CHAPTER 7 - The Courting

120 4 1
                                    

"Wow ang daming pasalubong!" Masayang wika ni Candy, staff ng R.I. Accounting Firm na siyang pagmamay-ari ni Rafi.

"Mukhang nag-enjoy ka Ms. Rafi," puna ni Wendy.

"Slight, nakakapagod nga lang lalo sa biyahe," sagot naman ni Rafi saka ito dumiretso na sa loob ng kanyang maliit na opisina at iniwang nagkakagulo sa pasalubong ang mga staff nito. Umpisa na naman ng kanyang araw as usual. Maghapong nakaharap sa mga papeles, computer at numero. Stress na naman ang haharapin lalo kapag hindi niya mapagbalance ang expenses at income ng tinatrabahong account.

Tanghali na nang katukin siya ng kanyang head staff na si Carol. "Ms. Rafi, may nagpadeliver ng pagkain dito. Para daw sa iyo," nakangiting sabi nito at ipinatong ang kanyang dalang pagkain sa mahabang mesa na ginagamit tuwing meron silang meeting at pinaglalamayang accounts na nasa may isang bahagi ng kanyang opisina.

Nag-angat nang tingin si Rafi buhat sa seryosong pag-aanalyze ng kanyang ginagawa. "Kanino galing?" Nagtatakang tanong nito. "Meron na naman bang dumalaw na client dito at nabola na naman ninyo ng lunch?" Pabirong tanong nito.

"Hindi madam ah, galing daw kay Mr. Nixon," may panunuksong wika nito.

Ikinataas ng kilay ni Rafi ang sinabi ng staff. "Kainin niyo na," wika nito.

"Naku Ms. Rafi, bawal kainin ang galing sa manliligaw kung hindi para sa amin. Baka may gayuma," nakangiting biro nito. "Saka may malaking pizza kami sa labas galing din sa kanya," dugtong pa.

Tumango na lamang si Rafi at maya-maya pa ay nag-inat bago tumayo sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair saka lumapit sa mahabang mesa at tiningnan ang pagkaing nakabalot. Napangiti siya dahil favorite niya lahat ng iyon. Kinuha niya ang kanyang cellphone bago umpisahan ang pagkain at nagtext siya kay Nixon.

Thanks for the lunch. It's all my favorite. - Message sent

My pleasure to make you happy. Enjoy your lunch. - Nixon.

Nangiti siya sa mabilis na reply at nakakaaliw na content ng message nito. May ngiti sa labing inumpisahan niya ang pagkain. "Ang sarap nang feeling na may umaalala sa iyo. Parang na-miss ko ata ang magkaboyfriend ulit," wala sa loob na naisip nito habang kumakain.

*****

Mabilis na lumipas na naman ang araw, heto at matatapos na naman ang isang linggo.

"Ms. Rafi, hindi pa po ba kayo uuwi?" Paalala ni Carol, madalas itong ginagawa ng kanyang head staff, dahil madalas ay nakakalimutan ni Rafi ang oras dahil tutok siya maghapon sa kanyang mga ginagawa.

Napatingin ang dalaga sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kanyang opisina. 7:00 pm na, tulad ng dati na-over time na naman ang kanyang mga staff kagaya niya.

"Sige, mauna na kayo tapusin ko lang ang ginagawa ko," sagot nito.

"Pero madam, kanina pang 6 pm naghihintay ang sundo ninyo."

"Ha? Sinong sundo?" Takang tanong nito.

"Mr. Nixon daw po."

"Pero bakit hindi mo ako kaagad sinabihang andiyan siya?"

"Ayaw po niya kayong paistorbo."

"Tsk, sige magsha-shutdown na ako ng laptop," nailing na wika nito. Maya-maya lang ay lumabas narin siya ng opisina. Andun pa ang mga staff niya. At andun din si Nixon na mukhang nalilibang sa pakikipagkuwentuhan sa mga ito.

"O hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ni Rafi nang makitang hindi pa nag-aayos ng mga gamit ang mga staff.

"Tapusin nalang namin ang ginagawa namin, uuwi narin kami maya-maya, Madam," halos sabay sabi ng mga ito.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon