Imbis na sa bahay niya siya magpahatid kay Raffy, nagpahatid siya sa bahay ng kanyang Ate Mara kahit gabi na. Kanina pa kasi siya walang tigil na minimiss calls ng kanyang Ate at tinadtad ng text messages na pinapatuloy siya sa kanila dahil may importanteng sasabihin daw ito sa kanya. At kahit na alam niyang madalas ay exaggerated ang kanyang Ate, madalas din naman ay totoong importante ang sasabihin nito. At hindi rin naman siya titigilan nito.
"Raffy, pasensiya na, pero hindi kita puwedeng patuluyin sa loob, baka himatayin si Ate kapag nakitang kasama kita," nangingiti niyang sabi sa binata nang ihinto ang sasakyan nito.
Napakunot noo si Rafffy. "What do you mean? Ganoon ba ako nakakatakot upang himatayin siya?"
"Nope, ganoon ka ka-iressistable," nagbibirong wika ni Rafi.
Naningkit ang mga mata ni Raffy sa sinabi ni Rafi. "Really? Do you find me one?" Saka pa ito nagpacharming sa dalaga.
"Naku, sineryoso naman ang biro ko."
"So, what's up now?" Medyo sumeryoso ang binata.
"Tapusin mo muna ang problema mo, ayokong makidagdag sa issue. Saka tayo mag-usap at ayokong muling maheadline kasama mo."
"I am thinking of that too. Just wait and after all this, I get back to you and let's make ours an official."
Ngumiti ang dalaga.
"So, how do you go home after here?"
"Ako na ang bahala sa sarili ko, malaki na ako at huwag mo akong inaalala pa," naiiling muli na wika ni Rafi at hindi niya inaasahang mabilis siyang hinalikan ng binata sa pisngi.
"Good night. You made all my worries lighted," nakangiti niyang sabi. Nakita niyang nagblush si Rafi. "Hey, feeling sixteen?" Tukso niya dito.
Kinurot siya sa tagiliran ni Rafi. "That is your last move on stealing a kiss with me," namumula paring nahihiyang wika ni Rafi.
"Ouch! Bakit, bawal ba?"
"Tse! Ewan ko sa iyo," kinikilig na wika nito saka bumaba na ng sasakyan. "Take care."
"Thanks, and take care too. By the way, I like your new look, you get even beautiful with that hairstyle," masayang sabi nito saka na pinaandar ang sasakyan.
Nakangiting nakatanaw lamang si Rafi sa palayong sasakyan ng binata. Kinikilig siya nang sobra. Hindi mapawi ang ngiti ni Rafi hanggang sa pagpasok niya sa loob ng bahay ng kanyang Ate at nang pagbukas ng pintuan, biglang naglaho ang kanyang ngiti at napalitan nang pagkagulat at pangamba nang tumambad sa kanyang paningin kung sino ang kausap ng kanyang Ate na nakaupo sa sala
"Nixon!" Halos hindi lumabas sa kanyang bibig ang pangalan nito.
Nang makita siya ng binata at napatayo ito at nakangiting lumapit sa kanya ay hindi nakagalaw sa kanyang kinatatayuan si Rafi, pakiramdam niya ay nadikit ang kanyang mga paa sa semento. Mahigpit siyang niyakap ni Nixon.
"I'm sorry to make you worry for not having any connection with you since I left. I doubted you with what I had read in the news. Pero naikuwento na lahat ni Ate Mara mo ang mga pangyayari kaya't hindi mo na kailangang magpaliwanag pa. I will make it up to you," wika nito habang nakayakap parin sa dalaga.
"So iwanan ko na muna kayo at nang makapag-usap," wika ni Mara na siyang pagluwag naman ng yakap ni Nixon sa kanya.
Tinanguan lamang ito ni Nixon at muling bumaling sa dalaga na ang mukha ay puno ng mga tanong at pag-aalala. Hindi siya makapaniwalang totoo ngang andito na si Nixon at binalikan siya, at hindi na isang panaginip lamang.

BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...