CHAPTER 4 - At the jogging site

169 5 0
                                    

Sunday, nakapangatlong ikot na siya, nauhaw kaya bumalik muna sa kanyang kotse upang kunin ang kanyang dalang bottled water. Napansin niyang may dalawang magkasunod na sasakyang pumarada sa tabi nang kinapaparadahan ng kaniyang sasakyan. Pamilyar sa kanya ang high-end vehicle na kulay itim. Bumaba ang sakay.

"It's the stunning guy named Raphael Sandoval," nabigkas sa sarili ni Rafi habang may kaunting kilig siyang naramdaman nang makita ito.

Nakipagkamay si Raffy sa kaibigang nakasakay sa kapanabayan niyang sasakyan. "Jeff! How are you, bro?" Masayang bati ni Raphael.

"Ayos bro, it's a successful one, we got the contract and we are now the official distributor of their disposable utensils products," pagmamalaki ni Jeff. Si Jeff ay matalik niyang kaibigan at assistant at the same time, galing lang ito ng Taiwan at doon nakipag-negotiate sa mga hotel companies at groceries para i-market ang kanilang produkto.

Inabot nito ang mga naka-envelope na papeles kay Raphael. Inihagis ni Raphael sa loob ng sasakyan ang mga papeles. "Hindi mo man lang ba babasahin or titingnan?" Kunot noong komento ni Jeff. "Pagdating ko na lang sa house. Let's go," saka na nagsimulang lumakad si Raphael.

"Wait," si Jeff saka lumakad palayo sa kaibigan ng mapansin si Rafi na nakaagapay nila sa paglalakad.

Kasalukuyang ipinagpatuloy ang pagdya-jogging ni Rafi, Hindi niya planong maunang bumati kay Raphael Sandoval, kung sakaling makita siya nito. Magpa-pride siya nang kaunti.

"Hi, Miss, I am Jeff. Would you mind if I ask for your name?" Harang sa kanya ni Jeff. Nahinto naman ang dalaga. Tipid na ngiti lang ang response sa kanya ni Rafi saka ito naglakad nang papalayo kay Jeff. Sumunod naman sa kanya si Jeff at sumabay sa kanyang pagjogging. Nasa likuran naman nila si Raphael at maya-maya nag-over take na sa kanila.

Ikinadismaya ito ng dalaga. "Ni hindi man lang nya ako binati. Or malamang hindi na niya ako matandaan," naiwika sa sarili ni Rafi.

"Madalas ka ba dito?" Muling tanong sa kanya ni Jeff. Tinanggal ni Rafi ang isang earphone na nakapasak sa kabilang tenga upang marinig ang sinasabi ni Jeff. Inulit ito ni Jeff. Tanging tango lamang ang sagot ng dalaga.

Napansin ni Raphael na tila nahihirapan ang kaibigan sa pagdiskarte sa babae kaya't nagpasya siyang bagalan ang takbo upang kahit papano ay matulungan ito. Nilingon niya ang dalawa, napansin nya ang mukha ng babaeng dinidiskartehan ni Jeff, na parang nakita na niya ito at pamilyar sa kanya.

"Hi, have we met before?" Nakangiting approach nito sa dalaga nang makapanabayan na niya ang dalawa.

Tinignan siya ni Rafi. "Hmn, kainis ka di mo talaga ako matandaan," sa isip ng dalaga.

"Maybe just like the other joggers that we encounter sometimes," sagot ni Rafi, out of frustration.

Tumango-tango si Raphael. Nagring ang cellphone ni Rafi at sumenyas ito sa dalawa na sasagutin ang tawag. Kaya imbis na mag-jog ang dalaga ay lumakad na lamang muna ito. Kaya nauna na sa pagtakbo ang magkaibigan.

"Saludo ako sa style mo bro. Matindi. Nung ako ang nagtatanong halos hindi sumagot nung sayo isang sentence ang isinagot." Sabay siko sa kanya ni Jeff.

Napangiti si Raffy. "Hina mo kasi," wika nito saka binilisan ang jogging at humabol nalang si Jeff sa kanya.

Samantala, si Rafi.

"Tinext ka daw ni Nixon di ka nagreply." Tawag mula kay Mara.

"Hindi ko narinig ang text. Bakit naman daw?"

"Aayain ka daw mag-dinner tonight."

"I'll text him na lang my answer."

"Okay, but mind you, don't ever think of turning him down."

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon