CHAPTER 8 - The past

199 5 0
                                    

Patapos na ang kanyang jogging rounds ng araw na iyon, kahit iyon ay araw ng Sabado at alam niyang hindi ito ang araw ang schedule na jogging ni Raffy, umaasa pa rin siyang magkita sila doon kahit pinipilit niyang supilin ang kanyang isip na umasa. Pawisan siyang hinihingal na huminto sa tapat ng kanyang sasakyan at kinuha ang kanyang tubigan at tinungga iyon, pagkatapos ay nagpunas ng pawis sa mukha. Tumunog ang kanyang cellphone at sinagot niya ito.

"Hello, Ate?"

"Dito ka na sa bahay maglunch, iluluto ko ang favorite mong grilled tahong and stuffed squid, take note, nag-baked boneless bangus din si Kuya Boyet mo kaya naalala kita."

"Wow, wala na namang kuwenta ang pagdya-jogging ko niyan!" Natakam na reklamo ni Rafi. Biglang pakiramdam niya ay nagtubig ang kanyang bibig sa pagkaing narinig niya.

"Yaan mo na, kahit naman tumaba ka, magugustuhan ka parin ni Nixon."

"Tatawagan ko na lang si Mila para ipa-take home ko na lang sa kanya ang ipinaluto kong uulamin namin today," hindi niya pinansin ang tudyo ng kanyang Ate.

"Sige dito ka na lang dumiretso, pero makidaan ka sa isang bookstore, pakibilhan mo ng art materials si Zack para sa Art Project niya sa Monday."

"Okay. Bye!"Agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan at umalis na sa jogging site. Pagkarating niya sa isang malapit na bookstore ay agad niyang chineck ang itinext sa kanya ng kanyang Ate na listahan nang bibilhin. Habang papunta sa section ng mga art materials, nadaanan niya ang isang magazine rack na ikina kuha ng kanyang atensiyon. Isang magazine ang kanyang napagtuunan nang pansin. Isang larawan ng babaeng nasa cover page, mapustura, matangkad, makinis at maputi ang balat, sopistikada at elegante sa suot na magandang damit at naka-fierce looked ito.

"Parang familiar ang isang ito," naisip ni Rafi saka kinuha sa estante ang magazine at malapitang tiningnan upang alalahanin saan niya ito nakita, subalit hindi niya maalala. Nagdadalawang isip itong ibinalik ang magazine sa kaninang puwesto, gusto at ayaw niyang bilhin. Pabuntong hiningang ibinalik nang tuluyan ang hawak at padedmang tinungo ang kanyang pakay. Nang makuha lahat ay matiyaga siyang pumila sa may kahabaang pila sa counter. Matapos ang kinse minutos ay nakatanggap siya ng text muli sa kanyang ate Mara.

"Idagdag mo pala ang pentel pen at short folder." - Ate Mara.

"Ayzz, si Ate talaga pasaway! After a long queuing and now I am second in the line, saka ako papaalisin sa pila para lang sa dalawang dagdag! Psh!" Napapailing niyang sabi sa isip niya. Umalis ito sa pila at muling tinungo ang estante kung nasaan ang bibilhin pa, nang makuha na at pabalik na sa pila ay muling nadaanan ang magazine rack, muli siyang nagdalawang isip kung kukunin at bibilhin ang magazine na may larawan ng babaeng familiar sa kanya, subalit sa muli ay nanaig ang hindi pagpansin dito. Pagbalik niya sa counter ay maiksi na ang pila kaya't agad naman siyang nakapagbayad.

Masaya siyang sinalubong ng mga pamangkin at agad inaya sa kanilang sala at ipinagmalaki ang mga bagong toys.

"Wow! Ang ganda naman ng mga new toys ninyo!" Aliw na wika nito.

"Of course si Daddy ang bumili nito Tita!" Bida ni April.

"Oo naman, alam ko namang kuripot ang Mommy ninyo!" Nakangisi niyang wika at umiwas nang makita niyang iniumang na ng ate niya ang kanyang kamay, alam niyang masasapak siya nito dahil sa sinabi.

Natawa si Boyet sa kanila. Iniabot naman ni Rafi ang mga ipinabili sa kanyang Ate.

"Hindi ko ito babayaran sa iyo dahil sa pang-ookray mo sa akin!" Wika ng Ate Mara niya na inirapan lamang niya.

"Pa-shower ah!" Pag-iiba niyang sabi saka tumayo dala ang duffel bag niya. Lagi siyang may dalang gamit sa kanyang sasakyan para ready siya anomang oras siya hindi makauwi ng bahay, dahil kilala niya ang kanyang Ate Mara kung maglambing at biglaang tatawagan siya kagaya ng ngayon.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon