TCOA 53

995 90 32
                                    

(N/A: Serving y'all a 6k words upate. Hindi ko pa sana i-pupublish to kasi madugong revision muna ang gagawin ko sa TCOA bago uli ako mag update pero dahil hindi ako makatiis ipupublish ko na. Btw may ilan akong binago ng kaunti sa ilang chapters lalo na sa mga errors at sa mga hindi detailed na scenes pero wag kayong mag-alala hindi naman nagbago ang takbo ng story. Tagal na din nung huli kong update pero sana suportahan niyo pa rin ako. Maraming Salamat!)











Lumabas kami ni Masagi sa pinagtataguan ng masigurado naming handa na kaming sumabak sa laban. Kitang kita ko sa mata ni Masagi ang pagkasabik, ganun din ang nararamdaman ko pero sa kabila nun hindi ko din mapigilang mabahala sapagkat may mga inosenteng tao na maaaring  madamay kaya hindi namin iyon hahayaang mangyari ni Masagi.














Nawala bigla si Masagi sa tabi ko at sa isang kisap mata lang ay ilang dangkal na lang ang lapit nito sa halimaw. Kumuha ito ng pwersa sa kaniyang katawan upang humataw gamit ang espada nito pero malakas ang pakiramdam ng halimaw at kaagad itong naalerto sa paparating na atake ni Masagi, nagawa nitong maisangga ang espada ni Masagi at wala man lang ni isang galos na nakuha ang halimaw, kasing tigas ata ng bato ang balat nito. Naging alerto si Masagi ng bumwelo ng suntok ang halimaw gamit ang kanang kamay nito kaya bago pa man tumama sa kaniya ang suntok ng halimaw ay nawala ito na parang bula at sumulpot na lang sa tabi ko.











"Ang kunat ng isang yan" aniya ng hindi nakatingin sa akin











Nanatili ang aming tingin sa malaking halimaw na palinga linga at hinanap kami. Marami siyang blindspot na maari naming gawing opening pero aanhin naman namin iyon kung kasing kunat at tigas ng bato ang kaniyang balat? Atsaka bukod pa dun kahit umatake man kami sa mga yun magagawa din naman kaagad niyang makareact ng mabilis sa lakas ng pakiramdam nito. Hindi ko din naman pwedeng gamitin si Esata dahil baka mas lumala pa ang pinsala sa Agartha lalo pa't Malaki din ang isang iyon. Kung pwede lang sana naming ilabas ang halimaw na to para hindi na ito makagawa ng gulo dito sa Agartha pero alam kung imposible ang bagay na iyon kaya tanging ang sarili lang namin ang maari naming asahan sa labang ito.














Nagkakagulo pa din ang mga tao at kalimitang nagsisitakbuhan sa takot na baka madamay sa bagsik ng halimaw. Dito ba naman sa downtown naghasik ng lagim ang halimaw na ito na lugar pa naman kung saan nagtitipon ang lahat para magsaya at magnilay nilay o di kaya'y mamasyal.











Hinanda ko ang sarili ko at nagstance ngunit naalerto kami ng makarinig kami ng malakas na sigaw mula sa kung saan, sa boses pa lang ay alam naming galing ito sa isang babae. Nakaharap na pala ang halimaw sa isang ginang na nakaupo sa sahig hawak ng mahigpit ang anak nitong lalaki na mukhang nasa limang taon pa lamang ang edad. Kita sa mata ng dalawa ang takot at nagulat na lang ako na mabilis pa sa alas kuwatrong nawala sa tabi ko si Masagi. Sumulpot na lang ito ng biglaan sa harap ng mag-ina at tinanggap ang paparating na atake ng halimaw. Dinamba nito sa Masagi at sa lakas ng impact ay halos napaluhod si Masagi, gamit lamang nito ang kaniyang espada na namalayan kong dalawa na pala para isangga sa atake ng halimaw. Kita ko ang paghihirap sa mukha ni Masagi kaya para ma-divert ang atensiyon ng halimaw sa kaniya ay umaksiyon na kaagad ako. Ginamit ko ang skill na kinopya ko kay Masagi at mistulang dinala ang katawan ko ng hangin sa bilis na halos hindi makita ng mata. Nawala ako't sumulpot bigla sa harapan ng halimaw at gaya ng inaasahan ay mabilis ang pakiramdam nito't naisangga ang atake ko at kahit papano nagawa ko namang makuha ang atensiyon ng halimaw, ginawa naman iyong pagkakataon ni Masagi para ilayo ang mag-ina.











Dumamba ito ng malakas sa kinaroroonan ko at maswerte ako ng nagawa ko naman agad na makaiwas. Hindi din basta basta ang bilis at lakas ng halimaw na ito dahil bukod sa depensa ay malakas din ang pakiramdam nito. Hindi ko alam kung kailan ako papasok para umatake, kung tutuosin nga ay marami akong nakukuhang tiyansa para umatake yun nga lang palagi lang nababaliwala ang mga atake ko sa bilis ng pakiramdam at sa kunat ng balat nito. Ni hindi ako makaporma para kahit papano ay makatanggap man lang ito ng galos. Nababalewala lang niya ang mga atake ko ng walang hirap. Di hamak na mas malakas ang isang ito sa nakalaban ko sa Haraki. Sa pagkakataong yun kasi ay hindi ko pa gaanong iniisip ang sarili ko, kung masugatan man ako o kung ano pero sa katagalan ko na sa mundong ito na-realize ko na dapat ko palang seryosohin ang lahat dahil hindi lang basta laro itong pinasok ko. Hindi isang laro ang buhay sa mundong ito dahil ano mang oras ay pwede akong mamatay kaya hindi dapat ako magpadalos dalos. Sineryoso ko na ang lahat sa mundong ito ng mapagtanto ko na kapag mamatay uli ako sa mundong ito hinding hindi na muli ako mabubuhay. Maswerte na nga ako at binigyan pa ako ng pagkakataon para mabuhay.














Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon