Sunday, 7:30 nang umaga. Nakatatlong ikot na si Rafi sa paikot na limang hektaryang sementadong espasyo para sa mga joggers at bikers sa isang complex. Despite the hectic work, kailangan niya ng kahit minsan man lang sa isang linggo ang ehersisyo dahil ayaw niyang tumaba ng dahil sa stress at maghapong pag-upo at pagkaing wala sa oras. Sabi nga nila, isa sa sign of aging ang pagtaba kaya't gusto niyang mapanatili ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Pang four times na niyang nagdya-jogging dito. Three Saturdays and today, Sunday. Nagkaroon kasi siya ng biglaang appointment sa kanyang kliyente kaya hindi siya nakapag-jog kahapon. May sarili siyang maliit na Accounting Firm sa Quezon City.
Napagod siya sa kaka-jog kaya naglakad muna siya. Nakuha ang atensiyon niya ng isang lalaking jogger na nag-overtake sa kanya dahil sa nalanghap niyang nakahahalinang amoy nang mamahaling pabango mula dito. Tancha niya ay nasa 185 centimeter mahigit ang taas, maganda ang pangangatawan makinis ang balat na medyo maputi. Maganda ang tindig. Naka-shorts na pang-jogging at white cotton shirt lang naman pero ang neat nyang tingnan kahit pa medyo pawisan na ito at bumagay rin ang tila mamahaling suot na running shoes. Clean cut ang gupit ng buhok nito sa palagay nya ay matanda lang ito ng dalawa hanggang tatlong taon sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng interest sa lalaki. Gusto niyang makita ang mukha nito kaya't binilisan niya ang pag-jogging upang maabutan ito. Subalit nakuha na n'yang mahapo at sumakit ang binti ay hindi niya magawang ma-overtake ang lalaki kaya't minabuti na lamang nitong maupo muna at hintaying makaikot at makabalik ulit sa kanyang kinaroronan upang makita ang mukha nito. Ilang minuto rin siyang naghintay at maya-maya pa ay natanawan na niya ang mga joggers na kapanabayan kanina. Mga singkwentang hakbang ang layo sa kanyan nang padating na lalaki mula sa kanyang kinaupuan, nakita niya ang mukha nito.
Hindi siya nagkamali nang hinala, guwapo nga ang lalaki at napakakisig nito. Bakat ang magandang hubog ng katawan sa kanyang pawisang shirt na humahapit sa kanyang katawan. Nang malapit na ito sa kanya ay tumayo na siya at nagsimula na siyang maglakad at maya-maya ay nag-jog nang paunti-unti hanggang sa makasabayan na niya ang lalaki.
"Gosh! Ano ba itong ginagawa ko? Parang tanga lang." Pinagalitan niya ang sarili habang patuloy na nagdya-jog. Alam niyang nasa likuran na niya ang lalaki.
Nagpatuloy siya sa pagdya-jog ng may kaunting consciousness, subalit muli ay na-overtake na naman siya nito. Napabuntong hininga sya.
"Kainis, kebilis tumakbo" Nanghihinayang na sambit nito.
Maya – maya pa hindi na niya matanaw ang lalaki. Tutal naka pang limang ikot na siya kaya't nagpasiya siyang bumalik na sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Papunta palang siya ay natanaw na niya ang lalaking pinagkakainteresan na nasa may sasakyang katabi ng kanyang kotse. Isang high-end SUV na kulay itim. Napahinto siya nang makita niyang naghubad ng shirt niya ang lalaki, napanganga siya sa kanyang nakita. Totoo pala ang kanyang mga nababasa sa mga kwento noong teenager pa lamang siya. Totoo palang nangyayari paminsan-minsan ang humanga at ma-captured ang attention sa katawan ng isang lalaki ang isang babae. Matapos magpalit ng kulay abong shirt ang lalaki ay tinungga nito ang boteng may tubig at habang ginagawa iyon ay napadako ang tingin niya sa nakamasid sa kanyang si Rafi.
Dahil nakita ni Rafi ang pagdako nang tingin sa kanya ng lalaki ay mabilis itong nagbaba nang paningin at mabilis na humakbang dahilan upang matapilok ito. Sa nangyaring iyon, umaktong dadaluhan sana siya ng lalaki subalit sumenyas na lang si Rafi na ayos lang siya. Dahan-dahan itong humakbang palapit sa kanyang kotse upang makasandal. Dahan-dahan niya itong inikot upang kahit papano ay mawala ang tila pagkakaipit ng kanyang ugat. Nakamasid lamang ang lalaki sa kanyang ginagawa at maya-maya nang matantiya nitong okay naman na ang dalaga ay sumakay na ito sa kanyang sasakyan.
Nauna na itong umalis sa kanya.
"Mali ata, dapat ata lalo pa akong nagpaika-ika para nilapitan niya ako." Pilyong naisip ni Rafi. Tumunog ang kanyang cellphone, tawag mula kay Mila, ang kanyang tagapaglinis, tuwing sabado ay maghapong naglilinis si Mila sa kanyang bahay saka umuuwi na lang kinagabihan.
"Ate, andito si ate Mara kasama ang dalawang pamangkin mo, dito daw sila magnananghalian."
"Sige mag-luto kana lang ng Kare-kare para sa tanghalian natin. Pauwi narin ako."
Pag-uwi niya agad sumalubong sa kanya ang dalawang pamangkin. Sila Zack at April, magkasunod ang edad ng mga ito, limang taon si April at anim na taon naman si Zack.
Iwinawagayway sa ere ni Mara ang tatlong CD na hawak nito. "I have three CD's, mag movie marathon tayo." Saka ito kumawit sa kapatid.
Ulila na silang dalawa nang kanyang ate. Maagang namatay ang kanilang mga magulang limang taon na ang nakakalipas. Kaya sila close sa isa't-isa, sila lang dalawa ang nagdamayan nang mamatay ang mga ito.
"Next week na ang uwi nang kuya Boyet mo," masayang balita ni Mara sa kapatid habang kumakain. Ang asawa niya ang tinutukoy nito, nagtatrabaho kasi ito sa Sydney bilang isang Hotel Manager.
"Talaga! Namimiss ko na rin si Kuya, sabihin mo ang pasalubong ko ah. Branded na bags, t-shirts, sneakers at maraming chocolates," magiliw na wika ni Rafi.
"Walang problema, actually nabili na nya lahat ng mga request mo. Nakaimpake narin siya," balita nito.
"Naku nae-excite naman ako sa pag-uwi ni Kuya Boyet!" Wika nito saka ngumiti.
"I know, at dahil iyon sa dala niyang pasalubong para sa iyo," saka siya inirapan ng kapatid.
Maluwang na ngiti ang isinagot niya saka nagpa-cute sa ate.
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...