CHAPTER 13 - Messing out

111 3 0
                                    

Masaya siyang umuwi ng bahay ng gabing iyon, hindi rin nasunod ang hiling niyang maaga silang makauwi dahil sinulit nila ang pagkakataong maging masaya sa kanilang muling pagkakasama. Dalawang araw at isang gabi silang magkasama ni Vince. At sa panahong iyon, muling bumalik ang kanyang sigla't saya. Masaya silang naghiwalay ni Vince. Hindi pa rin niya ipinaalam dito ang kanyang bagong tirahan, dahil ayaw niyang kulitin siya nito. Napaliwanagan naman niya si Vince.

Kahit malalim na ang gabi ay hindi parin siya makatulog, hindi niya alintana ang pagod nang biglaan niyang bakasyon, basta isa lamang ang tiyak, masaya siyang muling nakasama si Vince. Alam niyang mali, subalit lahat ng mga bagay na kokontra sa kaligayahan niya ay pansamantala niyang iwinaglit. Pabaling-baling ito sa kanyang higaan at ang mga sandaling magkasama sila ni Vince ay paulit-ulit na nagre-replay sa kanyang gunita. Nangingiti-ngiti siyang alalahanin ang mga sandali.

Maaga siyang naghanda papasok ng kanyang trabaho nang muling suminag ang haring araw, hindi siya natinag ng mga text messages niya at missed calls na rumehistro sa kanyang cellphone nang buksan niya ito.

Galing sa kanyang Ate Mara, kay Nixon, at sa mga kaibigan. Marami siyang mga dapat gawin ngayon sa opisina dahil dalawang araw siyang hindi nakapasok. Muling tumunog ang kanyang text notifications, nakita niyang unknown number ang nakarehistro dito. Kuno't noo niyang binuksan ang mensahe at binasa.

Good morning, I hope we can meet today. Vince. – Galing kay Vince.

Napangiti siya at tumipa.

Bakit mo nalaman ang contact number ko? Hindi ko naman ibinigay sa iyo hindi ba? – Message sent.

I won't let my chance to be away with you again. - Vince.

Nangiti siya at nakadama nang kilig. Subalit agad napalis at medyo nahaluan nang kaba nang mabungaran niya sa may gate si Nixon na naghihintay sa kanyang paglabas ng bahay. Agad niyang naitago ang kanyang cellphone na akala mo ay mababasa ng nobyo ang kaniyang pakikipagtext sa dating nobyo.

"Good morning!" Nakangiting bati ni Nixon na halatang na miss siya nang husto.

Pilit na ngiti ang isinagot niya sa nobyo at binuksan ang gate. Alam niyang ihahatid siya nito sa kaniyang opisina.

"Wala ka bang load? Kasi I think nababasa mo naman ang mga messages ko pero wala akong reply na nare-received mula sa iyo," wika ni Nixon.

"Uh, I am about to reply kaso andito kana pala," dahilan nito.

"Andito rin ako kahapon at kagabi, kaso naka off na nga ang mga ilaw sa bahay mo, wala rin akong narereceive na reply mula sa iyo. Ang dami ko na ring tawag sa iyo. Wala rin ang sasakyan mo," pinagbukas siya ng pinto ng sasakyan ni Nixon. Sumakay si Rafi ng walang kibo.

"Where were you the last two days?" Tanong ni Nixon nang bumibyahe na sila.

"May two days seminar ako," dahilan niya.

"Pero galing ako sa opisina mo, wala ka naman daw seminar or client meeting."

"Uh, biglaan lang, hindi ko na nabanggit sa kanila. Out of town iyon."

Tumango-tango si Nixon.

"Ikaw, kamusta ang lakad mo?" Pag-iiba ni Rafi.

"Ayos lang, naka-meet ko na ang may-ari nang magsusupply nang murang raw products sa amin," kuwento nito saka pa nagpatuloy, nakinig si Rafi at sinadya niyang makipag-interaction sa nobyo upang maipadamang kunwari ay interesado siya sa mga ibinabahaging kuwento nito. Pinaunlakan din niya ito nang mag-aya sa isang kainan upang doon sila sabay na mag-agahan.

"Susunduin kita pauwi," wika ni Nixon bago siya magpaalam kay Rafi nang maihatid na siya nito sa loob mismo ng opisina nito.

"Uh, itetext nalang kita kung wala akong lalakarin mamaya."

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon