CHAPTER 19 - Walk away

106 4 2
                                    

Limang araw na siyang nasa lugar na iyon, ang lugar kung saan siya nagtago at nabuhay malayo sa mga taong kakilala niya. Isang transient house na tinirahan niya noon, malapit sa ilang beach na naging libangan niyang tambayan. Ipinagpasalamat niya at bakante itong muli ng kanyang rentahan. Natatandaan pa siya ng matandang landlady niya dahil dalawang taon din siyang naglagi dito noon.

"Parang tanga lang, andito muli ako dahil sa parehong sitwasyon. Heartbreak. Bakit ba kasi hindi pa nadala? Ang sakit na naranasan ko kay Vince noon ay may dahilan, ngunit ang ngayon ay walang kahit na katiting na dahilan dahil malinaw namang walang kami. Isa pa, may boyfriend naman ako, bakit kailangang sa iba ako mabaling? Stupid heart!" Naisip niya habang nagpapahangin sa mataas na bahagi ng burol sa isang probinsiya ng Samar. Iniwan niya sa isang park and fly ang kanyang sasakyan nang magtungo siya dito. Simula ng muli niyang balikan ang lugar na ito ay lagi na lamang siyang dito nagpapalipas ng oras. Nakaupo sa isang malaking bato sa ilalim ng isang malilim na puno habang tanaw ang magandang tanawin sa ibaba na isang dalampasigan.

"Hi," bati sa kanya ng isang babaeng halos kasing edad lamang niya, may kaliitan ang babae at katamtaman ang pagka-chubby. Naupo ito sa isang kahanay na bato na kinauupuan ni Rafi. Napabaling si Rafi sa babae, bahagya niya itong nginitian. Hindi niya alam saan galing ang babae at bago ito sa kanyang paningin.

"Dalawang Linggo na akong umuupa sa katabing transient house at simula dumating ka, napansin na kitang laging dito tumatambay mag-isa at napakalalim ng iniisip. Hindi naman sa may pagkatsimosa ako, pero gusto ko lang linawin, bago ka mag-isip ng ibang bagay tungkol sa akin, curious lang ako, at ang curious at tsimosa ay magka-iba kahit tingnan mo pa sa dictionary," paliwanang nito.

Natawa si Rafi pero agad niyang pinigilan, mukha namang mabait ang babae at friendly.

"At dahil curious nga ako, nakipagchikahan ako ng bahagya sa landlady mo at ang sabi ganyan ka naman daw sa tuwing babalik ka at mangungupahan sa kanya. Mag-isa lagi at malalim ang iniisip, noon nga daw ay panay ang iyak mo at lagi ka lang nakakulong sa kuwarto mo. At medyo naichikka na rin naman niya ng konti ang alam niya tungkol sa iyo. Atin-atin lang ito ah, huwag mong babanggitin sa kanyang naikuwento ka niya sa akin. Actually, hindi ko naman siya pinilit, sadyang magaling lang akong mangumbinsi kapag may gusto akong malaman," saka pa ito ngumiti.

Napakunot noo si Rafi at medyo natatawa siya sa mga banat ng kausap.

"By the way, bago ako makipagkuwentuhan sa iyo. Gusto ko munang magpakilala, ako si Jenelyn, Jen ang tawag nila sa akin, pero mas gusto kong tawagin mo akong Mrs. Cruz," saka pa ito ngumisi.

"Ah, may asawa kana pala," napatangong komento ni Rafi.

"Wala pa. Pero hopefully and wishfully, magiging Mrs. Cruz ako someday. Na alam ko namang malayong mangyari. Wishful thinking lamang talaga ako. Alam mo iyon, habang nabubuhay may pag-asa at walang imposible naman doon hindi ba?"

"Medyo naguguluhan ako, bakit Mrs. Cruz? Kung hindi ka naman pala kasal? Or I mean wala pang asawa?"

"Hay naku mahabang kuwento, kasi mayroon akong super crush, actually, hindi na ata crush lang, love ko na marahil. Kaso, walang chance na maging kami dahil hindi naman niya ako kilala, tagahanga lamang niya ako."

"Uh?"

"Never mind the mind!" Biro nito. "Ang sa iyo ang pag-usapan natin. Sabi ko nga curious lang ako. Atsaka nakakabawas sa bigat ng nararamdaman mo kung magkukuwento ka sa iba at maibahagi mo ang sakit na pinagdadaanan mo," dugtong pa.

Sumersoyo ang dalaga at tumingin sa malayo matapos humugot ng buntong hininga, naisip kasi niya muli si Raffy, ganoon din ang sinabi sa kaniya noon, na pinagsimulan ng pagiging close nila.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon