CHAPTER 28 - Disappointed

137 4 2
                                    

Pagkarating nila sa opisina ng dalaga ay natuwa ang mga empleyado ni Rafi dahil muling nakita si Nixon ng mga ito.

"Sir Nixon! Kamusta naman? Long time no see. Namiss ka namin," halos sabay-sabay nilang salubong dito.

"Hmn, I know what you missed," nakangiting wika ni Nixon at naglabas ng isang libo at inabot sa isa sa kanila. "Order a pizza for us," wika nito.

"Iyan nga ang mas lalong nakakamiss sa iyo!" Sabay-sabay muli nilang wika.

"Pizza come and get it!" Wika ni Wendy saka kinuha ang telepono at nag-dial.

"Ayan mai-spoiled na naman kayo sa pagkain," naiiling na wika ni Rafi saka dumiretso sa opisina nito. Sumunod si Nixon sa kanya at kampanteng naupo sa couch na nasa receiving area ng opisina ng dalaga.

"Wala ka bang lakad today?" Tanong ni Rafi dito.

"Nope. Inilaan ko sadya ang araw ko ngayon sa iyo. Wala kabang client visit ngayon? I am willing to be your driver."

"Wala eh, dito lang ako sa office maghapon ngayon, dahil marami akong tatapusing trabaho."

"Okay, I will just sit here the whole day then, para antayin ka."

"Are you sure okay ka lang diyan? Puwede ka namang mamasyal muna balikan mo nalang ako pag-uwian na."

"Nope, baka mabingwit pa ako ng iba. Mahirap na," biro nito saka kinuha ang phone at naglaro ng cellphone games.

Nakunit noo ang dalaga at feeling guilty itong medyo nasapul sa tinuran ng nobyo. Nailing na lamang ito at nagsimula ng gumawa ng mga gawain. Ilang minuto pa ay inabutan sila ng pizza ni Carol.

Lumipas ang isang oras, nakalimutan ni Rafi na kasama niya si Nixon dahil abala siya sa gawain niya, subalit may isang nilalang na kanina pa nagpapabagabag sa kanyang isipan.

"Kamusta na kaya siya? Bakit hindi man lamang siya nagtetext kung okay na siya? Hindi ko naman siya puwedeng tawagan dahil andito si Nixon, isa pa baka tulog pa at maistorbo naman," naisip niya. Napabuntong hininga siya. Napatingin siya kay Nixon na abala at nalilibang sa paglalaro ng cellphone games niya.

Dumaan pa ang mga ilang oras. Nagulat siya nang hawakan siya sa magkabilang balikat ni Nixon at tila minamasahe ang kanyan mga balikat.

"It's already 11:30, gusto mo bang kumain na lamang sa labas or bibili na lang ako ng lunch natin?" Tanong nito.

Hinawakan niya ang isang kamay ni Nixon na nakapatong sa kanyang balikat. "Pasensiya na, busy pa kasi ako, mag-order ka na lang, ano bang gusto mo at uutusan ko si Carol upang tumawag ng order?"

"No, I want to go out and order na lang for us. May malapit namang restaurant dito. Magte-take out na lang ako."

"Ikaw ang bahala."

Pagkalabas ni Nixon ay kinuha ni Rafi ang kanyang phone upang i-check kung may mensahe siya galing kay Raffy, nalungkot siya ng wala siyang text message galing dito.

"Kamusta na kaya siya? Gising na kaya?bakit hindi man lamang siya nagtetext ng hindi ako nag-aalala?" Naisip nito. Titipa na sana siya sa kanyang keypad ng may kumatok at maya-maya ay iniluwa si Carol. Naiwan sa may pintuan sila Wendy at Candy samantalang si Carol ay pumasok na nakangiti at may dalang bugkos ng bulaklak.

"Miss Rafi, kanina pa iyan naideliver, kaso andito si Sir Nixon kaya hindi namin maibigay," wika nito at iniabot sa amo ang mga bulaklak.

Inabot ito nang nagtatakang si Rafi at tiningnan ang nakasabit na card.

Hey Girlfriend,

Thanks for being my medicine. I am feeling well now. I appreciate your effort for taking care of me. Until next time.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon