"Tita come on let's play volleyball," aya ng kanyang mga pamangkin. Nakatanaw siya kasalukuyan sa view ng dagat mula sa cottage na kanilang tinutuluyan, nakasuot na siya ng one piece bathing suit na ang pagka backless ay hanggang hips saka siya naka maiksing neon green linen short. Para sa kanya ay daring na iyon, kahit maganda ang hubog ng kanyang katawan ay hindi ito dahilan upang ipangalandakan sa madla.
"Sige, do you have a ball?" Nakangiti niyang tanong.
"Yeah, here," wika ni Zack saka ipinakita ang hawak na bola.
"Come on Tita, habang hindi pa mainit ang sikat ng araw," si April.
Patakbo silang gumawi sa may tabi ng beach at nagsimulang maghagisan ng bola. Maya-maya lang ay sumali si Mara sa kanila. Ilang sandali lang ay tinawag na sila ni Boyet upang kumain dahil luto na ang iniihaw nila ni Nixon. Halos sabay-sabay na nagtakbuhan ang mag-iina. Habang si Rafi ay marahan lang na lumakad.
Isinalubong sa kanya ni Nixon ang platong may laman ng inihaw at kanin.
"Thanks," nakangiti nitong sabi ng abutin niya.
"Wow sweet! Hon, bakit naman ako hindi mo inabutan nang ganun," paglalambing ni Mara sa asawa ng makita ang ginawa ni Nixon.
"Pasensya na Hon, mga bata muna ha," sagot ni Boyet saka pa nagtawa at hinampas naman siya nang mahina ni Mara. Nagkatawanan sila.
"Salamat ah," wika ni Nixon mula sa kanyang likuran. Nakatayo kasalukuyan si Rafi malapit sa beach habang pinapanood ang mag-anak na masayang lumalangoy sa tubig matapos magpahinga pagkakain.
"Saan?" Binalingan niya nang tingin si Nixon, naka shorts na ito hanggang tuhod at topless.
"Sa pagsama mo."
"Ahhh, okay lang, hindi naman ako mananalo sa mag-asawang iyan eh."
"Ganun ba? Akala ko sumama ka dahil sa akin," medyo dismayadong sabi ni Nixon, mahina pero sapat lang na marinig ni Rafi.
"Of course, kasama na ang kakulitan mo dun," bahagyang ngumiti si Rafi, ayaw niyang makasira ng mood ng isang tao.
Ngumiti si Nixon, halatang medyo na satisfied sa sagot niya. "Jetski tayo?" Aya ni Nixon.
"Ha? Pero hindi ba delikado iyon? Natatakot ako eh," pagdadalawang isip ni Rafi.
"Don't worry, I am with you," matamis ang ngiting wika ni Nixon.
Nakahiyaan naman ng dalaga ang tumangi, isa pa, gusto din niyang masubukan. Ilang sandali pa ay sakay na sila ni Nixon ng jetski, todo kapit siya sa baywang ng binata, natatakot siyang malaglag sa tubig, kahit pa marunong siyang lumangoy, iniisip palang niyang malalim ang parteng babagsakan niya ay kinakabahan na siya, baka hindi kayanin ng powers niya ang paglangoy sa malalim na parte ng dagat. Bandang huli ay na-enjoy naman niya nang sobra ang pagje-jetski nila at hindi pa doon natapos dahil nagtry din silang sumakay ng banana boat.
Napansin niyang masayang kasama si Nixon at gentleman ito, bukod pa sa maasikaso sa kanya.
"O nakatulog na ba ang mga bata?" Tanong ni Boyet sa asawa nang maupo sa tabi niya. Kasalukuyan silang nakaupo pabilog sa harapan ng bonfire na malapit sa dagat. Pinatulog kasi muna ni Mara ang mga anak dahil naghihikab na ang mga ito.
"Oo masarap nga ang tulog," nakangiting sagot ni Mara
"Maghapon ba namang nagbabad sa tubig eh kaya napagod," nakangiting komento ni Rafi.
"Mukha naman silang nag-enjoy," nakangiti ring puna ni Nixon.
"Oo nga, ako nga rin naiidlip na sana kaso nanghihinayang naman ako na palagpasin ang moment na narito tayo. Sunday na bukas at uuwi na tayo kaya gusto kong sulitin," si Mara.
"Halika, maglakad-lakad tayo sa baybayin para masulit mo ang view at diretso na tayong tumuloy sa cottage upang magpahinga," Aya ni Boyet sa asawa saka tumayo at inalalayan ang asawa sa pagtayo.
"Sure, I like that idea," nakangiting sang-ayon nito at pinagpag ang damit sa tapat ng pang-upo. "O iwan na muna namin kayong dalawa para magka-moment din kayo," tukso ni Mara sa dalawang nakatingala sa kanila.
"Oo nga, pagbutihan mo Nix. Goodluck," nakangiti ring tukso ni Boyet kay Nixon.
Nakangiting tinanguan lamang sila ng dalawa. Ikinalkal sa apoy ni Nixon ang hawak na stick upang mapanatili ang liyab nito.
"Nag-enjoy kaba?" Tanong nito kay Rafi habang ginagawa iyon. Napatingin naman sa kanya ang dalaga mula sa panonood sa ginagawa ni Nixon.
"Oo naman."
"Noong nasa Sydney kami at ikinukuwento ka ni Boyet sa akin natatawa lang ako sa kanya. Pero nang makita na kita ng personal mas lalo ako nagkainterest sa iyo lalo ngayong unti-unti kitang nakikilala," seryosong wika nito saka tumingin kay Rafi.
Ibinalik naman ni Rafi ang tingin sa apoy. Pumulot din siya ng isang stick na malapit sa kanya at sinundot-sundot sa mga gatong.
"I like your being simple," muling wika ni Nixon. "Sana okay lang sa iyo if I pursue you."
"Look, you're staying on the other part of the earth at ganun din ako. Do you think it will work?" Patanong na sagot ni Rafi ng hindi tumitingin sa kausap.
"Hey, what is the use of new technology?"
"I know, pero iba pa rin ang nakakasama mo ang tao hindi ba?"
"So dahil doon kaya you easily turn me down?" Malungkot na tanong ni Nixon.
Hindi kumibo si Rafi, patuloy pa rin ang tingin sa ginagawa niyang paglalaro ng stick sa apoy.
"Why don't you give us a chance? Why we cannot try it?" Samo ni Nixon na nakatingin sa dalaga.
Bumuntong hininga si Rafi.
"Hindi naman masama hindi ba? If it doesn't work anyway, we can have it cool off."
Napatingin ang dalaga sa kausap na nakatitig sa kanya.
"Okay, just give me time to think about it," medyo nagdadalawang isip nitong sagot na ikinatuwa naman ng binata.
"Thanks. I'll make it sure na magugustuhan mo ako."
Ngiti lang ang sagot ni Rafi, sa kabila ng kanyang isip, alam niyang masyado na siyang unfair sa sarili kung patuloy pa nitong ilalayo ang sarili para sa panibagong relasyon makalipas ang tatlong taon.
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...