TCOA 49

1.8K 132 33
                                    



"Saan niyo balak na pumunta mahal na prinsesa?" Napalingon ang prinsesa sa tagapagsilbi nitong si Amy

"Bakit hindi ka nalang bumalik sa palasyo Amy? Kaya ko naman ang sarili ko kaya wag kang mag-alala" tugon naman nito habang nakangiti

Maganda kasi ang pakiramdam ng prinsesa ngayon sapagkat muli na naman itong nakalabas sa tarangkahan na minsan lang niyang nagagawa dahil hindi ito nakakahanap ng pagkakataon. Sa katunayan ay hindi talaga ito nakapagpaalam at inagahan lang ang pag-alis habang wala pang masiyadong gising sa palasyo, hindi nga niya dapat kasama si Amy ngayon kaya lang nakita siya nito at ng malaman ang binabalak ng prinsesa ay nagpumilit itong sumama.

"Hindi ako babalik mahal na prinsesa, hindi ko kayo hahayaang umalis ng mag-isa atsaka kahit alam kong magaling ka sa pakikipaglaban hindi ko pa rin mapigilang mag-alala" tugon naman ng nauna sa prinsesa ngunit gaya ng dati nakangiti pa rin ito at muling napalingon sa dalagang kasama

"Kung ganun samahan mo ako sa gubat" at kasabay nun ay hinaklit ng prinsesa ang dalaga at mabilis na tumakbo

Nakalabas na kasi sila sa tarangkahan ng Agartha at malaya na silang nakatakbo. Maaga pa lang ay marami na silang nakakasabayang adventurers na nakikita nila na papunta sa iba't ibang direksyon. Hindi mapigilan ng dalaga ang sarili at mapangiti na lang sa sobrang kasiyahan. Ito na ang matagal ng hinihintay ng prinsesa kaya ganito na lang ang naramdaman niyang kasiyahan.

Pumasok sila sa isang gubat at sa bukana pa lang ay hindi na mapigilang mangatog ang tuhod ng dalagang si Amy at napansin naman iyon ni prinsesa kaya hindi na naman nito mapigilang mapangiti.

Binaba ng prinesa ang nakatakip na balabal sa kaniyang ulo at lumapit sa dalagang si Amy, kailan man ay hindi naisip ni Amy na pumasok sa gubat dahil mula pagkabata ay sa palasyo na umikot ang kaniyang buhay matapos maging tagapagsilbi ng kaniyang Ina at sa murang edad pa lang ay naging katuwang na siya nito hanggang sa lumaki na siya at ng mamatay ang kaniyang Ina.

"Mahal na prinsesa bakit po ninyo binaba ang balabal sa ulo ninyo? Baka may makakita sa inyo"

"Wag kang mag-alala Amy" tugon lang ng prinsesa at nagbigay ng matamis na ngiti

"Akin na ang kamay mo" napatingin siya sa prinsesa ngunit hindi agad siya nakaimik kaya naman kinuha na lamang ng prinsesa ang kaniyang kamay at may inilagay doon

"Isang singing?" Nagtaka ang dalaga at napatingin sa prinsesa na gaya ng dati ay nakangiti pa rin habang nakatingin sa kaniya

"Hindi lang iyan basta singsing lang, isa iyang Ärm" wika ng dalaga at mas lalo pang nagtaka ang nauna

"Alam ko po iyon pero bakit niyo po binibigay sa akin ito?" Takang tanong nito

"Isipin mo na lang na isa iyang regalo"

"Masaya akong makatanggap ng regalo mula sa inyo ngunit hindi ko lubos na maintindihan kung para saan ang regalong ito?" Tanong pa nito

"Minsan kana bang gumamit ng Ärm?" Tanong ng prinsesa at mahina namang napatango ang dalaga

"Kung ganun subokan mong lapatan ng enerhiya" utos ng prinsesa sa kaniya at nakita niya itong lumayo ng ilang hakbang mula sa kaniyang harapan at gaya nga ng sabi ng prinsesa ay kaagad niya itong nilapatan ng enerhiya at sa gulat ay napatili ito ng bigla na lang itong naging espada at dahil nga hindi niya iyon inaasahan ay naibagsak niya ito habang hawak hawak, hindi kasi nito inakala na isang mabigat na bagay ang totoong porma ng kaninang hawak na singsing, isang espada na ni minsan ay hindi pa siya nakakahawak

The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon