naikuwento sa akin ni Ginoong Iamus na isa ding Earthling gaya ko pero sa kasamaang palad hindi ko siya nakita sa Tavern. Ilang araw na din nung huli ko siyang nakita, iyon yung kinuwento siya sa akin ni Ginoong Iamus at nung nakipag-usap siya sa akin. Nahilamos ko na lang tuloy ang mga kamay ko sa mukha ko sa frustration. Hindi madaling hanapin ang taong ayaw magpahanap, hindi ko naman sinasabi na pinagtataguan niya ako dahil may sarili naman itong isip at baka may pinagkakaabalahan lang talaga ito kaya madalang na itong pumunta sa Tavern. Nakwento sa akin ni Ruby na madalas talagang makitang nakatambay sa Tavern si Cyrus pero yun na nga ang nakapagtataka dahil hindi na nga ito madalas makita sa tavern.

"Bakit hindi ka pumunta sa familia nila? Siguradong makikita mo na siya dun" napatingin ako kay Ruby

Umalis ito saglit saka nilagay sa mesa ng customer ang bitbit nitong pagkain saka ito muling bumalik bitbit ang tray. Bakit hindi ko naisip yun? Kaso hindi ko naman alam na kasali ito sa isang familia.

"Sigurado ka ba?" Ngumiti naman ito

"Kaya nga subokan mong pumunta dun at baka andun nga siya" aniya

"Saan ko ba makikita ang familia nila?" Tanong ko

"Medyo may kalapitan lang ito sa Capitol pero kailangan mo pa ring maglakad, magtanong tanong ka na lang" napatango na lang ako

"O'siya balik na ako sa trabaho at baka pagalitan pa ako dito" aniya saka lumayo sa akin at nagpaalam

Pakiramdam ko tuloy hindi na ako safe sa mundong ito, kung sino man ang taong sumusunod sa akin kagabi siguradong may motibo ito sa pagsunod sa akin. Hindi ko nga lang alam kung ano pero sigurado akong may kailangan ito sa akin kaya ako nito minamanmanan.

Paglabas ko sa Tavern ay bumungad kaagad sa akin si Hera kasama ang tatlo na papasok na sana sa Tavern ~sina Felicia, Amon at Matias. Madalas ko ding makita sina Felicia dito sa Tavern pero ang nakakapanibago lang ay ang kasama ng mga ito. Alam kong kaibigan nila si Hera maging ang nakatatanda nitong kapatid pero nito ko lang talaga nalaman na matagal na pala talaga silang magkakilala.

"Nagmamadali ka ata?" Tanong ni Matias

Napahinto ako saglit at hindi maalis sa akin ang daanan ng titig si Kylie ~ang ibig kong sabihin si Hera. Napapaltik ako ng aking dila at tumingin kay Matias.

"May pupuntahan lang ako saglit" sagot ko naman

"Lalabas ka ba sa tarangkahan?" Tanong naman ni Felicia at napailing naman ako bilang tugon

"Ah akala ko magpapataas ka ng lebel" tugon naman nito

"Eh kayo? Tatambay ba kayo saglit?" Tanong ko

"Oo tapos lalabas din naman agad kami sa tarangkahan, alam mo na para magalakas pa lalo at kumita na din" sagot naman ni Amon na ainabayan niya ng mahinang tawa at napatango tango lang ako

"Sige aalis na ako, kita na lang tayo mamaya" napatango naman sila sa akin bilang tugon

Pumasok agad sila sa Tavern ng magpaalam ako, muli akong sumulyap sa pintuan ng Tavern at napahawak sa dibdib ko. Kumakarera na naman ang puso ko, iba pa rin talaga ang epekto ni Kylie sa akin at kahi— napailing ako, hindi ito ang tamang oras para mag-isip pa ng kung ano ano. May dapat pa akong gawin na kailangan kong malaman at tapusin. Ngayon pa lang iniisip ko na kung ano ang motibo ng taong sumusunod sa akin. Wala naman akong atraso kahit kanin—

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon