Martes. Ito ang araw kung kailan ko malalaman kung nakapasa nga ba ako sa exam at sa kabutihang palad ay nakapasa nga ako at ako pa talaga ang nangunguna sa listahan. Oo natutuwa ako sa balitang iyon dahil ito na ang dahilan para maging isang ganap na Adventurer na ako pero may bagay na bumabagabag sa akin— no tao nga pala siya at kung minamalas nga naman ay talagang naaapektuhan ako ng sobra. Marami kasing mga katanungan ang tumatakbo sa utak ko. Kung bakit siya nandito? Kung siya nga ba talaga si Kylie na kilala ko? Kung namatay din ba siya katulad ko?
Hindi ko maintindihan pero iyon ang gusto kong malaman, gusto kong malaman ang katotohanan dahil mukhang mababaliw na ata ako kaiisip kung paano siya napunta sa mundong ito.
Napailing na lamang tuloy ako at napabalik sa katinuan ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko, paglingon ko ay ang nakangiting si Ruby kaagad ang nakita ko.
"Mukhang malulunod naman ako sa lalim ng iniisip mo, may problema ba?" Tanong nito sa akin na kinailing at nginitian ko lamang
"Kung ganun bakit ang tahimik mo riyan? Hindi ka ba masaya na nakapasa ka?" Napailing muli ako
"Hindi naman sa ganun at saka wag mo na akong isipin" sagot ko lamang na sinabayan ko ng mahinang pagtawa
"Nakapasa ka sa exam at nangunguna pa kaya dapat lang na ikatuwa mo iyon, nararapat lang na magsaya tayo ngayong araw" natutuwa nitong sambit na ikinangiti ko lamang
"Kaya kung may bagay man na bumabagabag sa iyo ay kailangan mo muna itong isantabi, araw mo ito ngayon Easton" ani pa nito
Tama ang mga sinabi ni Ruby sa akin, dapat ko munang isantabi ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Hindi ito ang tamang oras para mag-isip isip ng kung ano ano. I think this is the right time to clear things, pumapasok na naman kasi ang mga negatibong aura sa akin. Mukhang kailangan ko munang magsaya at talagang tama naman si Ruby, araw ko ito ngayon kaya dapat lang na magsaya ako. Nanlibre pa naman si Ginoong Iamus ng ilang inumin at pagkain kaya hindi ko dapat na sayangin at baliwalain lang ang araw na ito.
Maaga pa lang pumunta na ako kaagad kanina sa Kingdom Hall kaya naman excited at kinakabahan ako sa resulta pero hindi lang dahil dun, kinakabahan din akong makitang muli si Kylie. Nakita ko siya kanina at napagtanto ko nga hindi nga ako nagkakamali pero hindi ko man lang ito nakausap dahil nalingat lang ako saglit ay nawala na kaagad ito sa paningin ko. Nakakapanlumo pero, may ibang araw pa naman.
It bothers me a lot, kasi kumuha din siya ng exam so there's a possibility na nakita niya ako roon pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi niya ako nakilala man lang. Hindi kaya'y nagsinungaling sa akin si Dyosa Aceso?
I clearly remebered na sinabi niya nun sa akin na Kylie is okay and I'm just the only one na naasagasaan ng rumaragasang sasakyan pero how come na napunta si Kylie sa mundo ito? Ano nga ba ang totoo? Nagsinungaling ba sa akin si Dyosa Aceso? Mababaliw na ata ako kakaisip.
Napainom na lang tuloy ako ng juice. Napalibot ako ng tingin. Gaya ng dati ay napaka lively ng Tavern, there's noises everywhere. Naging pahingahan na rin kasi ang tavern na ito ng mga adventurers na kagagaling lang sa mga misyon kaya naman hindi na kataka takang napupuno ng kwentuhan at tawanan ang paligid.
Nasa mahabang lamesa kami na gawa sa kahoy at punong puno iyon ng pagkain at inumin, nahiya tuloy ako kay Ginoong Iamus pero hindi naman ako makatanggi kaya I just accept it na lang dahil siya naman talaga ang nag-alok nito. Kasama ko sa mahabang mesa ang ilang mga kasamahan ni Ruby sa trabaho, two years lang ang tanda sa akin ni Ruby kaya naman ganito ito kasaya, ramdam niya kasi at sariwa pa daw sa kaniya ang alaala noong kumuha din siya ng exam dalawang taon na ang nakakalipas, kinakabahan man daw ay masaya siya dahil nakapasa siya.
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...