"Easton anak, sa milyon milyong mga bituin diyan sa langit sa tingin mo nariyan ba ang Lola mo?"
"Ewan ko ma"
"Sabi nila kapag namatay daw ang isang tao magiging bituin daw sila"
"Talaga Mama?"
"Edi ibig sabihin tinitingnan din tayo ni Lola ngayon?"
"Oo at alam mo anak kapag malayo ka sa akin tumingin ka lang sa pinakamalaking bituin na yun"
"Bakit naman po Ma?"
"Kasi kapag nakatingin ka din diyan para na rin tayong pinaglapit"
"Eh Mama hindi naman ako aalis at lalayo sa inyo eh"
......
Napangiti ako sa alaalang iyon, hindi ko mapigilang gunitain ang alaalang iyon. Mga sampung taong gulang pa lang ata ako nun, hindi pa ipinapanganak si Bruno at Ashley at wala pa akong kamuwang muwang sa mundo.
Napatingin muli ako sa madilim na kalangitan at nakahiga ako sa maliit na bagon kung saan nilalagay ang mga dayame. Napatingin ako sa milyon milyong bituin na nagliliwanag sa langit at hinanap ko ang pinakamalaking bituin na makita ko at ng mahanap ko iyon ay mas napangiti ako.
"Miss na miss na kita Mama, namimis ko na kayong lahat" wika ko
"Easton" napalingon ako sa nagsalita at galing iyon kay Satomi
"Bakit nandito ka pa sa labas?" Tanong nito
"Nagpapahangin lang saglit" sagot ko naman, napatango lang siya at napasandal sa isang puno
"Maya maya lang maghahapunan na tayo" wika nito
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napansin naman iyon ni Satomi kaya naman nagtaka ito at lumapit sa akin.
"San ka pupunta?" Tanong nito
"Tutulong ako sa pagluluto" tugon ko at nakita ko itong napangiti
"Oh bakit ka nakangiti diyan?" Hindi ko mapigilang magtanong
"Wala naman, mukha kasing kahit buong araw kang wala dito ay hindi ka pa rin nakaramdam ng pagod. Hindi mo na kailangang tumulong, sigurado akong hindi ka din naman papayagan ni Tiya Mercedes na tumulong" wika nito kaya naman muli akong bumalik sa pagkakahiga at napatingin sa kalangitan
"Sa tingin ko ay mukhang mahilig ka sa mga bituin" aniya na siyang bumasag sa ilang segundong katahimikan sa pagitan namin
"Parang ganun na nga" sagot ko na lang
"Aalis na ako sa susunod na araw" wala itong naging tugon kaya naman napabangon ako mula sa pagkakahiga at napatingin sa kaniya
"May problema ba?" Tanong ko dito at napangiti ito sa akin
"Wala naman, naiisip ko lang kasi na maraming maninibago kapag wala ka na at..at isa na ako dun" wika nito kaya naman hindi ko tuloy mapigilang mapangiti sa sinabi nito
"Wag kang mag-alala darating din ang araw at muli akong makakabalik dito, pangako iyon" napangiti ito
"Aasahan ko iyan" tugon nito at muling napangiti
"Kapag maaalala mo ako, tumingin ka lang sa pinakamalaking bituin na makikita mo" napakunot ito ng kaniyang noo
"Bakit naman?" Aniya
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...