CHAPTER 2 - Match Maker

214 6 0
                                    

Isang linggo ang lumipas, naging okupado si Rafi kasama ang tatlong staff nito at isang mensahero sa mga accounts na kanilang hinahawakan, Apektado ang trabaho niya sa mga ginagawang paghihigpit ng BIR lalo na ang mga bagong policy nito regarding sa computerization and online submission of forms. Tumunog ang kanyang cellphone, ang ate Mara niya.

"Punta ka sa bahay mamayang pagkalabas mo sa office may konting salo-salo sa bahay dumating na kasi ang kuya mo at ipakikilala kita sa friend niya," masayang kwento ng kanyang ate.

Imbis na ma-excite siya sa pagdating ng bayaw ay napasimangot siya sa huling sinabi ng kanyang ate.

"Hello, Rafina, are you still there?"

"Yeah, pero Ate, ayan na naman kayo ni Kuya Boyet, kung sino-sino na naman ang ima-match ninyo sa akin," komento niya.

Narinig niya ang buntong hininga ng kanyang Ate, "Rafi, it's been three years since you have separated from your boyfriend, it's time for you to move on and let go."

"Ate, sino naman ang nagsabi sa iyo na hindi pa ako nakaka move on? Wala lang akong time at interest sa panibagong relasyon."

"Hellooo, at kailan kapa magkakainterest? Hindi mo naman kasi binibigyan nang panahon. You're not getting any younger anyway, 27 years old kana."

"Hmn, palibhasa ikaw 23 kapalang nag-asawa kana,"

"Hay naku, ano namang masama doon, odi sana ikaw ginawa mo rin iyon para hindi na nakawala pa ang boyfriend mo, tuloy napikot."

"Ipaalala pa ba naman sa akin ang nakaraan," pagtataray niyang wika.

"O siya sige, whatever, basta mamayang paglabas mo sa office diretso ka sa bahay."

"Gagabihin ako nang uwi."

"Kahit alas dyes pa iyan, we will wait for you."

"Okay, bahala na."

"Do it, kung hindi, wala kang pasalubong kay Boyet."

"Fine! I'll do it, basta ako pipili ng mga pasalubong ko ah!" Nakangiti siyang naghang-up ng phone at muling ipinokus ang sarili sa trabahong ginagawa.

"Ms. Rafi, si Mrs. Pecson po tumawag at kailangan daw niya kayo ma-meet sa Sunday upang pag-usapan with her attorney yung tungkol sa problema niya sa BIR. Sa bahay daw po nila sa Ortigas," wika ni Wendy isa sa kanyang staff.

Tumango lang si Rafi, anim na buwan na niyang kliyente si Mrs. Pecson sa tancha niya ay nasa 65 na taong gulang na ito at sanay na siya dito, medyo stressful nga lang ang ginang gawa marahil nang simulang siya na ang personal na umaasikaso ng kanilang negosyong naiwan nang yumao nitong asawa, pero mabait naman ito at mahal ang professional fee nitong binibigay, isa ito sa malalaki niyang kliyente.

Hindi pa siya tapos sa mga dapat niyang gawin pero napagpasiyahan na niyang itigil na muna ang kanyang trabaho, tiningnan niya ang wall clock na nakasabit sa dingding. Mag-aalasnuwebe na ng gabi, hanggang alas sais lang naman ang office hours nila. Pero madalas siyang naiiwan sa opisina upang tapusin ang mga dapat gawin at hindi siya matambakan. Nire-review kasi niya isa-isa ang mga reports na gawa ng kanyang mga staff bago pirmahan at isumite sa ahensiyang dapat ipagsumitihin, mahirap na, pangalan niya ang nakapirma doon at baka magkamali siya at lisensya niya ang maapektuhan. Isa pa, dapat lang siyang agad pumunta sa bahay ng kapatid para hindi siya gabihin nang uwi. Sa Caloocan nakatira ang kapatid at siya naman ay sa Valenzuela. Tamang-tama ang oras ng kanyang labas marahil ay wala nang mabigat na traffic sa Mindanao Avenue, dito kasi ang opisina niya. Alas nueve imedya na nang makarating siya sa bahay ng kanyang ate.

"Halika, at andito sila," masayang hatak ng kanyang ate sa kanya nang dumating siya.

Kasama ng kanyang kuya Boyet ang tinutukoy na bisita. Bumati siya sa kanyang Kuya Boyet.

"Gumaganda ata ang sister-in-law ko ah," papuri sa kanya ni Boyet saka ibinaling ang atensyon sa kaibigang nakatingin kay Rafi. "This is Nixon. And Nixon, my sister-in-law, Rafina," nakangiting pakilala niya sa dalawa.

Inabot ni Nixon ang kamay kay Rafi. "Hi, nice meeting you," nakangiting bati ni Nixon sa dalaga.

Alanganing inabot din ni Rafi ang kamay sa lalaki, "thanks, same to you," nakangiting sabi ng dalaga.

"I told you, Pare, my sister in law is beautiful," pagbibida ni Boyet.

Ngumiti ng makahulugan si Nixon.

"Wow, at least you admitted it ah," may pang-aasar na komento ni Rafi sa sinabi ng bayaw.

"Beautiful like her Ate," nakangising wika ni Boyet, "hindi pa kasi ako tapos feeling na," panlalaglag nitong dugtong.

Sinimangutan siya ni Rafi na ikinatawa naman nilang andun.

"Pasensiya kana sa dalawang iyan Nixon, ganyan lang talaga mag-inisan ang dalawang iyan," wika ni Mara na nakatingin kay Nixon.

Ngumiti naman kasabay nang nakakaintinding tango si Nixon. Hinayaan sila ng mag-asawa na magkakwentuhan mataos ang ilang sandali.

"Matagal kana bang kakilala ni Kuya Boyet?"

"Yup, simula nagtrabaho kami sa hotel magkasama na kami. Ayun nga at lagi niyang naikukuwento ang family niya. At madalas ka rin nyang nababanggit."

"Si Kuya Boyet talaga, madalas lagi ako nyan inaasar."

"Sabi nga nya close kyo."

"Oo nga."

"So kamusta naman ang trabaho mo?"

"Ganoon parin naman, laging busy lalo na kapag ganitong year end. Lagi overtime."

"Tila masyado ka ngang busy sa career mo, at gaya ng naikwento ni Boyet, simula nang nagkalabuan kyo ng ex mo hindi kana nagka-time sa lovelife mo."

"Wow ah, mukhang naibenta na ako ng husto sa iyo ni Kuya Boyet, ano?"

"Hindi naman. Nagka-interest lang ako sa story mo nang mabanggit ka nya kaya kinukulit ko lagi." Straight to the point na wika nito.

"Ano naman ang nakaka-interest doon? Na napikot ang boyfriend ko?"

"Hindi naman, what I mean is.........."

"..........never mind, I understand anyway," putol agad ng dalaga sa sasabihin nang kausap.

"I'm sorry, it is not about the story behind, but the person who owns the story."

"The story was done way back then, things have nothing to do with me anyway. I already overcome the pains. Sabi nga, past is past."

"Yeah, nakikita ko nga, you are not even affected by it, even it was mentioned."

Ngumiti si Rafi, saka tinantiya ang kalooban kung wala na nga ang inindang sakit noon. O, wala lang siya sa mood na damhin ang sakit?

"Gusto kong makilala pa kita nang malalim, I hope you don't mind," wika ni Nixon.

Napabaling si Rafi sa kausap, hindi naman ito nagkait at pinagbigyan ang bagong kakilala, nakipagkuwentuhan pa ito nang matagal kay Nixon hanggang umabot ng alas onse ng gabi. Tungkol lang naman sa trabaho ng bawat isa ang napagkuwentuhan nilang dalawa. Kinalaunan ay nauna nang nagpaalam si Nixon. Si Rafi naman ay nakipagkulitan muna sa ate at kuya niya tungkol sa mga pasalubong.

Pasado alas dose na nang makauwi siya ng bahay. As usual wala naman siyang dadatnan sa sariling bahay at sanay na siya dito, mas gusto nga niya iyon atleast kahit pati sa bahay niya ay makakagawa siya ng mga trabaho sa opisina na madalas naman niyang gawin na mag-uwi ng mga trabaho.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon