"Bakit ka nga pala napadpad sa Akrifa?" Napatingin ako kay Masagi ng itanong niya ito sa akin matapos siyang tumungga ng alak
Nasa isang pamublikong taberna kasi kami, hindi gaya ng ibang taberna ay nasa labas ang tabernang ito, may mga upuan din at mesa pero masasabi kong mas aktibo ang mga tao dito sa rami ng mga manginginom.
"Sa katunayan ay aksidente lamang na napadpad ako dito sa Akrifa" napatango tango ito
"Kung ganun ay wala ka naman talagang layunin sa pagpunta dito" napangiti ako sa sinabi ni Masagi
"Wala nga pero alam mo, mabuti na ring napadpad ako dito dahil mukhang mas makakatulong pa nga ng napunta ako dito" nakita kong napakunot ang noo ni Masagi
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko
"Kailangan ko pang lumakas at sa tulong ng pakikipagsapalaran ko sa bansa ninyo ay siguradong lalakas pa ako at tataas pa lalo ang ranggo ko" napatango ito
"Gusto mong lumakas ka pa lalo?" Natatawa nitong pag-uulit sa sinabi ko kaya hindi ko mapigilang mapatingin dito
"Bakit mo naman gustong lumakas?" Natigilan ako sa tanong ko at ng wala itong makuhang sagot ay tumawa ito ng bahagya at tumungga
"Kung wala kang maisasagot sa simpleng tanong na yan parang niloko mo lang din ang sarili mo, bakit ka nagpapalakas kung wala ka namang layunin kong bakit mo ito ginagawa" aniya
"O baka naman may tinatago ka sa akin" napataas kaagad ako ng tingin upang tingnan siya at nakita ko kaagad na nakatingin sa akin, natawa akong naiilang
"A-ano bang sinasabi mo diyan" sabi ko at tumawa ako ng bahagya at seryoso naman itong tumingin sa akin at sa huli ay napabuntong hininga ito
"Pasensiya ka na madami akong sinabi" aniya at tumawa ito saka tumungga ng alak
"Ang totoo niyan.." napatingin ito sa akin
"Isa akong Earthling" natahimik ito ng saglit bago ito bumalik sa wisyo at uminom uli ng alak
"Bakit wala ka man lang reaksiyon?" Tanong ko sa kaniya
"Wala naman, mali lang kasi ang inaakala ko" napakunot ang noo ko
"Bakit ano bang inaakala mo?"
"Na isa kang prinsipe" malakas akong natawa sa sinabi nito at nakatingin lang naman ito sa akin ng walang emosyon
"Ano tapos ka na, tapos ka nang pagtawanan ako?" Aniya
"Sino naman kasi ang mag-aakala na isa akong prinsipe?" Sa sobrang tawa ko ay halos maluha na ako
"Malay ko ba atsaka ang gamit mong Guardian, ang gintong enerhiya na galing dito ay ang kalimitang mga Guardian Ärms na ginagamit ng mga may dugong bughaw" aniya
"Kaya ka pala gulat na gulat kanina" wala na itong naging imik at tumungga na lang ng alak
Pinagpatuloy na lang namin ang pagchichill at pag-inom ng alak, gabi na pero marami pa ring tao. Mas dumadami pa nga habang lumalalim ang gabi. May mga pagkakataon na napapatingin ako sa mga bagong dumadating dahil napaka intimidating ng presensiya nila. Alam kong hindi basta basta ang lakas ng mga ito. Parang ang bigat lang tuloy kasi halos magtipon sa iisang lugar ang mga malalakas na adventurers sa buong kaharian dito.
"Kung gusto mong lumakas kailangan mo ng malalakas na skills" napatingin ako kay Masagi pero hindi ito nakatingin sa akin
"Yun na nga pero mahirap din yong hanapin" tugon ko at dun lang siya napatingin
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...