CHAPTER 18 - Game Over

110 2 0
                                    

Kagaya nang inaasahan, ginulantang na naman siya kinabukasan ng kanyang Ate sa tawag sa kanyang cellphone.

"Tama lamang sa baklang reporter na iyon ang isinagot mo sa kanya! Kung ako ang nandoon tiyak mas maanghang pang salita ang natikman niyang iyon."

"So hula ko, nasama na naman ako sa balita at napanood mo iyon?"

"Oo nga eh, nagiging celebrity ka na rin. Kinukulit nga ako ng mga kamag-anak natin, bakit daw sa iba ka na link eh alam nilang may boyfriend ka."

"Psh! Kasalanan mo iyan Ate."

"Ako pa? Ikaw kaya ang nagpapagulo ng lovelife mo."

"Hindi ko naman gusto ang makaladkad sa news."

"Kung patuloy kang makikipagkaibigan or lalabas nang kasama ang Raphael Sandoval na iyan, puwes, ihanda mo ang sarili mo."

Napabuntong hininga siya. Ano pa nga ba ang kanyang magagawa. Nakaramdam siya ng inis sa sarili. "Ano ba kasi ang mga pinaggagawa kong desisyon sa buhay ko? Bakit kasi hindi na lamang ako manahimik sa piling ni Nixon," naisip niya. "Hindi pa rin siya tumatawag hanggang ngayon, tapos nadadagdagan ang kutob niyang may iba na nga ako. Hay Nixon, bakit ba parang hindi importanteng alamin ang paliwanag ko?" Naiiling na wika nito.

Isang Linggo rin ang matuling nagdaan at sa loob ng isang Linggong iyon ay kasama sila ni Raffy sa laman ng mga balitang ka-chikahan. At kagaya ng dati, panay ang tanggi niya sa mga tanong ng mga kaibigan at staff. Hindi na lamang niya sineryoso ang mga ito at naging busy rin naman siya sa trabaho. Maging si Raffy ay hindi na rin muna nangulit sa kanya dahil balita niya ay busy rin ito at nabanggitan din siyang may out of the country conferences ito kaya't kahit laman sila ng balita ay isang Linggo siyang tahimik at walang umaabala sa kanya, kahit na namimiss niya kahit papaano ang binata.

Isang gabing maaga siyang umuwi ng bahay ay naisipan niyang magbukas ng balita habang naghahanda siya ng kanyang lutuin para sa kanyang dinner. Agad nafocus sa kanyang tingin ang telebisyon at nakita niyang live na ini-interview ang isang magandang babae na napakapamilyar sa kanya.

"Siya si Eliz Vizcara!" Naisip niya.

Ang scene ay nasa Manila International Airport Terminal at pinagkakaguluhan ng ilang fans at reporter ang sikat na modelong tila bagong dating.

"Miss Eliz, is it true that you and your boyfriend were now separated?" Tanong ng isang reporter.

"Were good, were still good," nakangiting sagot ni Eliz sa nagtanong.

"Is it true that he proposed to you with conditions? Na totoo bang pinapili ka niya kung ang contract modelling career mo sa Brazil o ang maging fiancée niya?" Tanong ng isa pang reporter.

"Well, Raffy is very supportive with my career and everybody knows about that."

"What can you say about the rumored mysterious lady of your boyfriend, Mr. Raphael Sandoval, recently seen their sweet gestures," tanong ng isang reporters.

"You said it, it was a rumored."

"But as I said, they have seen being together lately. I know that news have reached your attention."

"I trust Raffy. I know he loves me a lot and I understand about the boys' naughty moves towards girls when their special someone is away. At hindi iyon maiiwasan dahil we all know how he was being fantasized by other ambitious ladies out there."

"So you mean, na ayos lang sa iyo kung may fling ang boyfriend mo?"

"I told you I trust him a lot. So why bother? I know in the end kami parin at sa akin parin siya babalik," proud na wika nito at saka na naglakad patungo sa van na sumundo sa kanya habang habol parin siyang tinatanong ng mga reporters.

Perfect Fit (book1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon