"I'm sorry pero si Mr. Navarro ay kasalukuyang ka-meeting ang mga business acquaintances niya sa conference room. If you wish to discuss something to him personally, puwede mo siyang hintayin sa kanyang opisina," nakangiting wika ng babae kay Rafi.
Kasalukuyang nasa isang building sa Ortigas si Rafi ng mga sandaling iyon upang personal na iabot sa isang kumpanya ang kanyang business proposal para kunin itong kliyente ng kanyang accounting firm. "It's fine, nakapag-usap na naman kami kahapon sa telepono, iiwan ko nalang ang proposal ko," nakangiti niyang wika sa babae na siyang sekretarya ng may-ari ng kumpanyang pinuntahan niya.
"Sure, iaabot ko na lamang ito sa kanya personality kapag natapos siya sa kanyang meeting, at tatawagan ka nalang namin sa feedback."
"Salamat, mauuna na ako," nakangiti paring wika ni Rafi saka na ito lumabas ng opisina. Naghihintay si Nixon sa kanya sa parking area, hinihatid siya nito at nagboluntaryong hihintayin siya. Eksakto palang siyang nakalabas ng glass door ng opisina at tutuntunin ang hallway patungo sa elevator nang marinig niya ang tawanan ng grupo ng apat na lalaki na pawang mga naka-business suits na palabas ng conference room. Napatigil siya nang makita ang isa sa mga lalaking masayang nakikipagdiskusyon sa grupo at napagawi ang tingin sa kanyang direksiyon. Nakita niyang medyo nagulat ito sa una nang makita siya subalit nang makabawi ay nginitian siya. Nakadama nang malakas na kabog ng dibdib si Rafi, hindi niya alam kung muli siyang babalik sa loob ng opisina o tutuloy siyang maglakad sa hallway patungo sa elevator nang kunwa'y walang nakita. Ayaw niyang muling magkausap sila ni Raffy dahil nag-aalala siyang may makakita sa kanila at ma-issue na naman silang muli. Nawala ang tingin sa kanya ni Raffy dahil tila may idiniskusyon ang isa sa kasama nila sa kanya. Maagap na sinamantala ni Rafi ang pagkakataon at lumiko siya sa isang hallway na hindi alam kung saan ang lalabasan. Tinunton niya ang dulo nito at ipinagpasalamat niyang patungo rin ito sa elevator. Tumingin siya sa paligid, walang tao. Agad niyang pinindot ang button. Habang hinihintay na bumukas ang elevator ay panay ang tapik ng mga sapatos niya sa simentong kanyang kinatatayuan na akala mo ay may magagawa upang mapabilis ang pagbukas nito. Nang magbukas ito ay ipinagpasalamat niya at wala itong sakay, kaya't hindi na ito aakyat pa sa mga susunod na floor at agad siyang makakasakay. Agad siyang lumulan sa loob at ilang beses na pinindot ang close button matapos pindutin ang ground floor. Napabuntong hininga siyang napapikit nang unti-unti nang magsara ito subalit nahigit niya ang kanyang paghinga nang biglang may kamay na pumigil dito.
"Hi, are you avoiding me?" Si Raffy at tuluyang pumasok sa loob ng elevator.
"Hi! It's you, it is nice to see you here unexpectedly," wika niya na pilit ngumiti at pigil ang pagbuntong hininga.
"Nice, you are good at denying," sarkastikong wika ni Raffy.
"What do you mean?" Kuno't noong tanong ni Rafi.
"Pretending that you didn't see me; pretending not hurting; pretending to be happy; pretending everything is alright," saka siya sinulyapan nito habang bahagyang nakangiti.
"Pwede ba!" Ngiwing wika ni Rafi saka mataray na inirapan niya ang binata.
Nang makarating sa ground floor ang elevator ay agad siyang hinawakan sa kamay ni Raffy at isinama palabas ng elevator.
"Hey, I can walk, let go of my hand," natarantang wika ni Rafi at pilit na binabawi ang kamay nito sa binata, subalit hindi siya binigyan nang pagkakataon. Itinakip ni Rafi nang pasimple sa mukha ang dalang folder at bahagyang nakayuko habang naglalakad sa hallway, pansin niyang nakatingin sa kanila ang ilang andoon.
"Look, naghihintay ang boyfriend ko sa parking lot. I must go first," wika niya.
"Ow, really? You mean your ex-boyfriend?"

BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomansaAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...