TCOA 4

2.7K 177 7
                                    

Nang tuloyan akong makalapit ay kaagad na bumungad ang napakalaking halimaw. Sobrang laki nga nito. Isa itong napakalaking Gorilla at talaga namang triple ang laki nito kesa sa mundong pinagmulan ko. Nakita kong pinipigilan ng mga kawal ng kapitolyo ang halimaw gamit ang kanilang mahabang sibat ngunit dahil sa laki nito ay talagang mahihirapan ang sinumang aatake sa malaking halimaw na iyon ng hindi man lang nag-iisip ng gagawin.




"Pwede ko ho bang hiramin ito sandali?" Wala namang nagawa ang matandang lalaki kung kaya't kaagad kong kinuha ang isang dagger na nasa kaniyang estante. Dahil sa takot at gulat sa halimaw ay mukhang hindi na nito magawang tumugon ng maayos.





Muli akong napatingin sa halimaw. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang halimaw na iyan pero wala sa bokabularyo ko ang sumuko at isa pa ay paano ko malalaman ang kakayahan ko kung hindi ko susubukan.







Umungol ng napakalakas ang halimaw saka nito hinampas ang dibdib nito. Sa ganung paraan niya pinapahiwatig na malakas siya at walang sino man ang makakatalo sa kaniya. Muli itong sumugod at sa pagkakataong iyon ay hindi nagawa ng mga kawal ng kapitolyo ang umiwas sa malakas na suntok na ipinukol nito sa kanila.





Agad na tumalsik ang dalawang gwardiya dahil sa lakas ng suntok ng halimaw. Kaagad na tumungo ang halimaw sa humihikbing bata. Nakita ko ang pagbuwelo ng atake nito kaya naman mabilis akong umaksiyon.






Dali dali akong tumakbo patungo sa batang babae at kaagad na sinangga ang suntok nito gamit ang hawak kong dagger. Kaagad na lumubog ang paa ko sa lupa at napaatras ng dahil sa lakas ng impact ng atake nito.





Kaagad namang kinuha ng isang babae ang batang babae na humihikbi, sa tingin ko ay ito ang kaniyang ina. Muling bumwelo sa pag-atake ang halimaw gamit naman ang kaliwang kamay nito kaya naman bago pa ako matamaan nun ay kaagad akong tumalon paatras.




Umatungal muli ng napakalakas ang halimaw saka ito tumakbo patungo sa akin. Kaagad ko siyang sinalubong at bago pa dumapo ang kamao nito sa aking katawan ay mabilis kaagad akong umiwas. Tumuntong ako sa kaniyang malaking braso saka ko mabilis na tinaga ang mata nito gamit ang hawak kong dagger. Hindi ko alam kung paano ko nagagawa ang mga bagay na ito pero, wala na akong pakialam. Kinain na ako ng excitement at halos wala na akong kabang nararamdaman.






Kaagad itong napadaing sa sakit dahil sa natamo nitong sugat. Nakapikit ang kanang mata nito habang nakatingin sa akin ng masama. Tumutulo pa ang masaganang dugo
doon at kahit na naaawa ako sa kalagayan niya ay wala akong magagawa.







Muli itong napaungol at muli ay malakas na dinamba nito ang kaniyang dibdib ng makailang ulit pagkatapos nun ay masama itong napatingin sa akin.




Nakita ko na bumwelo ito kaya naman kaagad din akong nagform ng fighting stance pagkatapos nun ay nakita ko na mabilis itong tumalon ng napakataas at hahampasin ako gamit ang malalaking kamay nito kaya naman mabilis kaagad akong umatras bago pa man ako tamaan ng mga kamay nito kaya naman ang lupa lamang ang natamaan nito. Nawasak agad ang matigas na semento gawa ng pagdampa ng kamao nito.






Makikita kaagad ang lakas ng impact ng atake nito dahil halos makagawa ito ng maliit na hukay. Napailing tuloy ako, mabuti na lamang at mabilis kaagad akong nakaiwas dahil siguradong sa oras na matamaan ako ng atake niyang iyon ay siguradong magkaka lasog lasog at magkapira piraso ang katawan ko.






Nakakamangha ang bilis nito gayun din ang lakas ng atake nito ngunit dahil nga nandito ako sa kamangha manghang lugar na ito ay halos bola ang katawan ko kung lumundag at para namang papel ang katawan ko sa sobrang gaan.





The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon