Nang matapos ang nangyaring paligsahan ay dumeritso agad kami ni Masagi sa entablado kung saan nakatayo si Acreo. Kusa ding nagsi-alisan ang ibang mga nanonood kanina na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang natalo si Helios. Laylay ang balikat ng lahat ngvtumaya kay Helios at makikita sa itsura nila ang pagkadismaya lalo ni si Masagi dahil kahit ito ay hindi rin niya inaasahan na matatalo si Helios gayunpaman masaya pa rin ito na nanalo ako sa pustahan gayung dalawang galleon ang tinaya ko.
"Easton" papalapit pa lang ako tinawag na agad ako ni Acreo
Nang tuloyan akong makalapit ay sinalubong kaagad ako nito ng isang malawak na ngiti sa labi at binigay sa akin ang apat kong galleon, napangiti ako ng isilid ko iyon sa sisidlan ko ng aking salapi, kung sineswerte ka nga naman at nadoble pa ang taya ko.
Nang papaalis na kami ni Masagi ay sakto namang pagsulpot ng isang tao na nasa likuran ko kaya naman natumba ito at ng makita ko kung sino ito ay halos mabigla ako pero mas nagtaka ako sa boses nito ng mapadaing ito mula sa pagkakatumba, napatingin ako kay Masagi pero mukhang hindi niya ata narinig base sa itsura nito.
Tinulongan kong tumayo si Ryu at humingi din ako ngbtawad pero hindi ito sumagot man lang at nilagpasan ako, sa likod nito ay may tatlo pang nakabalabal at sumunod din kay Ryu. Tahimik lang akobg namasid hanggang sa kaniya kaniyang ng tatlo na nakabalabal ang napanalunan nila sa pustahan, kung ganun mukhang isa din silang tatlo sa limang tumaya kay Ryu. Nakita kong inilahad ni Acreo kay Ryu ang isang supot ng tela na mukhang premyo nito at napatingin muna ito sa akin ng ilang segundo bago ito umalis pero ang nakapagtataka lang ay ang tatlong nakabalabal din na kagaya niya ay nakasunod din sa kaniya, mukhang mga kasamahan din niya ang tatlo pang nakabalabal.
"Easton ano na? Kanina pa kita tinatawag" napalingon ako kay Masagi ng bigla na lang itong sumulpot sa gilid ko
"Anong nangyari sayo? May problema ba?" Muli akong napalingon sa apat na pigura na papalayo na sa amin
"Si Ryu.." napalingon akong muli kay Masagi
"Anong tungkol kay Ryu?" Aniya
"Isa siyang babae" nakita kong napakunot ng noo si Masagi
"Si Ryu, isang babae? Nagkakamali ka ata Easton"
"Sa galaw nito at sa galing nitong makipaglaban sinasabi mong babae si Ryu? Nahihibang ka na ata Easton" natawa ng bahagya si Masagi ng sinasabi niya ito
"Bakit nakita mo na ba ang itsura niya?" Natigilan si Masagi at hindi nakapagsalita ng ilang segundo
"Hindi pa, pero pano mo nasabing babae siya?"
"Narinig ko ang boses niya" napatingin lang si Masagi sa akin at hindi nagsalita
"Pero hayaan mo na, nagtaka lang naman kasi ako" at nagsimula akong maglakad at sumunod naman sa akin si Masagi
"Pero kong babae nga iyom, sino naman kaya siya?" Naitanong na lang ni Masagi sa kawalan pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na umimik pa
Kung sino man ang mukha sa likod ng katauhan ng Ryu na iyon ay gusto kong malaman, kanina pa lang kasing nakikipaglaban ito ay napapansin ko ng kakaiba ang galaw nito at para bang sobrang maalam talaga nito pagdating sa pakikipaglaban. Gaya nga ng sabi ko, hindi basta basta ang mga adventurers dito sa kaharian ng Agartha.
Hindi ko na alam kung may pupuntahan pa ba kami ni Masagi dahil hapon na din at malapit ng mag takipsilim. Inaya ako ni Masagi sa downtown at bumili kami ng mga gulay at prutas at bukod dun ay bumili din kami ng karne at syempre humati din ako sa bayad dahil nakakahiya naman kasi kay Masagi at nakikitira na nga ako sa kanila at ayaw ko namang isipin nito na isa lamang akong palamunin. Umuwi kami kaagad ni Masagi at papadilim na din, saktong sakto ang dating namin ni Masagi.

BINABASA MO ANG
The Conqueror Of Alkhora [Under Major Revision]
FantasíaChaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the delicate piece of the Haraki Kingdom, and all Familia of Haraki Kingdom must band together or else face total destruction from the Dark sor...