"Isang Armor? at may maitim na aura?" Kunot noong tanong ni Ruby sa akin
Kagagaling lang nito mula sa trabaho at kaagad itong bumisita sa kaniyang Ama dito sa bahay, sakto ding nilalagyan ni Felix ang mga sugat ko ng bandage kaya naman nagtaka ito sa kalagayan ko at hindi napigilang magtanong. Mabuti na lamang at kaunting galos lang ang nakuha ko pero sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko nga kanina ay mamamatay na ako.
Nang makita ni Ruby ang kalagayan ko ay hindi nito mapigilang magtaka, sa pagkakaalam daw nila ay wala namang halimaw banda doon sa gubat na pinasukan ko.
"Hindi kaya't isa iyong Guardian Ama?" Tanong ni Ruby kay Felix na mariin namang tumingin sa kaniya na para bang may malalim itong iniisip.
"Mukhang tama ka Ruby" ang nasabi naman ni Felix
"Hindi lang iyon basta bastang nagkataon, mukhang sinadya iyon" nanlaki ang mata ko gayun din si Ruby na makikita naman sa kabuuan ng itsura nito
"Sinadya? Sino namang magtatangkang gawin ito kay Easton?, hindi ba't baguhan lamang ito sa ating mundo? Wala pa itong masiyadong kilala kaya't imposible iyon" giit ni Ruby
"Natatandaan mo ba ang nangyari noon sa angkan ng mga elfs? Hindi ba't sinalakay ang angkan nila ng isang misteryosong halimaw na may maitim ding aura?" Napauwang ang bibig ko
"Iniisip mo ba na ang Chess pieces ang may gawa nito kay Easton?" Napatango naman si Felix bilang pagsang-ayon
"Chess pieces?" Hindi ko mapigilang itanong
Napatingin kaagad sa akin si Ruby saka ito napatingin kay Felix na para bang nag-uusap ang mga ito sa pamamagitan ng pagtinginan lamang.
Napabuntong hininga si Ruby at kaagad na naupo sa harapan ko kaya mas malaya kong nakita ang itsura nito, nasa sala kasi kami ng bahay habang ginagamot ako ni Felix.
"Total naman ay naririto ka rin naman sa mundong ito kaya naman sasabihin ko sa iyo ang lahat lahat dahil may karapatan ka din namang malaman iyon bilang mamamayan ng Haraki" wika ni Ruby na ikinatango ko lamang
"Bukod kay Haring Martis at Reyna Anastasia ay may hari at reyna din ang mga angkan ng mga Mangkukulam at mga mangagaway. Ang mangagaway na Hari nila ay si Zarkun at si Evanora na Reyna naman ng mga mangkukulam, dahil sa pagmamahalan ng Dalawang pinuno ng bawat angkan ay nagsanib na lamang ang mga ito bilang isang malaking angkan at nagkaroon ang mga ito ng alyansa" kwento ni Ruby
"Kay itim ng mga budhi nila ang mga ugali nila kaya naman ilag ang ibang angkan dahil mapagmataas ang mga ito at labis na sakim at ganid, Dahil nga sa pagiging ganid ng kanilang Hari ay pati ang teritoryo ng kaharian ng Haraki at ibang karatig na bansa ay nais din nitong kunin" dagdag pa nito at habang sinasabi niya ang mga iyon ay mababakas sa tinig nito ang galit at pagkamuhi.
"Tungkol naman sa mga Chess pieces, iyon ang tawag sa pangunahing mataas na opisyal ng kanilang kaharian basi sa ranggo. Gaya ng normal na chess pieces ay mayroon din itong walong Pawns, dalawang Roks, Knights, Bishops at syempre ang nag-iisang Hari at Reyna" pagpapatuloy ni Felix sa kuwento
"Wag kang mag-alala dahil may dalawang uri ng mga manggagaway at mangkukulam, puti at itim kaya kapag may nakita kang mga mangkukulam at manggagaway sa kaharian ng Haraki ay wag kang mag-alala dahil mababait ang mga ito, tanging mga itim na mangkukulam at manggagaway lamang ang nagkaroon ng alyansa at nagtayo ng sariling kaharian bilang pagsalungat sa ibang kaharian dito sa mundo ng Alkhora kaya asahan mong walang itim na mangkukulam at manggagaway dito sa loob ng kaharian" napatango naman kaagad ako matapos iyong sabihin ni Ruby sa akin
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...