CHAPTER 20 - Must be strong

108 3 3
                                    

Kanina pa siya nakabalik sa kanyang tinutuluyan, at kanina parin siya iyak ng iyak.

"Nakakainis, noong pinapatulo ko ang luha ko ayaw tumulo, ngayon naman, ayaw tumigil!" Naiinis siyang muling nagmupas ng mga luha sa mata. Pakiramdam nga niya ay nanghahapdi na ang mga gilid ng kanyang mga mata sa kakapunas.

"Ang sama-sama niya, mas masahol pa siya kay Vince, ako namang si tanga, hindi ko namalayang umasa pala ako. Feeling ko ang haba na ng buhok ko, ngayon pala, consolation lamang ang lahat upang mawala kay Vince ang attention ko! Grabe siya, ang sama niya talaga," galit na sintimyento niya habang panay parin ang punas ng luha sa mata at humihikbing pilit pinapatahan ang sarili. Inayos niya ang sarili at huminga ng malalim upang paluwagin ang nagsisikip na dibdib ng may marinig siyang katok sa kanyang pintuan.

"Mrs. Cruz, ikaw pala," pilit niyang pinakalma ang sarili at ngumiti ng pilit saka umiwas ng tingin sa bagong kaibigan na matamang inaalisa ang kanyang awra.

"Kadarating ko lang, at agad akong dumaan dito at tinanong kita sa landlady mo kung dumating kana, ayun, naichikka na agad sa akin na malungkot ka daw na dumating at parang maiiyak, hindi mo nga daw siya pinansin ng ngitian ka niya," wika nito saka tumuloy sa loob ng hindi naghintay nang hudyat na papasukin siya.

"Mrs. Cruz, I mean, Jen, gusto ko sanang mapag-isa, sana huwag mong mamasamain," wika ni Rafi.

"Galit ka ba sa akin dahil bigla kitang iniwan sa gitna ng bonding natin?"

"Hindi, bakit mo naman nasabi iyon?"

"Kasi, Mrs. Cruz na nga, iniba mo pa ang tawag mo sa akin, para simpleng tawag lang na magpapaliwanag ng buhay ko ipinagkakait mo pa," wika nito saka nanulis ang nguso at kunwaring nagtatampo at nasasaktan.

Napangiti siya ng bahagya kahit pilit lang. Ayaw sana niya ng kausap pero tila makulit naman ang kanyang bisita kaya't kailangan niyang ipagpaliban na lamang ang kanyang pag-iyak. At naisip rin niyang husto na ang pagdadrama niya ng dahil lamang kay Raffy na hindi naman dapat niya iniiyakan.

"Kamusta naman ang lakad mo?" Tanong niya sa bagong kaibigan.

"Secret! Hindi importante ang sa akin, pag-usapan natin ang sa iyo. Anong nangyari at okay ka lang kanina biglang nag-iba naman ang mundo mo ngayon at parang nabagsakan ka ng langit at lupa."

Muling nangilid ang mga luha ni Rafi. Kahit pilit niyang pinipigilan ang sarili ay napahikbi siyang muli. Hinatak siya paupo sa kama ni Jen.

"Go, umpisahan mo ang kuwento. Nakikinig ako."

"Hindi sinasadyang nagkita kami."

"Oh."

"Ayaw daw niyang siya ang dahilan kung bakit ako muling lumayo, sorry daw dahil gusto lamang niyang kaibiganin ako sa mga panahong hopeless ako," muli siyang napasigok ng iyak.

"Ahaha, na friend zone ka girl?" Natawang kumpirma ni Jen.

Tinapunan siya nang masamang tingin ni Rafi saka muling pinayapa ang sarili. "Ang sama mo rin! Pagtatawanan pa talaga ako!"

"Relax, ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay magiging lakas mo. Ayos lang iyan. i-friend zone mo rin. Iparamdam at ipakita mong hindi ka affected. Harapin mo sila ng isang positive vibes. Alam mo iyon, hindi mo sila pinagsalitaan, hindi mo rin sila kinanti, pero nasaktan mo ang pride nila dahil hindi ka affected sa kanila sa kabila nang ginawa nila sa iyo."

Napataas ang kilay ni Rafi sa sinabi ni Jen. Bakit nga ba siya nagpapakita ng kahinaan sa mga napagdaanan? Hindi pa naman katapusan ng mundo kahit na paulit-ulit siyang ma-broken hearted.

"Salamat ah," wika niya sa kaibigan.

"Wahh, sa wakas, bida na ako ngayon. Naka-inspire ako ng isang kaloobang wasak!" Saka pa ito ngumiti ng pagkaluwang at nag-peace sign.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon