CHAPTER 12 - Just like the old times

120 3 0
                                    

Nagmamadaling nag-park sa isang bakanteng slots sa covered parking area ng isang mall si Rafi, alam niyang late na siya sa itinakdang oras ng usapan nila ng kanyang mga long time friends. Pagkatapos ng tatlong taon, simula nang pinili niyang magpakalayo-layo at umiwas sa lahat ng mga taong may kinalaman or naging bahagi sa relasyon nila ni Vince, ngayon na lamang niya ulit makikita ang mga kaibigan. Sila Odette at Yazi, mga matalik niyang kaibigan, or mas mabuting sabihing circle of friends nila ni Vince. Hindi siya nagpasundo kay Nixon ngayong araw at nagkataon ding may lakad si Nixon tungkol sa kausap na supplier ng materials sa kanyang rattan goods.

"Hello! Kamusta na ang nagmamagandang babae? Mukhang fresh and blooming ka ngayon compared with last meeting natin," nakangiting bati ni Yazi sa kanya nang makita siya. Palihim naman itong kinalabit ni Odette upang paalalahanang iwasang magbanggit nang nakaraan. "Oh, I'm sorry, I just carried away," wika pang muli saka niyakap nang mahigpit si Rafi.

"Kamusta na friend? Tama si Odette mas lalo kang gumanda ngayon. How's life?" Masayang bati din ni Yazi at nakiyakap din ito sa dalawa.

"Pasensiya na at ngayon lang tayo muling nagkita-kita," nakangiting wika ni Rafi saka hinatak ang upuan matapos ang kanilang group hug. Sabay-sabay silang naupo. Nasa loob sila ng isang branch nang paborito nilang restaurant.

"Oh, dali na magkuwento kana." Na-eexcite na wika ni Odette.

"Okay lang naman ako. Nakapagtayo na ako nang sarili kong accounting firm at bumukod na rin ako sa Ate ko," kuwento ni Rafi.

"Talaga? Yumayaman na ah," masayang komento ni Yazi.

"Masaya kami para sa iyo. Kahit papaano ay nakabawi ka na," si Odette.

"Pasensiya na kayo kung pati kayo ay iniwasan ko ng mga panahong iyon, alam ko namang naiintindihan ninyo ako kung bakit ko ginawa iyon. Mas madali akong makakabawi kung lahat ng may kinalaman sa kanya ay iwasan ko muna," nakangiting wika ni Rafi pero ang ngiti ay nagpupumilit pasayahin nang maalala ang kahapon.

"Alam naman namin iyon, nga pala, I hope you don't mind, gusto ko lang malaman mong matagal niya kaming kinulit upang alamin kung nasaan ka, actually until now, kahit tatlong taon na ang nakalilipas, hindi siya tumigil," si Odette.

Naging malamlam ang mga mata ni Rafi sa narinig mula sa kaibigan. Pero alam niyang hindi maiiwasan ang mapag-usapan ang nakaraan lalo pa't alam ng mga kaibigan ang mga pangyayari sa naging ending ng kanilang love stories ni Vince. Alam din niyang labis ding naapektuhan ang mga ito sa pangyayari. Mabilis na bumalik sa kanyang gunita ang masayang paghahanda nila kasama ang mga kaibigan para sa kasal nila ni Vince, lalo na ang tagpong masaya nilang isinusukat ang mga entourage gown na isusuot sana sa araw ng kasal.

"Madalas nga ay pinagtataguan ko na rin siya kasi masyadong makulit, ilang beses ko nang pinaalalahanan na tigilan ka na niya at tapos na kayo," susog ni Yazi na ikinabalik ng kanyang atensiyon.

"Actually, nagkita na kami," malungkot niyang balita, hindi niya maiwasan ang pumiyok nang bahagya, hindi niya alam kung napansin ito ng dalawa.

Napanganga ang dalawang kaibigan sa kanyang sinabi.

"So anong nangyari?" Tanong ni Yazi.

"Nagkausap na ba kayo?" Tanong ni Odette.

Tumango ang dalaga. "Oo, pero tulad nang dati, pinaliwanagan ko na siyang muli."

"Alam mo na ba ang balitang hiniwalayan na niya si Camille?" Si Yazi.

Tumangong muli si Rafi. "Nabanggit niya noong huli kaming magkita ng hindi sinasadya."

"Ayun, nanggugulo parin si Camille, as usual, hinahabol-habol parin niya si Vince. Napaka-nagger kasi naman ng isang iyon, kahit wala kana, lagi parin niyang ini-issue kay Vince ang tungkol sa iyo," si Odette na naiinis.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon