CHAPTER 23 - Breaking News

96 3 0
                                    

"Nixon?" Gulat niyang muling tawag sa pangalan ng nobyong hindi inaasahan ng mga sandaling iyon.

Bahagyang ngumiti sa kanya ang binata at nanatiling nakatayo lamang at pinagmamasdan siya.

Mabilis na lumabas ng gate si Rafi at tumakbong payakap kay Nixon na akala mo ay nakakita ng isang superhero na sasagip sa kanyang sakit na nararamdaman.

"Kamusta kana, Rafi?" Tanong nito saka tinanggap ang yakap ng dalaga at mahigpit din niya itong niyakap pabalik.

Hindi sumagot si Rafi sa halip ay humagulgol ng iyak sa kanyang dibdib habang mahigpit na yakap si Nixon.

"Hey, are you okay?" Nagtatakang tanong ng binata saka bahagyang tinangkang ilayo sa kanya ang dalaga upang masdan ito sa mukha subalit hindi pumayag si Rafi sa halip ay lalo lamang hinigpitan ang pagkakayakap sa nobyo na para bang ayaw na niya itong muling iwanan siya.

"Just let me cry on you, like this, please. Hayaan mo lang ako sa ganitong puwesto kahit ilang sandali pa, namiss lang kitang sobra," pigil ni Rafi at lalo pang hinigpitan ang pagkakakapit ng kanyang mga kamay sa baywang ng binata. Naramdaman niyang napabuntong hininga si Nixon saka marahang muling hinagod ang kanyang likuran. Katulad ng sinabi ni Rafi, siya ang kusang kumalas ng pakiramdam niya ay gumaan na kahit papaano ang kanyang dibdib.

Hinagod-hagod ni Nixon ang kanyang likod at hinalikan sa buhok. "Do you miss me that much?" Nangingiting tanong nito. Pinunasan ni Nixon ang gilid ng mga mata ni Rafi dahil sa mga luhang nangilid dito. "How are you?" Nakangiti niyang tanong dito.

Umiling si Rafi pinipigilan niyang mapasigok ng iyak. "I am not fine, I am not fine," napasinghot niyang sagot at napayuko.

Kinabig siyang payakap muli ni Nixon at sinubukang payapain sa pamamagitan ng mahigpit na pagyakap.

Gumanti nang mahigpit na yakap si Rafi at napasigok sa kabila ng pagpipigil sa pag-iyak. "Thanks, you are finally back," wika ni Rafi saka tiningala si Nixon. Muli namang pinunasan ng binata nang makitang mangilid ang mga luha sa mata.

"Rafi, I want to tell you something," seryosong wika ni Nixon.

Pilit ngumiti ni Rafi saka tumingin kay Nixon.

Nilingon ni Nixon ang kinaroroonan ng kanyang sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan, napasunod ng tingin si Rafi dito. May isang babae na nakasuot ng isang beach hat ang bumaba mula sa sasakyan ng binata, hindi makita ni Rafi ang mukha nito dahil natatakpan ito ng sombrero pero mula sa tindig at pananamit, mukhang maganda ang babae.

"I came here just to personally inform you that I am getting married to her," wika ni Nixon na ikanabaling ng tingin ni Rafi sa binata.

Nag-unahan ang mga luha sa mata ni Rafi, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib. Nasaktan siya sa narinig. Tumakbo siyang papasok sa loob ng bahay niya at isinarado ang pinto. Dinig niya ang tawag sa kanya ni Nixon subalit hindi niya ito pinansin. "Bakit pa? Isa rin pala siya sa mang-iiwan sa akin," naisip niya habang panay ang iyak matapos mapadausdos ng upo habang nakasandal sa likod ng pintuan. Pakiramdam niya ay kukunin na siya ng lupa, hinihintay na lamang niyang mahulog siya, nakapikit siyang umiyak nang umiyak.

Napabalikwas siya ng bangon mula sa kanyang malalim na pagkakatulog. Napahawak siya sa kanyang mukha, may sariwa pang likido sa kanyang pisngi, hula niya ay galing sa kanyang mga mata. Humugot siya nang malalim na buntong hininga. Dama niya ang sama ng kanyang loob mula sa panaginip. Pagkaalis kasi ni Mila, napagpasiyahan niyang itulog ang sama ng loob kay Raffy.

"Hanggang sa panaginip ay pinasasama ang loob ko ng mga issues ko sa buhay," sintimyento niya. Hindi kaya ibig sabihin noon ay huwag narin akong aasa pa kay Nixon?"

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon