Biyernes, maaga siyang pumasok sa opisina upang gawin ang maraming trabahong naghihintay sa kanya. Nadagdag pa ang bago niyang kliyenteng si Mr. Navarro.
Nasa kalagitnaan siya ng pagtatrabaho ng magtext si Odette sa kanya.
"Huwag mong kalimutan ang lakad natin mamaya ah, susunduin na lang kita sa bahay mo mamayang 6 pm. Para iisang sasakyan nalang tayo."
"Sure, my pleasure." - Message sent.
Hindi na niya pinahaba pa ang pagsagot sa text message niya dahil tinatamad siyang magtype ng mahaba at ayaw niyang humaba pa ang usapan. Muli niyang pinagpatuloy ang kanyang pagtatrabaho. Ilang oras pa ay kinatok siya ni Carol.
"Ms. Rafi, lunch break na, hindi kapa ba kakain? Magpapabili kami ng lunch kay Joey, anong gusto mong lunch?"
Napatingin sa wall clock ang dalaga, hindi niya namalayang tanghalian na pala at masyado siyang naging busy sa mga ginagawa. "A sandwich and a chocolate drink will be fine for me."
"Granted, Madam," nakangiting wika ni Carol at muli ng iniwan ang amo.
Lumipas na namang muli ang oras at agad hinihinto ni Rafi ang mga gawain ng maka-received muli ng text message mula sa kaibigang si Odette upang ipaalala ang lakad nila.
Napapailing na lamang itong nag type ng malaking letrang K, bilang sagot sa message nito. Alas singko na at alam niyang alas sais ay darating na si Odette kaya't nagmadali siyang nagligpit ng gamit at dinala ang ilang mga kakailangang files upang kung agad silang matapos sa lakad ay maipagpatuloy ang mga ginagawa.
Eksaktong dalawangpung minuto bago mag alas sais ay nakarating siya sa bahay, mabuti at hindi gaanong matraffic sa kanyang regular at dumaan siya sa pinakamadaling ruta pauwi mula sa kanyang opisina. Mabilis siyang kumilos upang mag-half bath at pumili ng damit na aangkop sa lakwacha nila ng kaibigan, Isang pale orange floral print skater dress ang kanyang isinuot na may katamtamang haba ng manggas at tinernuhan niya ng flats black Barbie shoes. Hinayaan lamang niyang nakalugay ang kanyang buhok. Tamang-tamang nakalabas na siya ng kanyang kuwarto ng bumusina si Odette. Agad lumabas ang dalaga at buong tamis siyang nginitian ng kaibigan ng sumakay ito sa sasakyang minamaneho.
"Wow, nice and cute as usual," puri ni Odette. Naka maluwang itong stripes jumpsuits.
"Minsan ka lang manlibre kaya kailangang prepared ako hindi ba? Nakakahiya naman kasi sa iyo," biro ni Rafi.
Nakarating sila sa isang parlor.
"Bakit dito? Anong gagawin natin dito? Akala ko ba kakain tayo?" Takang tanong ni Rafi.
"Make over muna tayo. Ayaw mo non, pati salon ay libre ko."
"Aba, talagang iba ka ngayon, hindi ka ba naumpog?"
"Rafina, huwag mo nang batiin ang pagiging galante ko minsan lang ito."
Nagpa-hair do sila at nagpa-make up. Nagpalagay ng half bangs si Rafi at nagpa-layer ng buhok, bumagay din ang light make-up niya sa kanya. Lalong tumingkad ang kanyang ganda at nagmukhang younger sa kanyang edad. Puring-puri siya ng baklang gumawa sa kanya at maging si Odette.
Masaya silang lumabas ng Salon at nagtungo na sa tinutukoy na hotel and restaurant ni Odette ng mga bandang alas otso na ng gabi.
"Grabe, nagutom ako sa pagpapa-parlor natin," reklamo ni Rafi. Habang papasok sila ng restaurant.
"Here we go," nakangiting wika ni Odette.
"Sure ka treat mo ito ah? Mukhang mamahalin dito at napaka-cozy."
Ngumiti si Odette at dumako na sila sa isang mesa na may nakaupong lalaki at nang makita sila ay mabilis itong tumayo.
"Hi, thanks for coming," si Jake.

BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...