Nung kasunod na araw hindi kami nakalabas ni Masagi, nanatili kami sa loob ng bahay nila. Sobrang lakas ng ulan, ito na nga ang gumising sa akin kaninang umaga at ngayong tanghali na ay hindi pa rin humuhupa ang ulan. Mas lalo pa ngang lumakas. Nagluto si Masagi sa kusina gusto ko pa nga sanang tumulong pero hindi niya ako pinayagan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana dito sa silid na tinutuloyan ko at dinadama ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Ayoko talaga kapag umuulan, madami akong naalala at lahat ng yun kalungkotan. Halos wala na akong makita dahil sa kapal ng ulan. Nakakapanibago ang araw na ito. Araw araw ba naman kasi akong lumalabas. Isa lang naman kasi ang iniisip ko. Ang magpalakas pa lalo para makabalik na ako. Sigurado akong nag-aalala na sina Ruby at Felix sakin gayundin sina Matias. Wala akong magagawa kung hindi ang gunitain na lang muna ang mga alaala na kasama ko sila, inaamin ko kahit papano ay namimis ko din sila.
Umalis ako mula sa bintana at naupo sa kama at ilang saglit pa ay naisipan ko ding mahiga. Dati rati ayokong tumambay sa kwarto tuwing tanghali kasi sobrang init pero ngayon gusto ko na lang ang mahiga at matulog sa sobrang ginaw dala ng malakas na ulan. Nadala ako sa lamig ng panahon. Yung pakiramdam na parang dinuduyan ka, parang hinihele. Sobrang sarap sa pakiramdam hanggang sa unti unti kong namamalayan na napapapikit na pala ako.
Nagising ako sa ilang magkasunod na katok mula sa labas ng kwarto. Bumangon agad ako, hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero ng mapatingin ako sa labas ng bintana ay ganun pa din umuulan pa din pero hindi na gaano kalakas gaya kanina.
Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Masagi. Gusto ko sana siyang tanongin kung anong oras na pero tinamad ako bigla kaya nanatili na lang akong nakaupo.
"Pasensiya na nagising ata kita, kanina pa naluto ang pananghalian natin. Pasensiya ka na at nauna na akong kumain, hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo" aniya
"Anong oras na ba?" tanong ko
"Alas dos na ng hapun" tumango ako
"Wag kang mag-alala ininit ko na yung sabaw" aniya tas lumabas na kami ng kwarto
"Mukhang hindi ata tayo makakalabas ngayon, hanggang ngayon umuulan pa rin" napahinga ako ng marahan
"Oo nga eh, isipin na lang natin na araw ito ng pahinga natin" at natawa kami ng bahagya
Pagdating sa maliit na kusina sa bahay nina Masagi ay naupo agad ako, si Masagi naman ay dumeritso sa lutoan. Tumayo ako para tulongan siya, kumuha na din ako ng sariling pinggan at kutsara't tinidor. Nilapag ni Masagi ang sabaw na nakasilid sa mangkok sa mesa at niluto niyang karne ng baboy na may kasamang mga gulay. Hindi pamilyar sakin pero ng tikman ko dun na ako may naalalang lasa gaya nito.
"Ang sarap" napangiti lang si Masagi pagkatapos ay naupo ito sa kaharap na upuan ko
May sinalin itong mainit init sa hawak na baso mula sa tsarera. Sa tapang at amoy pa lang alam na alam ko na, kapeng barako.
"May plano ka bang gawin bukas?" tanong niya bigla kaya napatingin uli ako sa kaniya at natigilan mula sa pagkain
"Balak kong ipagpalit ang mga magic crystals na nakuha ko" napatango siya
"Tamang tama at balak ko ding pumunta dun at bibili na din ako ng mga kakailangin dito sa bahay atsaka" natigilan ito saglit
"Bibisita ako kay Mama" aniya ewan ko pero sa mga huling sakitang iyon ay narinig ko ang unti unting paghina ng boses niya pero kahit sinundan niya iyon ng ngiti ay alam kong may iba itong iniisip
"Masagi" napaangat siya ng ulo at napatingin sa akin
"Hmmm?" natigilan ako ng ilang segundo, nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba ang gusto kong itanong sa kaniya na matagal ng bumabagabag sa akin
BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasiChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...