CHAPTER 10 - Unpleasant announcement

131 5 0
                                        

Dalawang linggo ang lumipas, nagpatuloy lang sa mga gawain niya si Rafi, katulad nang maghapong trabaho sa opisina, uuwi ng bahay para doon ipagpatuloy ang ilang mga accounts na nangangailangan nang deadline. Minsan may visit meeting sa mga kliyente at regular na Saturday jogging maging ang pagpunta sa bahay ni Mrs. Pecson tuwing Linggo kung kinakailangan. Naging regular din ang paghatid sundo sa kanya ni Nixon na hindi naman niya tinatanggihan kung wala naman siyang client visit. Nagiging mas makulit narin ang kanyang Ate Mara upang tugunin na ang panunuyo ni Nixon.

"Ms. Rafi, tumawag ang secretary ni Mrs. Pecson, sa Sunday daw kung makakapunta ka sa house nila para sa ilang mga documents na nadagdag," paalala ni Candy.

"Oo, pupunta ako, tawagan mo na lang ulit ang secretary niya para ma-inform mo," sagot nito na bahagya lang nag-angat ng mukha upang sulyapan ang kausap saka na muling itinuon ang pansin sa kanyang ginagawa.

"Okay po," saka na muling lumabas sa opisina niya si Candy.

Tumunog ang telepono ni Rafi at nang tingnan ay ang kanyang Ate Mara.

"Sa Sabado dito ka maglunch ah, magpapaluto ako ng masarap na pagkain," wika sa kabilang linya.

"Bakit anong mayron?" Takang tanong ni Rafi sa kanyang Ate.

"Basta, huwag ka nang magtanong, pumunta ka nalang."

"Ate pagkaganyan ang tema mo, kinakabahan ako, parang meron kang gagawing hindi ko magugustuhan."

"Rafina, huwag mong gagawing birong hindi magpunta sa Sabado, magagalit ako. Bye."

"Hmn! Ano na naman kayang kabaliwan ang iniisip ng isang iyon?" Dudang naitanong ng dalaga sa sarili. Muli niyang ipinagpatuloy ang trabaho hanggang muling sumapit ang uwian.

"Ms. Rafi, andito na ang sundo mo," wika ni Carol sa kanya, tamang tama namang nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit.

"Sige lalabas na ako ng opisina, pahintay mo na lang ako," sagot nito saka muling itinuon ang pansin sa mga gamit na bibitbitin at nang maiayos na sa kanyang bag ay lumabas narin ito.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ng kanyang opisina ay dinig na dinig niya ang hagikgikan ng kanyang mga staff habang masayang kausap nila si Nixon. Nakapalagayan na rin ng loob ng binata ang mga staff niya dahil madalas na ring laman ng opisina si Nixon at maging ang pagdadala ng pagkain para sa kanilang lahat.

"O nakarami ka na ata nang pambobola sa kanila ah," tukso nito kay Nixon.

"Naku si Madam, nagseselos dahil pinagkakaguluhan ng girls ang kanyang manliligaw," tukso ni Carol. Tiningnan niya nang kunot noon si Carol.

"Naku lagot ka Carol baka masesante ka na nyan," panakot ni Wendy saka nagtawanan ang lahat.

Agad kinuha ni Nixon ang dalang gamit ni Rafi at nginitian nang pagkatamis.

"Ang gentleman naman niya, ang suwerte ni Madam," tukso ni Candy.

"Isa kapa Candy ah," babala ni Rafi saka sila muling nagtawanan.

"So, ladies, mauuna na kami ah, may date pa kasi kami," biro ni Nixon sa kanila saka pa kumaway sa mga kinikilig para sa kanilang dalawa ni Rafi.

"Have a nice date!" Halos sabay-sabay na wika ng tatlo.

"So, where do you want me to take you?" Tanong ni Nixon nang nasa loob na sila ng sasakyan.

"Ikaw ang bahala, ikaw naman ang nag-aaya eh."

"Italian, Japanese, or Chinese Restaurant?"

"Any of your choice."

"Sige sa Japanese restaurant nalang tayo for dinner," wika ng binata saka pinaandar na ang sasakyan.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon