CHAPTER 15 - Exposed

164 2 2
                                        

Nagmamadaling lumabas ng sasakyan niya si Rafi pagka-park sa international airport parking area, nagkasundo kasi sila ni Nixon na magkita nalang sila doon. Ngayong araw ang flight ng nobyo para sa pagbabalik trabaho.

Nakangiti siyang sinalubong ni Nixon at niyakap nang mahigpit.

"Pasensiya na, akala ko hindi na ako aabot, napaka-traffic kasi lalo ang papasok dito," wika ni Rafi ng bahagya silang maglayo.

"So, this is it," malungkot na wika ni Nixon kahit na nakangiti ito.

"Hey, magkikita pa naman tayo eh."

"Alam ko, pero matagal ang two years, mahirap ang long distance affair, iyon ngang pareho tayong andito...." sinadyang hindi ituloy ni Nixon ang sasabihin.

"Just keep in touch," nakangiting wika ni Rafi.

"Kung pupuwede sana kitang isama nalang so that I can contain you."

Kumunot ang noo ni Rafi. "Alam mong hindi puwede."

Pareho silang napatingin sa paligid nang marinig nila ang tawag ng boarding flight ni Nixon.

"Finally," malungkot na wika ni Nixon at muling niyakap nang mahigpit si Rafi.

"Take care. Tawag ka agad kapag nakarating kana, have a safe trip. Ikamusta mo ako kay Kuya Boyet," medyo nakakadama nang lungkot si Rafi.

"Sana pagbalik ko mayroon pa akong babalikan," wika ni Nixon at dinulutan nang halik sa labi si Rafi saka inabot sa kanya ang kanina pang hawak na newspaper.

"What is this? Are you not going to bring it so that you can read it while on board?" Takang tanong nito sa nobyo.

"I'm done reading it. Bye," nakangiting wika ni Nixon kahit na pilit at puno nang lungkot. Matapos titigan niya nang matagal sa Rafi ay tumalikod nang umalis bitbit ang gamit ng hindi na lumingon pa.

Napabuntong hininga na tinanaw na lamang ni Rafi ang nobyong pumasok na sa boarding area at saka lang itinuon ang paningin sa hawak na dyaryo. Nakatupi ang dyaryo at nang buksan niya ito ay nasa business and entertainment section. Napalaki ang mata niya at nag-alala nang marami nang makita niya ang larawang nakapasan siya kay Raffy at ang mga ngiti nila ay hindi mabibili, ang tagpo ay noong naglalaro sila nang running race sa beach.

Raphael Sandoval with her mysterious lady again!- Iyon ang nakasulat na pamagat ng section na iyon. At kung noon ay nakatalikod siya, ngayon ay lantad na lantad ang kanyang mukha sa larawan. Nag-aalalang napatingin siya sa pinasukan ni Nixon, gusto niya itong habulin upang magpaliwanag subalit alam niyang wala na siyang magagawa pa, kaya pala ganoon kung magsalita ito sa kanya kanina.

"Bakit hindi mo man lamang ako tinanong or kinompronta? Mali ang iniisip mo," mahina niyang sabi at muling tiningnan ang hawak na dyaryo. "Anong gagawin ko? Alam kong galit siya," muling naibulong sa sarili. Maya-maya ay napatingin siya sa paligid, nailang siya bigla, pakiramdam niya ay siya ang tinitingnan ng lahat sa paligid at pinag-uusapan. "Shocks nakakaparanoid!" Muling sambit at pasimpleng tinakpan ang mukha ng dyaryong hawak at nagmadali siyang bumalik sa kanyang sasakyan sa may parking area at umalis na doon. Nagmaneho siyang hindi alam ang patutunguhan, basta gusto lamang niyang makalayo doon.

"Nixon, ano ba ang nasa isip mo sa mga sandaling ito? Bakit naniniwala ka kaagad sa mga nakasulat at larawang nakita mo? Alam kong hindi kita masisisi, pero sa maniwala ka't hindi, maling-mali ang iniisip mo at nabasa," wika niya na akala mo ay nasa tabi lamang niya ang nobyo. "Marahil ang tungkol kay Vince ay posible mo pang ikagalit, pero ang kay Raffy, nagkakamali ka," napapabilis ang takbo ng kanyang pagmamaneho. Hindi niya alam kung ano ang magiging damdamin sa kaso nila ni Nixon. Pero nag-aalala siyang sobra, dahil alam niyang nasaktan niya si Nixon.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon