Nanatiling nakaupo ang Hari sa trono nito gayunpaman ay mapapansin kaagad na malalim ang nilalakbay ng isipan nito lalo pa't sobrang layo ng tingin nito at malaya iyong nakikita ng kaniyang pinagkakatiwalaang kanang kamay na hindi nawawala sa tabi niya, iyon ay si Garrett.
Mas lalo lang siyang nag-alala sa Hari at syempre gayundin sa prinsesa sapagkat bukod sa mga taga kontinente ng Gaspar na narito ngayon sa Agartha ay iniisip din ng Hari ang prinsesang si Erina sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakuwi kahit na pinahanap na niya ito kanina pa at ilang minuto na nga ang lumipas ay hindi pa rin dumarating kaya mas lalo lang nakaramdam ng pag-alala at kaba ang hari dahil baka ano na ang nangyari sa anak nito.
"Mahal na Hari" pagtawag ng pansin ni Garrett at napatingin din naman ito agad kahit na malalim ang iniisip nito
"May problema ba Garrett?" Tanong kaagad nito
"Aalis ho muna ako at personal ng pakiusapan si Heneral Alvarro na ito na mismo ang maghanap ang prinsesa upang hindi na kayo masiyadong mag-alala pa" aniya
"Mabuti nga iyan Garrett" sagot naman ng Hari
"Hindi ko mapigilang mag-alala Garrett lalo pa't dumagdag pa ang batang iyon" segunda pa nito
"Wag kang mag-alala, sisiguradohin kong mahahanap si prinsesa Erina" wika naman ni Garrett
Hindi na nagsalita ang Hari at napatango na lang bilang tugon atsaka naman umalis si Garrett matapos nitong humingi ng pahintulot. Napatingin na lang ang Hari sa papalayong pigura ng kanang kamay hanggang sa tuloyan na itong nawala sa kaniyang paningin matapos nitong lumabas sa malawak na pintuan. Wala ng nagawa ang Hari at napabuntong hininga na lang ng malalim bagama't gusto niyang lumabas at siya mismo ang maghanap sa anak ay hindi naman niya iyon magagawa dahil kailangan niyang manatili sa palasyo dahil kailangan ng lahat ang kaniyang presinsiya at kapag nawala siya ay baka mas gumulo ang kaharian.
Sa ngayon ay aasa na lamang siya sa mga tauhan ng kanilang kaharian at manalangin na lang na sana malayo sa kapahamakan ang anak at malayo sa panganib gayundin ang kaniyang pinamumunuang kaharian at maging ang mga mamamayan habang nakaupo sa kaniyang trono.
.........
Easton
Siya nga si Ryu, hinding hindi ako nagkakamali pero kung tama ang pagkakarinig ko sigurado bang siya ang prinsesa ng Agartha?
Nagtataka man ay minabuti ko na lang na magmasid ng tahimik. Kung siya nga ang prinsesa bakit siya narito? Hindi ba dapat nasa loob lamang siya ng palasyo?
Napatingin ako kay Masagi at nakita kong tahimik pa rin ito sa di inaasahang pagdating ng prinsesa. Sino ba naman kasi mag-aakala na dadating ito? Nasa kalagitnaan kami ng laban at walang pasabi itong sumulpot bigla. Sa sobrang okupado namin ay hindi na namin napansin ang presinsiya nito o baka naman magaling lang talaga ito magtago ng kaniyang presensiya.
Nawala ang ilang segundo pagkagulat ni Igor at napalitan ito ng isang ngisi ng tuloyan nitong makompirma ang taong nasa harapan nito.
"Prinsesa Erina, hindi ko inaasahan ang pagdating mo" sambit ni Igor ngunit tinaas lamang ng prinsesa ang espada nito at tinutok kay Igor
"Hindi mo man lang ba babatiin ang inyong bisita?" segunda pa ni Igor
"Hindi kami tumatanggap ng kahit na sinong bisita galing sa inyong bansa, kailan ma'y hindi namin kayo tatanggapin bilang panauhin kaya'at anong karapatan mong tumapak sa aming lupain?" Sabi sa kaniya ng prinsesa sa marahas na boses

BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasyChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...