Panibagong araw na naman para sa panibagong pakikipagsapalaran. Ngayong araw na ako magsisimula bilang ganap na Adventurer. Nakakakaba pero nakakapanabik din.
Sa katunayan ay suot suot ko na ngayon ang binili kong Armor, kasing nipis lamang ito ng isang tela pero kasing tibay naman ito ng bakal. Hindi mo mapaghahalataang isa itong armor pero kapag sinuri mo ito ay mararamdaman mong may enerhiya itong inilalabas na pumuprotekta sa sino man ang susuot nito. Bukod dun ay nagsuot din ako ng ilang mga kaswal na damit gaya ng pantalon at pang-itaas na damit.
Pagkaalis ko sa bahay matapos kong mag-agahan ay dumeritso muna ako sa Adventurer's Guild. Doon ay nakita ko kung gaano karaming mga tao ang naroon kahit na napaka aga pa lamang. Napakasaya ko at halos hindi ko mapigilang ngumiti, parang baliw na ata ako kaya bago pa man ako mapagkamalang baliw ng mga tao dito ay nagseryoso na lamang ako.
Napaka importante ng araw ng ito para sa akin pano ba naman at unang araw ko para pumunta sa mga misyon. Narinig kong maraming mga Rookie Adventurers ang nasa gubat ng Wistman. Hindi ganun ka agresibo at kadelikado ang mga halimaw na nasa Wistman Woods kaya naman doon ako unang magsisimula.
Suot ang mga Ärms ko ay pumasok ako sa Adventurer's Guild ng walang kahit na anong ekpresiyon sa mukha na mababakas pero sa katanuyan ay talagang masaya at sobrang nananabik na ako. Gaya ng inaasahan ay marami nga akong nakitang mga Adventurer's at ang iba sa mga iyon ay ang mga nakasama ko noong nakaraan sa pagkuha ko ng exam na nakaupo lamang sa mga upuan na nasa loob ng Adventurer's Guild.
Pagpasok pa lang ay dumeritso na kaagad ako sa Mission Board na para sa mga Rookies na katulad ko at hindi na nag-aksaya pa ng oras na umupo at magkwentuhan sa iba pang mga Adventurers na nariririto din sa loob.
Sinuri ko ang ilan sa mga misyon na nasa isang papel na naka-pin sa Mission Board. Marami akong nakikitang mga misyon pero gaya nga ng payo sa akin ni Ruby ay mas mabuti daw na magsimula muna ako sa madaling misyon.
Nang makahanap na ako ng misyong napili ko ay kinuha ko kaagad iyon mula sa Mission Board saka ako lumakad palapit sa front desk ng Adventurer's Hall. Gaya lamang ito ng mga nakikita kong mga banko sa pinagmulan kong mundo pero ang pinagkaiba lamang ay tagapangasiwa ang mga ito ng mga mission sa mga adventurers na gaya ko pero bago pa man ako tuloyang makalapit ay may taong kinabig ako at nauna sa akin.
Agad namang napakunot ang noo ko, ni hindi man lang ito nag excuse man lang o humingi tawad sa ginawa nito. Napaka bastos, baka hindi ito tinuruan ng mga magulang nito ng mabuting asal. Naiinis man ay hinayaan ko na lamang ito. Gaya ko ay mukhang Adventurer din ito na kumuha din ng kaniyang misyon. Lalaki ito, nakasuot ito ng sarili nitong kalasag at kapansin pansin din ang matingkad na kulay pulang buhok nito.
Nang matapos ito sa pagrehistro ng misyon sa pangalan nito ay kaagad na itong umalis pero bago iyon humarap muna ito sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang ngisi nitosa kaniyang labi.
"Pasensiya na, nagmamadali kasi ako" ani nito pero nabakas kong hindi ito sensiro sa paghingi ng paumanhin
Ayaw ko naman gumawa ng gulo kaya naman isinawalang bahala ko na lamang ito at tumango na lamang bilang tugon. Dumeritso na lamang ako sa Frontdesk at mabilis na nilapag iyon sa maliit na parihabang butas na kumokunekta sa kabilang bahagi kung saan naroon ang mga tagapangasiwa ng Adventurer's Guild.
"Sigurado ka na ba dito Ginoo?" Tumugon naman kaagad ako
"Baguhan ka lamang hindi ba?" Tanong nito
"Opoo ngayong araw ang kauna unahan ko bilang isang ganap na adventurer" tugon ko
"Kung ganun ay sana'y gabayan at pagpalarin ka ng mga Diyos at Diyosa sa mga gagawin mong misyon" wika nito na ikinangiti ko
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...