"So, this is where you live?" Tanong ni Raffy noong naihinto na ang sasakyan.
"Yep," sagot ng dalaga na hindi pa rin kumikilos sa pagkakaupo.
Nakangiting naghintay lang si Raffy. Ilang saglit pa, saka nagtanggal ng seatbelt niya ang dalaga.
"I guess, this would end our day today," wika niya bago umibis ng sasakyan.
"Hey, I think I can stay a little longer."
Napabaling si Rafi sa sinabi ng binata.
"Just to make sure you are really fine," paliwanag nito.
"Look, if you are referring to what happened today, I overcome it already three years ago and I can still handle it now," paliwanag ng dalaga sa tantiya niyang pagka-concern ni Raffy. Subalit hindi siya pinansin ng binata sa halip ay umibis din ito ng sasakyan at sumunod sa kanya sa tapat ng gate.
"Passed seven palang ng gabi bakit nakapatay na ang mga ilaw sa loob? Ganoon ba kaagang matulog ang mga kasama mo sa bahay?" Takang tanong ni Raffy matapos sipatin ang mamahaling pambisig na orasan.
"Are you sure you don't want to go home yet?" Paniniyak ni Rafi.
"I guess, dahil kapag umuwi ako nang maaga, negosyo lang din ang mapaguusapan namin ng mga magulang ko sa bahay. Such a boring topic."
Naiiling na sinusian ni Rafi ang lock ng gate niya at kasunod na pumasok si Raffy.
"Your car is here," puna nito sa nakaparadang kotse ng dalaga sa kanyang garahe.
"Of course, sabi ko nga sa iyo sinundo ako ni Nixon kaninang umaga hindi ba," muling sinusian ni Rafi ang front door niya at kinapa ang switch ng ilaw saka pinindot at nagliwanag na sa buong sala.
"Wow, your house is so simple, very feminine. Where are your parents? Your siblings?" Tanong ni Raffy habang palagay ang loob na iniikot ng tingin ang paligid.
"I am living alone here, my parents died years ago, and my only sister has her own family," simpleng paliwanag ni Rafi saka ito nagtungo sa kusina upang kumuha ng maiinom.
"Such a lonely life, mabuti talaga at bumaba ako at sinamahan ka pa, para kung sakali, konting oras kanalang makakaiyak kapag mag-isa kana," wika ni Raffy na iginagala parin ang paningin sa buong kabahayan.
"Ang harsh mo talaga sa akin, hindi ganyan ang ini-expect kong ugali mo," wika ni Rafi na palapit galing sa kusina at may dalang isang baso ng iced tea at inabot sa binata. "Please feel free to take a seat."
"Mas mabuti ng ako ang maging harsh sa iyo kaysa ikaw mismo sa sarili mo hindi ba?" Sagot ni Raffy matapos inumin ang juice at naupo sa isang mahabang sofa.
"Wala ka man lang magazines sa center table mo or somewhere in your house?"
"Hindi ako mahilig mag-babasa ng mga ganyan. Hindi rin nga ako nanonood ng mga balita at nagbabrowse ng mga updated news sa social media. Busy akong tao, kulang ang oras ko sa trabaho, lalo't marami akong mga balance sheets na naka-pending."
"So, you're living in a box."
"You said so."
"Good, that's boring you know."
"Well, I just prefer not to get involved in any unnecessary things in my life. They have nothing to do with me anyway at hindi ko ikakayaman iyon. Makakadagdag pa sila sa iisipin ko."
"But you are not being productive and contributory to the world."
"Bakit ba ang mundo ang iisipin ko? Hindi ba mas mapapakinabangan ako ng mundo kung hindi na ako makikisawsaw pa sa kaguluhan nila? Ang sabi nga, fix your own fence muna bago ang bakod ng iba."
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
Storie d'amoreAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...