"Dagger, tatlong knuts lang" Alok sa akin ng isang matandang lalaki na halos makalbo na ng dahil sa may edad na ito, Ugod ugod na rin ito at ang nakasuporta na lamang sa kaniyang pagtayo ay ang kaniyang tungkod. Gustuhin ko mang bumili ay hindi ko naman magawa ng dahil sa wala akong makitang kahit kaunting salapi sa aking bulsa ng kapain ko ito.
Umiling na lamang ako sa kaniya at muli ay dumeritso na naman ako sa paglalakad. Sa makipot na daan ay madami akong nakitang mga tao na okupado sa pamimili at pag-tingin tingin sa mga kagamitan na naroroon sa gilid na busy ding binebebenta ng mga merchants. Wala akong ka-idedeya ngayon kung ano o nasaang lugar ako pero isa lang ang masasabi ko.
Sobrang Astig.
I'm fond of online games nung nabubuhay pa ako kaya may nalalaman naman ako kahit papaano. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at pilit na nakikipag siksikan sa iba't ibang tao na makikita ang kuryusidad na nakatingin sa akin. Marahil ay dahil ito sa kasuotan ko na sobrang nalalayo sa suot suot nila. Hindi ko na lamang sila pinansin at muli ay dumeritso na lamang ako sa paglalakad ko. Natigilan ako sa paglalakad ng makita ko ang may kalakihang estatwa di kalayuan sa akin. Nasa bukana pa lamang ako kanina papasok sa Centro ng Town ay nakita ko na kaagad yun tas ng makalapit na ako nalaman kong may fountain pala sa ilalim nun. Sa gitna nito ang estatwa ng isang lalaki na may hawak na espada. Mayroong nakasulat sa ilalim nito na hindi ko maintindihan. Mukhang kakaiba ang alpabeto nila ngunit kataka-takang parehas lamang kami ng lenggwahe.
Naupo muna ako sandali at agad na inobserbahan ang mga taong naglalakad. Bukod sa may mga normal na tao na kagaya ko mayroon din akong nakikitang kakaibang uri ng mga tao.
May mga taenga at buntot ng pusa ang mga ito na parang hayop ngunit kapansin pansin na hindi na ito kakaiba sa mga normal na tao na kagaya namin at ang talagang mapapansing pagkakaiba ay ang kulay ng buhok ng bawat isa.
Habang nakaupo ay nakita ko ang isang babae na mabilis na tumatakbo at pumasok sa isang madilim na eskinita. Kasunod naman nito ang dalawang lalaki.
"Hindi pwedeng makuha niya ang bagay na iyon, siguradong papagalitan tayo ni Head Nexus" narinig kong sabi ng lalaki sa kasama pa niyang lalaki
Hindi ko alam ko alam kung bakit o kung anong pumasok sa isip ko pero mabilis agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinundan sila. Nararamdaman ko kasing may hindi magandang mangyayari.
Pumasok ako sa eskinitang pinasukan nila at habang papasok pa lamang ako ay narinig ko kaagad ang malakas na sigaw ng isang babae kaya kaagad akong tumakbo ng mabilis
"Ako ang nakakita ng bagay na ito kaya nararapat lang na sa akin ito mapunta" giit ng babae
"Sa tingin mo hahayaan ka naming mapa saiyo iyan? Siguradong kapag binigay namin iyan sa Familia Head naming si Nexus ay siguradong matutuwa iyon" saad ng lalaki
Nakangisi naman ang kasama niyang lalaki habang parang uhaw na nakatingin sa mahigpit na hawak hawak ng babae. Hindi ko makita ng tuloyan ang hawak ng babae dahil mahigpit niya itong hinahawakan at isa pa ay nababalot ito ng puting tela.
"Hindi ako makakapayag" sigaw ng babae saka mabilis na tinuhod ang lalaki. Napaatras naman ang lalaki at ng makabawi ay masama itong tumingin sa babae.
"Ikaw" sigaw niya saka mabilis na sumugod sa babae ganun din ang kasama nitong lalaki.
Kaagad akong lumapit sa kanila at mabilis na sinuntok ang likod ng lalaki, agad itong napainda at saka napaluhod. Masama namang napatingin sa akin ang kasama niyang lalaki at kaagad na sumugod sa akin papalapit.
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasíaChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...