CHAPTER 11 - Into a new relationship

131 6 2
                                        

Paglabas ng bahay ni Rafi, natanaw na agad niya si Nixon na naghihintay sa kanya sa labas ng gate.

"Hey, bakit andito ka? Hindi ka ba umuwi?" Tanong ng dalaga, alam kasi niyang mga bandang alas dos na nang madaling araw nakaalis si Nixon kagabi.

"I did, umidlip lang ako saglit at nagligo then bumalik na ulit ako dito," nakangiting sagot nito. "Ihahatid kita sa office mo," dugtong na sabi.

Hindi na nagpa-hard to get pa ang dalaga at agad na siyang lumabas ng gate at matapos i-locked ay sumakay na ito sa sasakyan nang pagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Nixon.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito, ayaw kong masanay dahil paalis kana. Baka hanapin ko."

"Actually, pagkauwi ko ng bahay kagabi, I mean kaninang madaling araw, nag-long distance call na agad ako sa work ko at nagpa-extend ng another month of vacation leave, nag-email narin ako bilang support document."

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon, baka mawalan ka ng work."

"Hindi naman para sa iyo kaya ko ginawa iyon, para sa sarili ko, dahil gusto ko pang makasama ang girlfriend ko," nakangising wika ni Nixon.

Tinarayan lamang siya nang tingin ni Rafi.

"At mukha namang malaki ang kinikita mo sa mga kliyente mo kaya't kahit mawalan ako ng trabaho kaya mo naman akong buhayin pagdating ng araw hindi ba?" Nakangisi paring wika ni Nixon.

Hinampas siya sa braso ni Rafi mula sa dala nitong folder. "Ano pensiyonado lang ang peg?" Pasupladang sagot nito saka nanulis ang ngusong kumunot ang noo.

"May business naman ako at ipon, kaya't kahit na mawalan ako nang trabaho, kaya parin kitang buhayin," natatawang pagbawi ni Nixon sa una nitong sinabi.

Binalingan ng dalaga ang nobyo at tiningnan nang matalim saka nailing. Natatawa namang binuhay ni Nixon ang makina ng sasakyan at umabante na.

"So, sa mga salita niya ay forever ang nakikita niyang itatagal ng relasyon namin," naisaloob ng dalaga. "Tama ba ang ginawa kong desisyon? Hindi ba ako napilitan lang or nagiging panakip butas ko lamang siya para takasan ang mga pinagdadaanan ko?" Kinapa niya ang damdamin kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa nobyo. "Nagsisimula pa lamang naman kami, pasasaan ba ay lalalim din ang damdamin ko para sa kanya," paniniguro nito. Naramdaman niyang ginagap ni Nixon ang kanyang kamay at pinag-intertwined ito. Nilingon niya ang nobyo at nginitian nang bahagya siyang tapunan nang tingin at muling ibinalik ang tingin sa dinadaanan.

Hanggang sa loob ng opisina ay hinatid siya ni Nixon. Agad niyang nakitang nagsikuhan ang mga staff niya nang makitang magkahawak sila ng kamay na pumasok ng opisina. Hindi niya ito binawi, gusto niyang malaman ng lahat na may nobyo na ulit siya.

Upang ipakita sa lahat na hindi na siya bitter sa dating relasyon niya? Tila hanging bumulong sa kanyang isipan ang bagay na iyon na agad niyang pinalis.

"Parang may something sa mga mata ni sir Nixon," tudyo ni Carol.

Napatingin sila dito. "Did you see it? How it does being expressed?" Masayang patol ni Nixon sa staff.

"Parang nangungusap, sir, parang gustong kumanta," salo ni Candy.

"Oo nga, parang gustong kumanta ng, Shalalalala, Shalala in the morning....." Sabat ni Wendy na inawit pa ang huling salita.

Nagtawanan ang lahat, maging si Rafi.

"Sinagot ka na ba sir Nixon?" Tanong ni Carol.

"Oo kaya sure ang pizza snack ninyo today," nakangiting wika ni Nixon.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon