Dahil hindi naman na siya masyadong busy kaya naging regular na muli ang kanyang sabadong jogging. Maaga siyang bumangon ng Sabadong iyon upang maghanda papunta sa jogging site. Medyo pasikat palang ang araw nang tumungo siya sa kanyang gate upang buksan ito at ilabas ang kanyang sasakyan subalit pagkalapit sa gate ay napansin niyang naka-park sa gilid ng kanyang gate ang isang familiar na luxury SUV na kulay itim.
"Good morning girlfriend!" Nakangiting bati ni Raffy na nagbaba ng bintana ng sasakyan.
Nag-aalalang inilibot ni Rafi ang tingin at tanaw sa paligid bago nilapitan ang sasakyan ng binata. "Bakit ka andito at sa ganitong kaaga?" Kunot noong tanong nito.
"I know magdya-jogging ka kaya isasabay na kita papunta sa complex," nakangiting wika ni Raffy.
"Hindi ba every Sunday ang sked ng jog mo?"
"Yup, but, so that we can jog together, I'm freeing my Saturday sked. aren't you please with my effort?"
"Sa totoo lang natuwa naman at medyo kinilig sa effort mo pero tama na muna ang sweet smile na response baka maligawan pa kita," naisaisip ng dalaga at ngumiti nga nang pagkatamis. "Okay, see you there nalang, I'll just get my car," wika kapagdaka.
"Oh no, I am here to give you a ride. Ihahatid na lang kita mamaya."
Muling nangiti ang dalaga, alam naman niyang sinusundo siya ni Raffy upang isabay sa pagdya-jog subalit mas gusto niyang mag-papilit kaya nagpapaka-naïve siya. Sanay na siyang madalas nakakasama si Raffy simula nang pilitin siya nitong i-invite sa romantic setting ng dinner na ang turing nga ni Raffy doon ay date. Lagi siyang tinatawagan ni Raffy sa cellphone upang magmeet sila, bukod pa sa madalas itong nagpupunta sa kanyang bahay nang walang pasabi. Minsan nga ay nauuna pa ito doon at pagdating niya ay naghihintay na sa labas ng kanyang bahay. Medyo nasanay narin siya sa mga reporters, lalo na ang pagtatago sa mga ito. Minsan nga para silang batang tumatakbong magkahawak kamay at magtatago sa mga nakaparadang sasakyan sa isang parking area upang mapagtaguan lamang ang reporters na naka-spot sa kanila hindi nga lang niya alam kung napicture-an sila, pero kahit may pag-aalala siyang muling maging laman ng balita, naaaliw naman siya sa company ni Raffy dahil kahit papaano ay nakakalimutan niya ang pag-aalala sa damdamin ni Nixon.
Matapos niyang isara ang gate ng kanyang bahay, sumakay na siya sa front seat nang mamahaling sasakyan ng binata.
"Gigo invites me to a ball party tomorrow night," wika ni Raffy ng nasa biyahe na sila.
"The couple is one of the sponsors of the foundation and they are part of hosting the said ball party. Sam and her Mom, Mrs. Pecson, also invited me to attend."
"Great, I mentioned you that because I am planning to invite you to be my date to the night. Invited ka rin pala kaya sure ng may ka-date ako sa party," nakangiting wika ni Raffy.
Natuwa sana si Rafi pero agad napalitan nang pag-aalala ang kanyang tuwa.
"Susunduin kita bukas para sabay tayong magtungo sa party," narinig niyang wika ni Raffy.
"Hindi tayo pwedeng magsabay dahil for sure, maraming business society ang dadalo doon at kapag maraming socialites doon, hundred percent na may mga magpupunta ring reporters at tiyak makikita tayong magkasama at pagpipiyestahan na naman nila tayo. At kapag nagkataon, hindi na natin sila maiiwasan."
"Nice figuring out! But I am not in favor with what you're thinking. Ke magkasabay o hindi tayo magkasabay sa pagpunta sa party, the mere fact na makikita nila tayong parehong nandoon ay hindi mo parin sila mapipigilan."
"So hindi na lamang ako aattend."
"Magtatampo si Sam at si Auntie sa iyo."
"Maiintindihan nila ang reason bakit."
![](https://img.wattpad.com/cover/146615113-288-k889181.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfect Fit (book1)
RomanceAfter the failed first love, she choses to be exiled for a long time just to move on. When she thoughts she is strong enough to conquer her past, she returns with positive aura. But two men are getting on her way, who among these men she is going to...