"O' Easton may nahanap ka na?" Tanong sa akin ni Ruby ng magsalubong kami sa tavern pero imbis na sumagot ay napasimangot lamang ako at kaagad na nangalumbaba sa mesa ng makaupo ako"Mukhang hindi mo na kailangang sumagot, sinasabi na ng itsura't aksiyon mo ang sagot eh" natatawa nitong saad
Mas lalo tuloy ako sumimangot.
Hindi kasi pala madaling maghanap ng Ärm na babagay sa akin, ni walang pasok sa panlasa ko. Nakakainis lalo pa't kanina pa ako roon pero ni isa ay wala man lang akong nagustohan man lang kaya eto at naisipan ko na lamang na tumambay muna dito saglit sa Tavern.
"Wag kang mag-alala, pagkatapos ng trabaho ko ay may pupuntahan tayo" wika nito
"Saan naman iyon?" Takang tanong ko at napangiti naman ito
"Sasamahan kitang mamili ng Ärm" sagot nito
Hindi na ako nagsalita pa at mas pinili ko na lamang na manahimik na lamang. Umupo na lamang ako sa dating pwesto nung una akong pumunta dito sa Tavern. Umalis na rin si Ruby at bumalik sa trabaho. Marami kasing tao rito kahit na tanghaling tapat pa lamang.
"Nabalitaan ko ang nangyari sayo" napabangon ako mula sa pagpangalumbaba at napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon
Si Ginoong Iamus. Mukhang nabanggit na ni Ruby ang nangyari sa akin.
"Mukhang okay na ata ang lagay mo" dagdag pa nito na ikinatango ko lamang
"Narinig ko ang pag-uusap niyo ni Ruby, wag kang mag-alala may alam ang isang yun na bilihan ng mga Ärms na may magagandang kalidad" napatango naman ako sa sinabi ni Ginoong Iamus kahit na hindi ko naman talaga lubos na maintindihan ang sinasabi nito
Nag-order na lamang ako ng inumin at pagkain gaya noong nakaran dahil nakakahiya naman at nakatambay lamang ako dito sa Tavern ni Ginoong Iamus na hindi man lang bumibili ng kahit na ano. Gaya ng dati ay nasa counter pa rin ako kaya naman malaya kaming nakakapag-usap ni Ginoong Iamus.
"Serena" ani Ginoong Iamus
Kaagad namang lumapit sa kinaroroonan namin si Serena at kaagad na kinuha ang lutong baboy na inilapag ni Ginoong Iamus. Kinuha naman kaagad ito ni Serena at ng makita ako nito ay kaagad ako nitong binati na sinuklian ko lamang ng isang matamis na ngiti saka ito umalis upang ihatid ang lutong iyon sa kung sino man abg umorder nito. Sa ilang araw ko na kasi dito ay may iilan na akong kilala at dahil iyon kay Ruby.
Nilibot ko ang loob ng buong tavern habang hinihintay na maluto ng inoder ko. May hinahanap kasi ang mga mata ko pero sa kasamaang palad ay mukhang wala ang taong iyon ngayon dito. Naisip ko na naman ang pag-atake sa akin nang armor kahapon. Hindi ako nag-iisip ng masama sa taong iyon pero ang hindi ko lang maintindihan ay ang sinabi nitong mag-ingat ako. Nasaan kaya ngayon ang taong iyon?
"Uhm Ginoong Iamus" napatingin naman kaagad ito sa akin habang naghihiwa ng mga sangkap sa lulotuin nito
"Ano iyon Easton?, may kailangan ka ba?" Tanong nito na ikinailing ko naman
"Wala naman po, may itatanong lang po sana ako" napakunot agad ang noo nito
"Tungkol saan?"
"Tungkol po sa lalaking ikinuwento niyo sa akin nung nakaraang araw" napakunot ito ng kaniyang noo pero napatango din kaagad ito hudyat na nakuha niya ang tinutumbok ko
"Si Lucas ba? iyong sinabi ko sayong Earthling na nasa Elite ang ranggo?" Napatango ako
"Anong gusto mong malaman sa adventurer na iyon?" Tanong nito
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasiaChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...