TCOA 31

1.1K 96 9
                                    

"Malayo pa ba tayo?" Hindi ko mapigilang magtanong

Kanina lang nakiusap itong tulongan sila kaya heto at nakasunod ako ngayon sa kaniya at ilang minuto na rin kaming naglalakad at hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakarating sa sinasabi nitong lugar kung saan sila nakatira ng tribu niya at bukod pa dun hindi pa rin niya talaga tuloyang sinasabi nito ang pakay niya sa paghingi niya ng tulong sa akin.

"Malapit na tayo" naparolyo ako ng mga mata ko

"Kanina mo pa sinasabi iyan pero hanggang ngayon naglalakad pa rin tayo" ito sana ang gusto kong sabihin pero nanatiling nakatikom ang bibig ko

"Marahil ay nababagot ka na, wag kang mag-alala malapit lapit na tayo" aniya

Hindi na lang ako umimik pa at pinagpatuloy na lang ang pagsunod sa kaniya, marahil ay malapit na nga naman talaga kami at wala naman na akong magagawa pa para umatras dahil narito naman na ako at nakasunod na sa kaniya at bukod pa dun malayo layo na din ang nilakad namin.

"Nandito na tayo" mula sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko naglalakihang tipak ng bato at napansin ko na may maliit na pasilyo doon

Isang kweba? May kweba sa ganitong klaseng lugar? At ang nakakamangha pa dun sadyang sobrang laki ng dalawang tipak ng bato. Nang tuloyan kaming makalapit ay pumasok kami doon. Hindi ito isang kweba, nagmistula lang itong kweba dahil sa dalawang tipak ng bato na magkatabi.

Medyo makipot ang daanan pero ng tuloyan kaming makapasok ay halos mamangha ako, napakaganda ng lugar sa likod ng dalawang tipak ng bato. Hindi ko akalain na ito ang makikita ko. Marami akong nakikitang kabahayan na gawa sa bato. Nakapalibot din sa paligid ang ilang mga halaman gaya ng prutas at sa gitna ay may malawak na ilog kung saan nakita ko ang ilang mga bata na masayang nagtatampisaw.

"Maligayang pagdating sa aming tribu, ang tribu ng mga Hopi"

(Hopi- Peaceful one or well-mannered people)

Ilang saglit pa'y may sumalubong na dalawang bata na tumatakbo papunta sa amin, wala itong mga sapin sa paa na pangiti ngiti pa habang nakatingin kay Sachi.

"Kuya Sachi buti andito ka na kanina ka pa hinihintay ni Ina" ani ng mas matandang batang lalake

"Eh kayo bakit kayo nandito nasaan si Ina?" Tanong naman ng nauna

"Inutusan kami ni Ina mamitas ng halamang gamot para sa ubo ni Ama, naroon siya sa loob at kanina pa nag-aalala sayo nung umalis ka" sagot naman ng batang lalaki

Napatingin sa akin ang kasama pa nitong batang babae na sa hula ko ay nasa sampu pataas na ang edad. Mapapansin ang pagtataka sa mukha nito at agad akong sinuri. Marahil ay nagtataka siya kung sino ako at bukod pa dun ay nagtataka din ito sa pananamit ko na halatang isa akong dayuhan.

"Kuya Sachi sino siya?"

"Siya si Easton" pagpapakilala nito sa akin

"Kaibigan ko siya mula sa malayong kaharian" segunda pa nito at napatango naman ang dalawang bata

"Bakit ka nga po pala nakahubad?" Medyo nahihiyang tanong ng batang babae na muntik ng hindi mapigilang matawa

Dun ko lang uli naalala na wala nga pala akong suot na pang-itaas kaya naman halos manlaki ang mga mata ko. Nakita kong hinubad ni Sachi ang suot nitong balabal at kaagad na nilahad sa akin kaya wala naman akong nagawa kung hindi ang kunin ito at isuot.

"Halika na Kuya uwi na tayo—

"Sachi!" Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita agad namin ang isang matangkad na lalaki, sakto lamang ang pangangatawan nito pero kapansin pansin ang dami ng mga tattoo nito sa braso.

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon