TCOA 28

1K 92 7
                                    


Sinuong ko ang kaloob looban ng kweba, napakagandang pagmasdan ng mga nagliliwanag na bato sa paligid at bukod dun ay may mga nagliliwanag na halaman din akong nakikita, napakaganda at nakakamanghang pagmasdan. Pinagpatuloy ko pa ang paglalakad at sa kabutihang palad ay wala pa namang masamang nangyari sa akin partikular na wala pang umaatakeng halimaw sa akin. Habang mas papalayo ako ng papalayo ay mas nararamdaman ko na ang kakaibang enerhiya na kumakalat sa loob ng kweba. May napansin akong kumikislap na bagay na nasa tuktok ng naglalakihang tipak ng bato na makikita sa gilid. Tinalon ko iyon at napakunot ang noo ko ng makuha ko ito. Ang kumikislap na bagay na nakita ko kanina ay nasa kamay ko na ngayon at isa itong pilak na susi. Napakibit balikat na lang ako at ibinulsa iyon saka ako bumaba at muling pinagpatuloy ang paglalakad. Naramadaman ko na bumibigat din ang pakiramdam ko habang papasok pa ako ng papasok sa loob ng kweba. Napaka pamilyar ng pakiramdam na ito sa akin.

Napalingon ako sa aking likuran at masasabing malayo na ako sa bukana ng kweba hanggang sa bumungad sa akin ang isang pintuan na gawa sa kahoy. Nakakandado ito at sinubokan kong gamitin ang dagger ko pero umilaw lang ang kandado at mga kadena matapos na tumama ang dagger ko dito. Wala itong epekto nakakinis.

Ilang beses ko pang sinubokan pero sumuko din ako sa huli. Huli ko ng napagtanto na may absorption effect ang kandado at mga kadena kaya naman hindi ito tinatablan ng ano mang atake. Napapaltik na lang tuloy ako ng aking dila hanggang sa maalala ko ang nakita kong susi kanina. Sinubukan ko iyon sa kandado at saktong sakto ang sukat nito, ng ipihit ko iyon ay nakarinig ako ng mahinang tunog sa kandado hudyat na nabuksan ito. Halos mapangiti ako sa tuwa. Mabuti na lang pala at nakita ko ang susi nito at baka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabubuksan ang kandado sa pintuan.

Tinulak ko ang pintuan at kaagad akong pumasok at ilang saglit lang ay nagsarado na lang ng kusa ang pintuan. Nagulat pa ako ng konte dahil para akong nasa isang horror movie, katulad na katulad ito sa mga napapanood ko dati na mga horror movies.

Ilang saglit ay bigla na lang nagliyab ng magkasunod ang mga sulo sa gilid ng kweba hanggang sa umabot ito sa pinakadulo at dun ay may bigla na lang sumulpot na kulay itim na usok hanggang sa unti unti itong nagkaporma. Naglalakihang braso kaagad ang nakita ko kasabay nun ang pagporma ng mga paa nito hanggang sa naging pigura ito ng isang tao, ang nakakagulat lang dun ay sobrang laki nito. Isa itong higant— hindi isang sayklops. Wala itong suot na pang itaas tanging pang-ibaba lang at may hawak itong malaking palakol na gaya ng mga gamit ng isang taong kuweba.

Umatungal ito ng pagkalakas lakas at nagpalinga linga sa paligid na para bang may hinahanap ito. Literal na sobrang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Sobrang laki kasi nito, sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa laki nito siguradong magkakalasog lasog kaagad ang katawan ko kapag inapakan ako nito, dun pa lang tumatayo na ang mga balahibo ko sa katawan.

"Sino ang lapastangang disturbuhin ako mula sa pagkakatulog?" Dumagundong ang boses nito sa buong kweba, napakalaki at napakalalim

"Sino!?" Sigaw pa nito

Tinaas nito ang kaniyang palakol at walang pasabing hinampas ito sa lupa. Napatalon kaagad ako paatras ng wala sa oras. Tama nga ako, kaya naman pala pamilyar ang napakabigat naaura ang naramdaman ko kanina. Gaya lang din ito dati nung nakasagupa ko ang malaking itim na ahas kahapon. Kaya naman pala masama ang kutob ko. Napansin ko na tumitig ang isang pirasong mata nito sa akin saka ito napahalakhak.

"Isang bansot?" Muli itong humalakhak at kahit ang pagtawa nito ay dumagundong sa buong kweba

Nakakainis ang pagtawa nito, napapaltik na lang tuloy ako ng dila ko sa inis ko. Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay nawala na lang bigla. Kaya niya lang naman akong tinawag na bansot dahil sadyang mas malaki ito kesa sa akin. Pwes tingnan natin kung matatalo niya ako sa laki niya. Ang ahas nga na si Goliath na sobrang laki din ay natalo ko ito pa kaya?

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon